Chapter 19

9.8K 329 24
                                    


"Are you cold? Pwede naman tayong pumasok sa loob." Marahang tanong niya sa dalaga.

Umiling lang ito ang sumandal sa dibdib niya. Nakaupo sila sa buhangin at pumwesto naman ito sa gitna ng hita niya habang nakasandal sa kanyang dibdib. The night is so peaceful. Sa sobrang payapa nakaramdam siya ng kontento.

"Sana dito na lang tayo palagi." Malungkot na sabi ni Angel.

"We can..." He muttered.

Kung anong gusto mo...tutuparin ko.

"But you have a life in the city. Hindi mo pwedeng hayaan."

Humigpit lang ang yakap niya dito at pinatong ang baba sa balikat nito.

His hand snake under her shirt and caress her tummy. Impis pa ang tiyan nito, walang umbok. If ever she'll have bump, her tummy will be tge sexiest part of her body.

"Hindi pa ako buntis." Sabi nito ng mapansin ang paghalos niya sa tiyan nito.

He groaned and light bite her shoulder.

"I'm aiming you to be one."

Napasinghap naman ito.

"G-gusto mong buntisin ako?"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto. Pero pakasalan mo muna ako bago mo ako buntisin." She smirked.

Napangiti siya sa sinabi nito saka pinatakan ng halik ang leeg ng dalaga.

"Anong kasal ang gusto mo? Church, Beach? Garden wedding? Or Heaven theme?" Pagsasakay niya dito.

"Heaven themed wedding? Tapos Angel ako n'on?" Angel asked with a sheepish smile.

"Yes," he agreed hoarsely.

"Gusto ko n'on! Pero gusto ko sibil para mabilis."

He let out a groan and bit her neck. Mahinang napatili naman ang dalaga sa gulat pero natatawang tinampal nito ang balikat niya.

"My angel-baby never failed to be fast as Flash, huh. You really deserve to be a Benjamin. Tinalo mo pa kami sa bilis mo."

Angel just smiled at him.

Sumandal ito sa dibdib niya ay humikab.

"Antok na si Angel-baby, Heazen." She said like a child.

Tumango siya at hinawakan ang noo nito para isandal sa dibdib niya. Pumikit na mga ito at kalaunan ay tuluyan ng nakatulog.

He remained staring at the bonfire he made. Kanina ay malakas pa ang apoy pero dahil nauupos na ang kahoy, ay pahina ng pahina ang apoy at malapit ng mamatay.

That's just like relationship. If you keep on supplying trust, care, communication, and love, it will keep on burning. It keeps your romance fiery but if you stop giving them those factors, unti-unting hihina ang apoy at doon na papasok ang kalamigan ng relasyon. Because the fire is already gone. Paano ba papanatilihin ang apoy kung wala naman ng kahoy? Paano pananatilihin ang relasyon kung walang pagtitiwala, pag-aalala, pag-uusap at pagmamahal?

Hinalikan niya ang sintido ng natutulog na dalaga. Dinama niya ang katawan nito sa pamamagitan ng yakap.

He might not be the perfect man for her, and sometimes he's undeserving for having Angel, but he will be the best man so that he'll be deserving for her.

"I love you more than life." He whispered on the sleeping Angel hoping she'll hear it through her dreams.


"BAKA naglayas?" Tanong ni Quatro.

"Bakit naman siya maglalayas? Hindi pa nga natin kinokompronta, ano una muna ang pagtatampo bago malaman ang totoo?" Ingos ni Hellion.

"Hindi mo pa rin ba mahanap-hanap?" Baling ni Dence kay Hakob.

"Sumakay siya ng yate niya. He's the one driving it kasi 'yong captain ay nasa port lang." Hakob informed them.

"Saan daw patutungo ang yate ni Heazen?" Usisa ni Uno.

"I'm still tracking it, Kuya."

Bumukas ang pinto kaya napaayos sila ng upo pero kumalma rin ng makita nila si Klaz.

"I have the evidence now from the CCTV footage. I barged in to the control room. Kinuha ko lang ang Footage kanina kung saan umalis si Heazen. Probably. Kasama-kasama niya ang girlfriend niya kaya kung totoo man ay mahahagip ng CCTV at kung hindi...."

"We need to find Heazen para sabihin na natin ang totoo." Seryosomg saad ni Harvie.

"Agad-agad? Hindi pa nga natapos natin ang step number 1, ah? Heazen ain't yet distracted." Angal ni Helix.

They all sighed in unison.

"We need to find Heazen a new hobby."


"HA? Sinasayang lang nito ang oras ko. Marami akong hinahabol na trabaho tsaka 'yong girlfriend ko, busy ako." Reklamo ni Heazen kasi pagbalik niya ng kompanya pagkatapos ng ilang araw ay ito agad ang bubungad sa kanya.

"We have cousins competition. Paunahan matapos ang cross stitch." Hendrix said and gave him the materials. Thread, the pattern that he'll need to copy, cross stitch needle at ang tela ng cross stitch.

"Pwede mo namang mamayang gabi gagawin. Oh, tagdadalawa kasi." Sabi pa ni Hellion at nilapag pa ang isang set ng materials ng cross stitch.

"Dapat matapos na natin ng tatlong araw, ha?" Pangungulit ni Hinx.

He sighed in defeat. May magagawa pa ba siya? Competitive pa naman siya sa mga laro-laro ng mga pinsan niya. For fun lang naman. Hindi tulad kay Heilan. Hmf! Ngayon tuloy niya naalala ang pasimpleng pang-aasar nito tuwing naglalaro sila. Lalo na ang bato lata! Sa ulo ba naman siya binato.

"Okay..."

Nagtinginan ang tatlo at napangisi. Napailing na lang siya.

"THIS is fun!" Angel exclaimed.

Nag-cross stitch siya sa isa at binubuo niya ang isang kotse na mukhang colorful kaya mas mahirap tapusin kasi ang daming kulay. Kay Angel naman is garden ang pattern nito.

Napasimangot siya.

"I'd rather choose cuddling rather than this." He frowned.

"But this is a competition, right? Kaya hindi ka pwedeng matalo. Isipin mo na lang, nagbobonding tayo."

He sighed in defeat. Ano pa nga ba? Pero napangisi siya ng may pumasok na ideya sa isipan.

Tumigil siya sa pag-c-cross stitch at binaba iyon.

"Naubusan na ako ng energy..." Matamlay na pagdadrama niya.

"H-huh?"

"Need ko kiss mo every minute." Sabi niya sabay nguso.

Napangiti naman si Angel at dumukwang papalapit. Hinuli niya ang batok nito at pinailaliman ang halik. Angel whimpered. Alam niyang susuko na ito dahil apektado na agad kahit halik pa lang niya but ge was shock when she pull away.

"Oh, mamaya ulit, Heazen! Kailangan manalo ng Heazen-baby ko." Sabi nito at muling bumalik sa pag-cross stitch habang mapula ang pisngi.

Hindi na mawala-wala ang ngisi sa labi niya hanggang sa nakalahati na nila ang ginagawa. Pero panay pa rin ang halikan nila.

Indeed, this is fun.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon