CHAPTER 4

420 6 0
                                    

“Sigurado ka bang magiging maayos ka ron?” nag-aalalang tanong ng pinsan ko.

“Oum naman‚ ingatan mo si Inay ron ha?”

“Tawagan mo ako at ako mismo ang susundo sayo ron” saka ako niyakap at humalik sa pisngi ko.

Umalis na rin sya pagtapos nun. Ako nama’y hinihintay naghihintay rito sa gym kase sabi ni sir Gab‚ sa kanya raw ako sasabay pauwe kaya hintayin ko raw sya.

Ilang minuto lang ay lumabas na ito at pumunta sa pwesto ko. “Follow me” sabi nya kaya agad ko namang sinundan.

Buong byahe akong tahimik‚ papunta kame sa condo nya. Ni hindi kami nagkikibuang dalawa.

Nang makarating hindi pa rin kami nag-usap‚ nagluto sya at kumain na rin.

“Dito ka na matulog‚ sa sofa na lang ako” he coldy said.

“Ako na lang sa sofa‚ dito ka na” kinuha ko na rin ang unan at kumot‚ nagdiretsyo na agad ako sa sofa.

Pagkahiga ko agad rin akong nakatulog.

A month passed heto ako ngayon nakaharap sa pari. Kasal namin ngayon pero feeling ko parang nay kulang‚ hindi masaya.

After the wedding‚ nasa kwarto kaming pareho at hindi pa rin nagpapansinan. Isang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin maganda ang relasyon naming dalawa.

“You can sleep now” pagkasabi non ay agad itong umalis. Para akong nanlamig at biglang tumulo ang luha.

Ang hirap makitungo sa taong walang pake sayo. Bakit ba kase umaasa pa akong mahuhulog ka rin sakin.

“Oy be‚ san ka galing?” rinig kong tanong ni Hilary kay Viena.

“Dyan lang sa tabi-tabi” walang kabuhay-buhay na sagot naman ng pinsan ko.

“Ayos ka lang?” bulong ni Deia sakin.

“Hmm” ani ko at tumango.

Alam kong hindi sya naniwala sa sinabi ko pero hindi na sya nagtanong pa.

Dumating si Eunice na may dalang pansit kaya agad bumaliktad ang sikmura ko.

“Ang baho” reklamo at tinakpan pa ang ilong ko. Naagaw ko naman ang atensyon ng mga kaibigan ko‚ kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Lalo pang lumapit si Eunice kaya ako na yung lumayo. “Ang baho naman n’yan‚ amoy panis” ani ko pa.

“Ha? Anong panis ka d’yan? Kakabili ko lang neto sa labas e”

Inagaw ni Hilary yung pansit at inamoy. “Maayos naman‚ ang bango kaya” komento nya.

Walang emosyong mata ni Deia ang nakatingin sakin. “Nagkaperiod ka na ba?” kuryosong tanong nya.

“Hindi pa‚ baka delay lang ako” sabi ko habang nakatakip pa rin ang ilong ko.

Nagtinginan silang apat at saka tumingin sakin. “I think‚ kailangan mo nang gumamit ng PT” si Hilary iyon.

“Ha?! Hindi ako buntis no!” depensa ko sa sarili.

“Mas mabuti na ‘yung cgurado” ani pinsan ko.

“May PT ako rito‚ nabili ko kanina sa botika” si Eunice at nagkalkal pa sa bag nya.

“Bakit meron ka nun?” kunot noong tanong ni Viena.

“Akala ko kase juntis kaso kaya bumili ako‚ delay lang pala ayun dinatnat ako kani-kanina lang” sagot nya.

Ibinigay nya sakin yung tatlong PT sinamahan rin nila ako sa cr.

Unang try positive ganun rin sa pangalawa at pangatlo. Para akong tanga na nakatulala sa hawak kong PT.

Buntis ako? Pano na ‘to‚ ang bata ko pa.

“Ano?” kuryosong tanong ni Eunice.

Pinakita ko sa kanila ang PT at ganon na lang ang gulat ko nang malaglag ni Viena ang isa sa mga ito.

“Matutuwa kaya si Tiya nito?”

“Hindi ko rin alam” agad na tumulo ang luha ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin kame sa cr at dumiretsyo sa room.

“Late kayo” ani ng baritonong boses ng makapasok kami.

“Sorry sir” ani naming lima at umupo sa upuan.

“Pwede ka ng magpakilala sa kanila” napako ang tingin ko sa babaeng katabi ng asawa ko.

Ibang-iba ang tingin ni Gab sa babae ‘yon habang ito ay nagsasalita. Nagsimula ang klase at iniisip ko pa rin ang napansin kong kakaiba kanina.

“Pwede na kayong magmeryenda. Ms.Pascua maiwan ka” ani nya sa transferee.

“Tara?” aya ni Viena sakin.

“Una na kayo‚ susunod ako” tumango naman sya.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko‚ nakatingin lang sakin si Gab at si Jela ata yung pangalan nun. Nasa harapan sila‚ kaya naman mabilis ang kilos na ginawa ko at lumabas sa pinakalikod ng room.

Sa pagmamadali ko‚ nakabangga pa ako ng studyante kaya naman nahulog ang mga gamit ko.

“Sorry” patuloy kong sambit at pinagpupulot ang mga gamit.

Tinulungan nya rin ako at ibinigay sakin. His brown eyes met my gaze‚ nakatingin lang sya sakin habang hawak ang libro ko.

“May i?” sabi ko at inilipat ang tingin sa libro.

“Sorry” sabay abot ng libro. “Fidel Cres Nario” pakilala nito sabay abot ng kamay sakin‚ tinanggap ko naman iyon ang nakipagshake-hands.

“Elle Gwyneth”

LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now