GABRIZ HUDEIM POV
“Elle!” sigaw ko bago ito tumilapon sa kabilang daan.
Tumakbo ako papunta sa kanya at nakita kong nakahandusay ito sa sahig at puro dugo.
“Fuck no! No! Tumawag kayo ng ambulansya‚ dalian nyo!” utos ko sa mga taong naroon.
“No! Elle‚ please kumapit kayo ni baby pleasee.” pagmamakaawa ko habang ang luha ko ay panay agos lamang.
Ilang minuto ay dumating na ang ambulansya at agarang dinala sa ospital ang asawa ko.
“Save her‚ save them!” sigaw ko sa loob ng ospital.
“Sir‚ calm down.” pagpakalma ng isang nurse pero hindi ko sya pinakinggan.
Tinawagan ko sina Mom and pati si Viena‚ pinsan ng asawa ko.
Ilang minuto lang dumating agad sila at saktong paglabas ng doctor.
“Kamusta yung pinsan ko‚ doc?” nanginginig na sabi ni Viena.
“Sorry to say but hindi naisalba ang nanay” Agad na nanlumo ang tuhod ko parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ng doctor.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing sa pinsan ng asawa ko.
“Tangina mo....tangina mo kung hindi dahil sayo‚ hindi sana mamamatay ang pinsan ko!” sigaw nito sakin at pinagsusuntok ang dibdib ko.
“Sorry..sorry...sorry hindi ko sinasadya” umiiyak na sabi ko.
Pilit na inilalayo ng mga kaibigan nito si Viena sakin. Lumapit ako sa Inay ni Elle at saka yumakap.
“Sorry po h-hindi ko n-natupad yung pangako ko” napahagulgol ako ng yakapin ako pabalik ng Inay nya.
“Doc the baby” tarantang sabi ng nurse. Buntis pala ang asawa ko‚ buntis nya.
Lumapit ako sa doctor. “Save the baby‚ pleasee. Save my baby”
“We will sir” aniya at agad na pumasok sa loob ng OR.
********
VIENA AROUSEL POVIsang tawag ang nagpagilbal ng buhay ko.
Kumakain kame ni Tiya ngayon kasama ang tatlo kong kaibigan‚ bumisita rito samin para lang makikain.
Patay gutom talaga tong mga to e!
“Yung phone mo‚ nagri-ring” tapik ni Tiya sa braso ko tatayo pa lang sana ako ng masagi ko ang baso at nabasag iyon sa sahig.
Nagulat kaming lahat ng mabasag iyon. Lilinisin ko na sana ng kuhain ni Deia sa akin ang panlinis.
“Ako na‚ tignan mo na phone mo. Baka importante iyon” saka ako hinalikan sa pisngi.
Hawak-hawak ko ang isang baso dahil uminom ako at kinuha ang cellphone.
Asawa ng pinsan ko is calling........
Oo ganyang yung pangalan nya sa phone ko‚ pake mo? Haha jk lang.
“Hello” sagot ko.
“Si Elle” bakas sa boses nya ang panginginig.
“Wala sya rito e”
“St.Parish Hospital‚ n-naaksidente si Elle”
Para akong nabuhusan ng tubig na malamig at hindi agad nakagalawa‚ nabitawan ko ang baso at cellphone ko kaya naglikha iyon ng ingay.
“Si E-elle. N-naaksidente” nanghihinang sabi ko.
“Hindi magandang biro iyan‚ Viena ha?” banta ni Tiya.
“Deia‚ sa St.Parish hospital‚ nandon si Elay.”
Agaran namang kaming pumunta roon. Mga ilang minuto lang ang nibyahe namin at nakarating rin kame‚ agad kong hinanap ang pinsan ko.
Saktong paglapit ko sa pwesto ni Gab‚ sya ring paglabas ng doctor kaya naman lakas-loob ko itong tinanong.
“Sorry to say but hindi naisalba ang nanay” agad na gumuho ang mundo ko sa hindi malamang dahilan. Nanghina ang tuhod ko at nahihirapang huminga.
Sinugod ko ng sampal si Gab‚ galit na galit ako sa kanya. Galit ako kase mas pinili nyang mahalin yung Jela na ‘yon kesa sa pinsan ko.
Napadausdos at napaupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak. Yakag-yakag ako ni Deia na ngayong umiiyak na rin ganun rin sina Hilary at Eunice.
“The baby” agad aking nabuhayab ng loob ng marinig ko ang sinabi ng nurse.
YOU ARE READING
LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)
RomanceGABRIZ HUDEIM Start: 08-28-2022 End: 08-29-2022 Status: COMPLETED