Nagsipagsikuhan naman ang mga ito na parang nagsisihan pa! Ano bang meron?"Mag-race muna tayo tsaka mag-Billiards bago mag-Bar. At siyempre para pampawala ng lasing mag-cofee tayo." Paliwanag ni Dos saka awkward na natawa.
"Oo tama!" Gatong pa ni Hakob.
Seriously?
Sumandal siya sa swivel chair niya at tiningnan ang mga pinsang mukhang natatae o ano.
"That's too many activities. My girlfriend is waiting for me at home. Magagalit 'yon kapag late akong uuwi." He said proudly stressing the word 'girlfriend.'
Mukhang hindi naman na nagulat ang mga pinsan niya sa sinabi niya. He just don't get their expressions. Mukhang...mukhang sumeryoso ang mga ito sa sinabi niya o siguro guni-guni lang niya 'yon.
"Mamayang gabi lang naman 'to, Heazen. Isang gabi lang..." Quatro begged.
Mahina naman itong binatukan ni Cinco.
"Nandidiri ako sa sinabi mo. Para kang pa-epal na mga antagonist sa kwento." Cinco scoffed.
"So, ano? Payag ka na? Miss ka na naman, eh." Dos said.
He sighed.
"I'll just asked my girlfriend about this kung papayagan niya ako."
Nagtinginan ang mga ito saka sumukong tumango.
"Sige. Just give us a call."
When lunch strikes. He went to a phone store and bought one for Angel. Para kahit papaano ay makakapag-usap sila kahit malayo. Imbes na hindi uuwi ng lunch ay nakauwi na lang siya para magpaalam dito.
"Sige. Mga pinsan mo naman 'yon. Nakita ko ang samahan niyo kaya sayang talaga kapag hindi ka nakasama mamaya." Angel said.
Napangiti siya at niyakap ito. Hinalikan niya ito sa sintido.
"You have your phone, angel-baby. I'll be calling and text you from time to time."
"Kahit huwag na! Enjoy later, Heazen. Kung guardian angel lang sana ako edi sana palagi akong nakamasid sa inyo..." Angel pouted.
"I'd rather choose you not to be one. Para mayakap ito ng ganito." He chuckled and hugged her tighter.
Angel laughed but softly pushed her away.
"That's too tight, Heazen. Naipit ang dibdib ko, sumakit." Angel chuckled but she's only massaging her chest part specifically where the heart is located.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
"Oo naman, Heazen! Kain na tayo?" Angel said smiling widely making his worries blown away.
Napangiti na lang siya at nagpadala sa hila nito.
"Sira ang gulong ng kotse ko." He said boredly looking at his four cousins who's now wearing their suit.
"Sige. Nood ka na lang. Huwag kang kukurap o umiwas ng tingin. Tingnan mo sino mananalo sa 'min." Cinco said and tapped his shoulder.
"Yeah. Yeah." He boredly agree.
Kumunot ang noo niya saka napatingin sa relo.
"Where are the other assholes?" He asked pertaining to their other cousins. Silang lima lang kasi ang naroon.
"Ah. May LBM silang lahat." Walang kwentang rason ni Dos.
"What?" He grimaced.
"Si Hakob kasi..." Paninisi agad ni Dos habang si Hakob ay takang-taka kung bakit nasali. Napatango naman ito ng pandilatan ito ng mata ni Dos.