"Mag-sorry ka," Dos said.
"Luh, sorry agad? Show her actions with words, hindi sapat ang sorry lang." Heixon said.
"Ano ba ang actions at words na 'yan?" Tanong niya.
"Hmm, ikaw lang ang nakakaalam, depende rin kung anong kasalanan mo. Example kapag nasabihan mo siya ng pangit, bawiin mo sabihan mo ang ganda niya." Sagot ni Harvie, his little brother.
"Pero, pareng Heazen, iba-iba rin ang pagsuyo, eh. Sa 'min mostly more on actions." Cinco smirked.
Pinukpok naman ito ni Quatro ng mahuna sa ulo ng walang lamang mineral bottle.
"Itapon mo mamaya sa basurahan, huwag mong iwanan sa daan." Sais said.
"Anyways, so may babae kang susuyuhin?" Hinx asked.
Hindi siya nakasagot.
He brought many advices at home pero 'yong una talaga ang tumatak sa kanya.
Dapat may babae ka munang susuyuhin.
Where is my angel baby?
Hinalughog niya ang buong condo unit, wala ito. Kahit sa ilalim ng upuan sa loob ng ref, hinahanap niya pero walang bakas nito.
"Angel, I'm sorry, okay? Show yourself, please." He said after exhaustedly roam around his condo.
Napaupo siya sa sofa, nakaharap sa TV at nakatalikod sa veranda.
Where the heaven is she? Impossible namang nag-iilusyon lang siyang may anghel talagang pumasok sa condo niya. Parang totoo kasi, o baka naman umalis na ito ng mapagtantong wala talagang makakatalo sa Lumpia niya?
He sighed and close his eyes. Parang gusto niyang matulog pero muntik na siyang mapatalon sa gulat ng may yumakap sa kanya.
Napangiti siya ng maramdaman ang pamilyar na bango ng dalaga. She smells so holy, hindi niya alam kung anong pabangong gamit nito. Tsaka malambot at makinis rin ang balat nito.
"I thought you left me..."
Angel hugged him tighter as if she missed him, pero mas mukhang sinasakal naman nito ang leeg niya.
"I can't."
Hinawakan niya ang braso nito. Umikot namn ito papunta sa harao niya at umupo sa kandungan niya. Agad niyang niyakap ito sa bewang.
"Sorry if I burst out earlier. Hindi lang ako sanay na may gumanon sa Lumpia ko." He apologized.
Angel nodded.
"Naiintindihan ko. Hindi dapat ako nakikipagkumpitansya kasi alam kong pareho mo naman kaming mahal."
His smile froze. M-mahal?
Where did she get that idea? Wala pa nga silang isang linggo, mahal na agad? Psh. He's not being indeal but he's being realistic, walang taong magmamahal ng dalawang araw lang.
"I only love my Lumpia, angel baby." He said sweetly and tuck her hair behind her ear.
"I'm your guardian angel. Dapat minamahal ang mga guardian angel."
Responsibility now equate to love, huh?
"Maybe, but not in romantic way."
"Bakit naman?"
"Wala ba kayong rules? Kadalasan kasi ay pinagbabawalan ang mga guardian angel na mahulog sa binabantayan nila. In that case, baka maparusahan ka." Pananakot niya.
Napalabi ito ng bahagya saka napaisip bago umiling.
"Wala naman Siyang sinabing ganoon. My task is to guard you, Heazen."
