CHAPTER 7

626 8 1
                                    

Buwan na rin ang lumipas at medyo malaki-laki na rin ang tyan ko.

Sa paglaki ng tyan ko sya ring paglaki ng chismis tungkol kanila Jela at sa Asawa ko. Hindi ko na lang pinapansin ang mga naririnig ko at pinagpapatuloy ang nakasanayang gawain.

“Babe‚ ano ba yan?!” galit na sigaw ni Viena kay Deia.

“Ingay nyong dalawa ha?” reklamo naman ni Eunice.

Nasa park kami ngayon para magpicnic. Sinundo ako nina Deia at Viena sa condo ni Gabriz.

Nagpaalam rin ako kay Inay na sasama ako sa kanila‚ pumayag naman ito at sinabing ingatan ko raw ang sarili ko.

“Picture tayo” masayang sabi ni Hilary habang inaayos ang camera.

Nagpost naman kame. May nga solong picture kame ron at syempre hindi mawawala ang epic picture.

Hinatid rin nila ako pagtapos nun‚ nadatnan ko namang nakahiga sa sofa ang asawa ko.

“San ka galing?” halos tumaas ang balahibo ko sa tono ng pananalita nito.

Malambing ang boses nya ngayon kumpara noong mga nakakaraang buwan.

“Kumain ka na?” hindi ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. “Halika‚ kumain na tayo” aya nito sakin.

Iginaya nya ako sa upuan at saka hinandaan ng pagkain. “Kumain kayo ng marami ni baby” aniya ay hinimas ang tyan ko.

Para akong nakaramdam ng kalinga ng asawa ngayon. Bakit ganito sya sakin? Bakit ang sweet nya ngayon? Hindi naman sya ganito dati ah.

********
GABRIZ HUDEIM POV

I tried na mahalin sya pero hindi ko talaga kayang gawin.

Nag-away kame ni Jela kaya hindi ako nito pinapansin kaya naman bumabawi ako sa asawa ko ngayon.

“Tabi tayo?” malambing na sabi ko sa asawa ko.

Hindi sya nagsalita at humiga na lang sa kama‚ nakatalikod sya sakin at nasa dulo ng higaan.

“Are you mad at me?” out of nowhere na tanong ko‚ hindi ko rin alam kung bat natanong ko iyon.

Inamoy-amoy ko ang balikat nya at pinatakan iyon ng halik.

Sana matutunan rin kitang mahalin. Sabi ko sa isip ko.

Hindi sya umimik hanggang sa maramdaman kong tulog na ito.

“I’m sorry kung hindi kita kayang mahalin. Pero i tried my best to love you” i said then held her cheeks.

“Sana pag dumating yung araw na natutunan kitang mahalin. Sana hindi ka pa sumuko”

Maaga akong nagising para ipagluto ang asawa ko. Nagtext rin ako kay Jela na rito muna ako sa asawa ko‚ gusto kong bumawi sa kanya.

“Good morning” bati ko ng makita itong lumabas galing kwarto.

“Morning” tipid na sabi nya.

Atleast she greet me. Cguradong naninibago sya sakin ngayon.

“Kumain ka na‚ magpakabusog ka ha?” sabay halik sa noo nito.

“Thank you” sa simpleng ‘thank you’ nya napangiti ako bigla.

“Bakit mo ba to ginagawa?” she ask while her gaze narrow my direction.

“Asawa kita‚ and responsibilidad kong alagaan ka” saka ngumiti.

“You don’t have to do this‚ kaya ko naman ang sarili ko”

Agad na nalukot ang muka ko sa sinabi nya.

Nasasaktan ako sa bawat saliyang binibitawan nya.

“Papasok ka?” pag-iiba ko ng topic.

“Hmm” tango nya.

“Sge‚ iready ko lang yung lunchbox mo kainin mo yun ha?”

Masaya ako habang hinahanda ang lunchbox nya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa kanya.

“Salamat sa agahan” anito at saka ngumiti.

Ang tamis ng ngiti nya.

Isinabay ko rin sya sa pagpasok. Tahimik lang sya habang nasa loob ng sasakyan‚ ni hindi nagtangkang magbukas ng bibig.

“Hintayin mo ako mamaya‚ sabay tayong umuwe” sabi ko bago sya lumabas ng kotse‚ ngumiti pa ito sakin at saka humalik sa pisngi ko.

LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now