Chapter 20

12.2K 410 60
                                        

"Feeling ko ako ang winner! Tapos ko na ang isa, ang isa na lang ang kulang." Pagyayabang ni Quatro ng magtipon-tipon sila sa hide out.

Napangisi siya at malakas na nilapag ang dalawang cross stitch na tapos na. Napabaling naman doon ang pinsan at halos malaglag na lang ang panga sa sahig ng makitang tapos na siya.

"B-bakit tapos na 'yan?" Maang na tanong ni Hinx.

"Bakit? I was enjoying, eh." He smirked and remember the kiss he shared with Angel.

"L-luh, scam 'to! Scam! Paano mo natapos ng dalawang araw?" Ayaw pa ring maniwala ni Quatro at tiningnan pa ang gawa niya pero tapos na talaga 'yon.

"So, what would be my prize?" Pang-aasar niya sa mga pinsan.

Tumikhim si Tres pagkatapos magtinginan ang mga 'to.

"You will be...uh, going to abroad alone! Kami na bahala sa ticket, sa pagkain at ano pang gusto mo basta mag-relax kang mag-isa sa abroad." Tres said.

"Ha?" Napakamot siya ng batok.

"Ako ma bahala sa kompanya mo, Kuya. Tatapusin ko lahat ng trabaho mo." Harvie offered.

Wow, that's a music to his ears. At least he'll spend more time with Angel.

"Kaya tumayo ka na at pupunta na tayong airport." Sabi ni Hendrix sabat hawak sa braso niya.

"Ha? Sandali! Hindi pa ako nagpapaalam kay Angel." Sinubukan niyang magpumiglas kaso hawak na siya ng mga pinsan niya sa balikat. Kulang na nga lang ay kargahin siya ng mga ito mapaalis lang.

"Kami na bahala sa girlfriend mo. At saka we always have that me time, 'di ba?" Helix said while gripping his arm leaving no choice but to nod.

"Tawagan mo na lang ang bebe mo. May stocks ka namang pagkain sa ref, 'di ba?"

Oo, Lumpia. At 'yon lang din ang alam ni Angel na lulutuin.

"Sasama ako kay Heazen. May sadya ako sa Italy." Klaz said na kadarating lang.

"Italy?!" He gasped. Akala niya katabing bansa lang ng Pinas ang pupuntahan?

"You'll enjoy there! Go na!" At itinulak pa siya papasok ng elevator.

Sinamahan siya ng mga 'to pasakay ng chopper. Dadalhin muna siya sa airport para makasakay ng private plane ng mga Benjamin.

"Bye, Heazen!" His cousins wave at him as he climb to the chopper.

Tinanguan naman ng nga ito si Klaz. Tuluyan na silang nakapasok. Tahimik lang silang nakarating sa airport. Hinahanap niya ang phone niya para tawagan si Angel kaso naiwan niya sa opisina.

"May phone ka?" Tanong niya ng makababa sila ng chopper.

"Wala." Klaz answered and just right after tumunog ang phone nito sa bulsa.

"Fuck." Mura ni Klaz at nilabas ang phone saka sinagot ang tawag. Bistado ang kasinungalingan.

"Cza?...I'm going to Italy for a business meeting. Wala ba diyan ang ate mo?...Ah. Kasama ko si ano...si Heazen. 'Yong crush mo? Oo. Pupunta kami ng Italy. Isang linggo kami doon."

What?!

Binaba na nito ang tawag saka ngumisi sa kanya.

"That's my sister-in-law. 'Yong nirereto ko sa 'yo?"

Then he remembered that girl when he was so drunk. Cza? Czaven? That flirty girl?

"Still not interested. Pagbalik ko dito, aasikasuhin ko ka ang kasal namin ni Angel." Sabi niya.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon