“Antagal!” sigaw ng pinsan kong si Viena.
“Ikaw kaya rito‚ pamadali-dali ka dyang hayop ka e?!” inis na singhal ko.
“Aba’t antagal nyong magpinsan dyan? Kanina pa kayo‚ mahuhuli na kayo sa unang klase nyo” sabat ni Inay sa usapan namin.
Rito na tumira samin si Viena simula mamatay si Tiya Glo at ang Tiyo Ajo. Malapit na malapit kame ni Viena simula pa man noong maliit pa kame‚ kapatid ni Inay si Tiyo Ajo kaya kinupkop nya si Viena.
“Elle‚ ano ba’t antagal nyo!” sigaw ni Inay sa labas ng kwarto.
“Tiya ang bagal magkiki-kilos ni Elle” sumbong ng pinsan ko kaya inabot ko ang buhok nito para masabunutan.
“A-aray” igik nito saka tumawa.
“Nar’yan na Inay‚ pababa na ho!” balik na sigaw ko.
Unang araw namin sa college ngayon at aligaga para sa unang klase. Kumain muna kame bago inihatid ni Mang Rolly sa sakayan ng jeep.
“Kinakabahan ako” pukaw ni Viena sa atensyon ko ng makasakay kame sa jeep.
Hinawakan ko ang kamay nito at saka marahang pinisil. “Ano ba? Andito ako‚ tayong dalawa ang magkaibigan” ngiting sabi ko rito kaya ngumiti rin ito.
Hinanap agad namin ni Viena ang room namin‚ pareho kase kame ng kinuhang kurso at sabay rin nag-enrol kaya magkaklase kame.
BSED Major in English ang kursong kinuha namin kase gusto naming magturo at tumulong sa mga kapos-palad na hindi kayang mag-aral.
“Tabi tayo” bulong ko kay Iena
“Aba syempre naman”
Ilang saglit lang ay dumagsa na ang mga kaklase namin ang halatang mayayaman ang mga ito‚ base sa kilos at pananamit palang nila mukang mayayaman na.
“Are this seat is taken?” malumanay na tanong ng babae sakin.
Tumango naman ako kaya umupo dya sa may bakanteng upuan sa tabi ko.
“Deia” pakilala nito at iniabot ang kamay sa harap ko.
“Elle” ngumiti ako kinuha ang kamay nito para makipagshake-hands. “Viena‚ pinsan ko pala” nakipag-kamay rin ito sa pinsan ko.
“Ang ganda rito” manghang sabi ni Viena habang nagmamasid sa paligid. “Sa inyo ba talaga itong school?” tanong nito kay Deia.
Tumango-tango lang si Deia at ngumiti. Narito kame ngayon sa park kung san tuma-tambay ang mga studyante pag walang klase o kaya breaktime.
“Ang ganda mo” wala sa sariling sabi ni Deia kaya napatingin ako sa kanya ganun rin si Viena.
“Ah-ahm h-hindi ah‚ imbento ka” nahihiyang sabi ko.
“No‚ you’re beautiful”
“Ah sge‚ sabi mo e” pagsuko ko.
“Ah alam mo‚ Deia. Nasa lahi kase namin yon” walang hiyang sabi ni Viena.
“Ah i see”
Cold naman ng taong ‘to‚ dinadaig pa ang yelo ha?! Bubuka lang ang bibig pag may sasabihin.
“Where are you two going after class?” tanong ni Deia.
“Ahm‚ uuwe na. Kase baka mapagalitan pa kame ni Inay e” sagot ko.
“Hatid ko na kayo”
Aba’t nagtatagalog pala kaloka ha?! Akala ko madudugo ilong ko rito.
“Ah wag na. Kaya naman namin e” pagtanggi ko.
“Ah oo‚ Deia. Kaya namin saka nakakahiya sa bahay” sabat ni Viena.
“Anong kinahihiya nyo?” takang tanong nito.
“Ahm kase mahirap lang kame” mahinang sabi ko.
“Huh? Anong masama? Atleast may bahay kayo at namumuhay kayo” taas kilay na sabi nito. “Hatid ko na kayo”
Sumunod lang kame sa kanya patungo sa parking lot at sumakay sa kotse nya. Nakarating kame sa bahay‚ si Deia ang nagmaneho sa kotse nya may lisensya naman raw sya at ipinakita nya pa iyon samin.
“Pasok ka” aya ko rito.
Ngumiti sya at saka naglakad papasok sa bahay.
“Elay‚ ikaw na ba yan!” sigaw ni Inay.
“Opo‚ Inay.”
“Mabuti’t maaga kayong nakau---may kasama pala kayo”
“Si Deia‚ Nay. Kaklase namin sya yung may-ari ng school tas inihatid nya kame rito.” ako na ang sumagot.
“Kukuha lang ako ng maiinom‚ Tiya” si Viena
“Salamat sa paghatid sa anak at pamangkin ko‚ hija” pasasalamat ni Inay kay Deia.
“Wala ho ‘iyon.” ngiting sabi naman ni Deia.
*******
“Ang bait naman pala nong Deia na iyon hano?” sabi ni Inay.
Nasa hapag kame ngayon at kumakain ng hapunan‚ inaya ni Inay si Deia na sumabay samin kaso tumanggi ito kase may pupuntahan pa raw sya at baka hanapin ng Mommy nya.
“Sana maging kaibigan natin sya’ hano‚ Elay?” pukaw ni Viena sa atensyon ko.
“Sana nga‚ Iena”
“Tapusin nyo na ang pagkain para makapaghugas na kayo ng katawan at makatulog”
“Inay‚ toka ko ho ngayon sa paghuhugas ng plato” sabi ko.
“Oo nga Tiya‚ ako naman po ay magsasalok ng tubig.” si Viena.
“Naku‚ magpahinga na lang kayo at maaga pa kayo bukas.” naiiling na sabi ni Inay.
“Pero Ina--”
“Ayos lang ako‚ Elay” putol ni Inay sa sasabihin ko.
******
Nasa gate kame ngayon kase hinihintay namin si Deia. Nagpark lang sya ng kotse sa parking lot.Nagulat ako ng biglang may tumama sa likod ko na matigas na bagay‚ kaya napaigik ako sa sakit.
“Ayos ka lang ba‚ Elay?” nag-aalalang tanong ni Viena kaya tinanguan ko lang ito.
Tumalikod ito para tignan kung sino ang bumato ng bagay na iyon. Agad nandilim ang mata ni Viena.
“Anong karapatan mong mambato ha?!” inis na singhal nito.
“Pasensya na‚ hindi namin sinasadya” paumanhin ng babaeng may salamin sa mata.
Lumapit sakin ang kasama nya at pilit na hinihilot ang likuran ko.
“Pasensya na talaga hindi ko sinasadya‚ inaasar kase kame nung mga babae kanina hindi ko naman alam na lilihis sila kaya ikaw ang natamaan” mahabang lintaya nito.
“Ayos lang” nakangiting sabi ko.
“Ako nga pala si Eunice” pakilala nya sa sarili nya. “Sya naman si Hilary” turo nya sa babaeng nakasalamin.
“Elle‚ pero free nyo ko tawaging Elay” sabi ko. ”Sya naman si Viena‚ pinsan ko” isang bulto ng babae ang nagpatahimik saming apat‚ hingal na hingal ito kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya.
“Anong nangyari sayo‚ Deia?” nag-aalalang tanong ko.
“Ah w-ala n-naman” hinihingal na sabi nito.
“Sigurado ka ba?” may bahid na pag-aalala rin sa boses ng pinsan ko.
Kumaway si Deia sa langit at sinabibg maayos lang sya.
Ipinakilala ko rin sya kina Eunice at Hilary‚ magkakaklase kame kaya sabay-sabay na kaming pumasok papunta sa room.
YOU ARE READING
LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)
RomanceGABRIZ HUDEIM Start: 08-28-2022 End: 08-29-2022 Status: COMPLETED