CHAPTER 5

529 6 0
                                    

“Kumain ka na?” tanong ko sa asawa ko habang nag-liligpit ng pinagkainan ko.

“Kumain ako sa labas” tipid na sabi nya at iniwan ako sa kusina. Napangiti naman ako ng mapait dahil ron.

Hanggang ngayon‚ wala pa ring pinagbago.

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis at saka nahiga sa sofa. Ron naman talaga ang tulugan ko kaya pumwesto na ako ron at inihiga ang katawan ko. Tinakpan ko ng kumot ang buong muka ko saka pumikit.

Ilang minuto akong ganon‚ hindi ako makatulog. Nakarinig ako ng yabag papasok sa kwarto kaya agad kong ipinikit ang mata ko.

“Pupuntahan kita‚ hmm? Just stay in there‚ papunta na ako. I love you” dinig kong sabi ng asawa ko sa cellphone at agad na umalis.

Ang lambing ng boses nya. Ni minsan hindi ko pa narinig ang malambing nyang boses‚ napaluha ako dahil sinasaktan ko na naman ang isip ko.

Hindi sya umuwe ng gabing iyon. It’s sunday kaya naisipan kong bumisita kila Inay‚ nagluto muna ako ng kakainin ko at nagbihis.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator biglang bumigat ang mga paa ko. Tila ayaw ako nung makarating sa elevator.

Pagtapat ko sa elevator at sa saktong pagbukas nun‚ agad na sumikip ang dibdib ko. My Husband kissing another girl on elevator.

Nabitawan ko ang hawak kong bag dahilan para magdala ng ingay‚ agad silang na natigil sa paghahalikan.

Pinulot ko agad ang bag ko at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko kase babagsak na lang bigla ang luha ko. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng asawa ko.

Kaya ba hindi sya umuwe kagabi kase may kasama syang iba? Parang may kung ano na tumusok sa dibdib ko‚ ang sakit sakit.

Nang makalabas sila‚ pumasok na rin ako. Pagsara ng elevator‚ kusang tumulo ang luha ko.

“Bakit?” tanong ko sa sarili ko at agad na pinalis ang luha ko.

*******
GABRIZ HUDEIM POV;

“No! Hindi nyo pwedeng gawin sa akin to‚ Mom!” i said on my mom.

She keep saying na pakasalan ko raw yung babae’ng naikama ko at naiuwe sa condo. Naabutan nya ‘yon pero umalis rin sya kaagad.

“Even if you want or not‚ ako ang masusunod at papakasalan mo sya!”

I sighed heavily. “Mom? Ano bang problema? Marami na akong naikama pero bat sa kanya mo ako gustong ipakasal?” atungal ko.

“Because she’s different”

“What? Is that so?” tumayo ako at dumiretsyo sa kusina. “I don’t love her‚ saka may girlfriend ako mom!” pakikipag-talo ko.

“Yan sana yung tinatak mo sa utak mo‚ bago mo sya pinatulan”

“Mom‚ naman!”

“Hindi magbabago ang desisyon ko‚ Gab. Magpapakasal ka sa kanya!” pinal na aniya at lumabas ng condo ko.

Tinakpan ko ng palad ko ang muka ko at ginulo ang buhok.

The fuck‚ Gab? Seriously bat kase pinatulan mo sya!

I was about to stand when i heard my phone vibrate.

Babe is calling......

“Yeah? What is it?” i ask in another line.

“I haven’t my period yet‚ babe. Natatakot ako” Jela said.

“Why? Napag-usapan na natin to‚ babe. Kung may mabuo man‚ bubuhayin ko kayo. Papakasalan kita.” i heard her sigh.

“You sure? Kase baka magalit si Mom and Dad”

“No worry‚ pananagutan kita kung may mabuo man”

After the call i came in her condo. “I’ll take care you‚ and our baby.” i whispered on her ear then kiss her hair.

“What?! No Mom‚ hindi sya pwede rito sa condo ko.”

As usual nandito na naman si Mom at kinukulit ako about sa babae’ng nakatalik ko.

I was shocked when i see her in my class. She was my student‚ kasing edad ni Jela.

“I told you‚ Gab. Kung hindi mo sya papakasalan‚ itatakwil kita!” ani Mom at padabog na isinara ang pinto ng condo ko.

I immediately call Xion. “Hey bro” i said.

“What is your problem?”

“Problema agad?” i said then i laugh fakely.

“I know you‚ tatawag ka lang sakin kung may problema ka” he proudly said.

“I was about to married”

“Woah‚ congrats then.”

“Fuck! I’m not in love with that girl. Naabutan lang kami ni Mom sa condo‚ hindi ko rin alam na studyante ko sya!”

Nakwento ko sa kanya yung nangyari at pinipilit akong ipakasal ni Mom kay Elle‚ alam kong sya lang ang makakatulong sakin kaya sya ang kinakausap ko.

Sinabihan na kita non‚ bro. Pero hindi ka nakinig‚ ayan nakadali ka pa ay syudyante mo pa talaga.”

A month after our wedding‚ hindi man lang nagbago ang pagtingin ko kay Elle. She was a mistake for me.

“I’m sleepy” Jela said while rubbing my hair.

“Sleep now”

Tumawag kase sakin si Jela kase nagka-emergency sa daan. Hindi na ako nakauwe after nun.

Nakita ko na lang ang sarili ko na hinahalikan si Jela sa loob ng elevator. At mas lalo akong nagulat ng makita ang asawa ko‚ she averted her gaze and came inside the elevator.

She caught me kissing another girl.

LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now