“Daddy yung flower po!” maliit na sigaw ng anak ko.
Nung namatay si Elle ay para akong nawalan ng paa. Para akong nabaldado at hindi makalakad. Buti na lang ay may iniwanan syang anghel na kamuka nya at kasing ganda nya rin ngumiti.
Nalaman kong hindi pala ako ang ama ng pinagbubuntis ni Jela. Sobrang pagsisisi ang pinagsisihan ko nun‚ dahil sa pagmamahal ko kay Jela ay hindi ko man lang nabigyan ng pansin ang asawa ko.
Nagloko si Jela nun at ang ama ng pinagbubuntis nya ang barkada nya.
“Gwyneth‚ baba dyan. Baka nahulog ka” aniko sa anak ko kase umakyat ito sa puntod ng ina nya.
Elle Gwyneth Hudeim
Ang gandang pagmasdan ng pangalan mo mahal ko.
“Daddy look" turo ni Gwy sa second name ng Mommy nya. “We had a same name po” humahagikgik na sabi nya.
Binuhat ko sya at saka hinalikan sa pisngi. “Opo‚ because she is your mommy kaya may same name po kayo” paliwanag ko sa kanya.
Soneia Gwyneth is my 5 years old daughter‚ she was like her mom. Kung pano ngumiti si Elle ay ganon rin si Gwyneth. 7 months yung naaksidente sila at naisave si Gwyneth.
“Daddy‚ ang pretty po ni Mommy” turo nya sa picture ng mommy nya na nasa tabi ng puntod.
Base sa picture at sabi ni Viena. Nung picnic raw nila iyon kinuhaan. Halata yung tyan nya ron at ang ganda ganda ng ngiti nya.
“Aalis na kame mahal ko‚ bibisita ulit kami rito. Nga pala‚ nag-aaral na si Gwyneth. Saka wag ka ring mag-alala sa kanya palagi kong syang dinadala kung san ako magpunta. Bantayan mo kami ha? Mahal na mahal kita” pinigilan ko tlagang hindi pumiyok.
Agad na umihip ang hangin‚ animo’y parang niyakap ako nun. Ramdam na ramdam ko iyon.
“Tita look‚ barbie” pangu-ngulit ni Gwyneth sa Tita Viena nya.
“Baby‚ may ginagawa si tita mamaya na kayo maglaro ha?” sumimangot naman ang anak ko.
“Hayaan mo na” ani Viena at nilaro laro si Gwyneth.
Si Deia at Viena matagal na silang magkarelasyon pero nabago iyon nung grumaduate na sila kase ikinasal si Deia.
Tanggap rin iyon ni Viena. Minsan dumadalaw sa bahay sina Hilary at Eunice para bisitahin si Mama at Gwyneth.
Nagpaalam muna akong aalis kay Viena at iniwan si Gwyneth sa tabi nya.
“Hey’ tara?” aya ng babae sakin.
Umiling naman ako at ipinakita ang kamay kong may singsing. “Kasal na ko at ayokong masaktan na naman ang misis ko” sabi ko at tumalikod.
Bumili ako ng bulaklak at bumalik sa puntod ni Elle.
“Hi Mahal ko‚ kamusta ka nga dyan? Pasensya na kanina ang likot kase ng anak natin e” ani ko at natawa pa. “Napatawad mo naman na ako dba?” tanong ko kahit alam kong walang sasagot.
“Nga pala mahal‚ bulaklak oh” sabay baba ng tulips na binili ko. “Paborito mo yan dba? Pasensya na kung ngayong wala kana saka lang ako bumabawi‚ pangako ko sayo ikaw lang ang mamahalin ko”
Umalis na rin ako pagtapos nun. Tama nga yung sinabi nilang nasa huli ang pagsisisi‚ kase nagsisi ako na hindi ko sya minahal at ngayon ko lang naramdaman na mahal na mahal ko pala sya.
Mahal na Mahal kita Elle Gwyneth till our next eclipse.
YOU ARE READING
LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)
RomanceGABRIZ HUDEIM Start: 08-28-2022 End: 08-29-2022 Status: COMPLETED