“Samahan ka na namin maghintay‚ Elle” nag-aalalang sabi ni Eunice.
Ngumiti ako ng tipid sa kanila. “Ayos lang‚ nasa office naman yung asawa ko. Lalabas rin yon mamaya” pagkumbinsi ko sa mga ito.
“Hindi ako makampante‚ Elay” ani pinsan ko na nasa tabi ko.
“Ayos lang‚ ang aga pa oh” saka ako pekeng tumawa.
“Cgurado ka ha?” paninigurado nya kaya tinanguan ko naman.
Nang makaalis ang mga ito‚ naupo ako sa waiting area sa labas ng campus. Sinipat ko ang relo ko at 5pm pa lang.
“Makakasama na natin si Daddy” sabay haplos sa tyan kong medjo may kalakihan na rin.
5pm naging 7pm‚ tumayo ako at nag-unat ng mga kamay. “Baka marami lang syang ginagawa. Oo.” pilit king kinumbinsi ang sarili ko.
Sa tagal kong naghintay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako‚ nagising na lamang ako ng tapikin ng ladyguard ang balikat ko.
“Oh‚ Elle. Bakit nandito ka pa? 10 pm na oh.” sabi nito at tinulungan akong tumayo.
“Hinihintay ko pa po kase ang asawa ko” saka ngumiti. “Salamat po at ginising nyo ako”
“Walang anuman” may kinuha ito sa upuan nya kanina at iniabot sakin. “Oh‚ suotin mo baka lamigin kayo” kinuha ko naman ang jacket at isinuot.
“Elle?” gulat na sabi ng asawa ko‚ hindi sya nag-iisa kasama nya si Jela.
Kasama nya yung totoong mahal nya. Payak akong natawa sa naisip ko.
“Bakit hindi ka pa umuuwe?” tanong nito‚ akmang lalapit ito sa akin ay agad akong napaatras na sya’ng kinagulat nya.
Ang sakit‚ parang tinutusok yung puso ko.
Napadako ang tingin ko kay Jela na may kalakihan na rin ang tyan‚ nang magtama ang mata namin ay nginitian ko sya ng mapait.
“Aalis na po ako” baling ko sa ladyguard.
“Elle‚ sumabay ka na samin” agad akong umiling at saka ngumiti sa kanya.
“Hindi na‚ kaya kong umuwe mag-isa” pumikit ako para pigilan ang luhang gusto nang kumala sa mga mata ko.
Hinaplos ko ang tyan ko at inayos ang mga gamit. “Elle‚ halika na” pamimilit nya.
“Ano ba‚ Gab?! Sabing kaya ko!” at pilit na inaagaw ang bag ko sa kamay nya.
“Parahan na kita ng taxi‚ Elle” ani ladyguard. “Salamat po” sagot ko at ngumiti.
“Tara na babe‚ malamig na. Baka mapano pa si baby” malambing na sabi ni Jela.
Inabot ni Gab ang kamay ko pero iwinaksi ko iyon.
Nung may humintong taxi sa tapat ko‘ agad akong pumasok. Pagpasok ko pa lang agad na tumulo ang luha ko.
Akala ko ba babawi ka? Bakit mo ba ginagawa sakin to!
Pilit kong pinatatag ang sarili ko at pinahid ang luha ko. Pero trinaydor ako ng sarili kong mga mata at kusa na namang tumulo ang luha ko.
Bakit ba ang sakit mong mahalin‚ Gab?
Nakakapagod na umasa!
“Bakit naghintay ka pa ron?” he ask. Nasa bahay na kase ako and minuto lang ang pagitan ng pagdating namin.
Humarap ako sa kanya ang pinilit na ngumiti. “Kase yun yung sinabi mo na hintayin kita na sabay tayo uuwe kase babawi ka samin!” hindi ko na napigilan ang pagbasag ng boses ko.
“Ang sabi mo....ang sabi mo ita-try mong mahalin ako pabalik!” sigaw ko sa harap nya. “Pero wag na lang cguro..kase halata naman na mas gusto mong kasama yung Jela na ‘yon kesa sakin‚ samin ng anak mo!” tumawa ako ng pagak kasabay ng pagbuhos ng luha ko.
Nakatingin lang ito sakin. Awa ang nakikita ko sa mga mata nya. Naaawa sya sakin para ano?
“Hayaan mo‚ paglabas ng bata. Aalis kame rito at pipirmahan ko na ‘yung divorce paper....” pinahid ko ang luha ko at tumingin ng diretsyo sa mga mata nya. “Wag kang mag-alala‚ hindi kita sisiraan sa anak mo. Hindi rin kita pipigilan kung gusto mo mang makasama ang anak mo....” humihikbing ani ko.
“Elle‚ I’m sorry. Ginawa ko yung lahat para mahalin ka‚ pero wala tala---”
“Enough! Ayoko ng marinig.” sabi ko sabay talikod sa kanya. He tried to reach and held my hand pero nagmatigas akong hindi nya mahawakan ang kamay ko.
“Ayoko na pagod na ko” sabi ko at lumabas ng condo nya at saka tumakbo.
Ni hindi ko na makita ang dinaraanan ko sa sobrang labo na ng mga mata ko dahil sa luha.
Nadinig ko pang tinatawag nya ang pangalan ko ngunit hindi ko sya pinakinggan. Hinabol ako nito hanggang sa labas‚ patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa maramdaman kong tumilapon ako.
“Elle!” dinig kong sigaw ng asawa ko bago maging blangko ang lahat.
YOU ARE READING
LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)
RomanceGABRIZ HUDEIM Start: 08-28-2022 End: 08-29-2022 Status: COMPLETED