VIENA AROUSEL POV
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang sakit para sakin na ako pa mismo yung nag-ayos ng mga papeles ng pinsan ko.
Masakit... Masakit kase parang namatay yung kabilang katawan ko kase nawala yung mahal kong pinsan.
Nawala sya na hindi man lang nakatung-tong sa stage para makagraduate. Ang sakit sakit.
“Hindi! Buhay sya dba? Sabihin nyong buhay ang anak ko!” pagwawala ni Tiya.
Masakit rin para sa akin na nakikitang nahihirapan si Tiya. Wala akong magawa kundi ang damayan sya. Ni-hindi naman na namin maibabalik ang pinsan ko.
Nung unang burol ng pinsan ko ngayon ngunit hindi sumipot ang asawa nya. Kung nasaktan man ako cguradong mas nasaktan sya. Ni-hindi nya mapatawad ang nangyari sa asawa nya‚ pilit nyang sinisisi ang sarili nya.
Huling araw na nya ngayon rito sa lupa grabi ang dagsaan ng mga tao. Pati mga kaklase namin at yung lady guard na kaclose ni Elle ay narito rin.
Isa-isang nagbigay ng mensahe ngayon ay turn naman ni Deia.
“Elay‚ mabait‚ magalang‚ masipag at hindi madamot. Ganyan kung ilarawan ang kaibigan kong si Elle‚ nung una naming pagkakakilala nahihiya pa sila ng pinsan nya kase nga raw ay mahirap lang sila. Sinabi ko sa kanyang hindi yun hadlang sa pagkakaibigan namin. Sya yung andyan kapag may problema at masasabihan ng sekreto‚ kaya kung nasan ka man Elle. Sana maging masaya na dyan.” habang bumababa ito at nagpupunas ito ng luha.
Si Hilary naman. “Si Elle‚ isang lang yan sa hindi ko makakalimutan na kaibigan. Through ups and down sya ang kasama namin‚ hindi matatawaran ang pagiging mabait nyang kaibigan” humikbi ito at nagpunas muna ng luha. “Kaya munting anghel namin‚ sana kahit dyan man sa langit maramdaman mong sumaya. Mahal na Mahal ka namin” napahagulgol ako sa sinabi nya at ipinasa ang mic kay Eunice.
“Hello sa inyo‚ sigurado akong hindi kayo matutuwa kung pano kami nagkakilala nitong si Elle. Inihagis ko kase yung sapatos ko at sya yung natamaan” nagtawanan ang mga tao sa sinabi nya. “Elle‚ naging parang parte na ng buhay namin yan kase nung time na binully kame‚ sila ng pinsan nya yung nagtanggol samin kahit na napatawag kame sa guidance. Masaya akong nakilala ko sya at salamat sa mga memories na kasama ka namin”
Tumikhim muna ako kinuha ang mic. “Alam nyo bang parang kapatid na ang turing ko sa pinsan kong ‘yan? Mahirap para sakin na mawalan ng pinsan na parang kapatid na ang turingan‚ sa ilang nagdaang tao sya ang kasama ko. Sya ang nag-tatanggol sa akin kapag kinukutya ako ng iba na ulila raw ako. Sya yung nandyan na laging kasangga ko sa mga kalokohan. Ang hirap mawalan ng kapatid‚ ang hirap tanggapin na sa ganoong pangyayari pa sya nawala. Sana....sana ako na lang ‘yon” hindi ko na napigilang humikbi habang nagsasalita. “Sana kung hindi namin sya iniwanan ron sana buhay pa sya. Ang sakit-sakit para akong dinudurog nung nalamang patay na sya....” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang inagaw ni Deia yung mic at agad akong niyakap.
Nung turn na ni Gabriz agad na napaiyak si Tiya at ang Mommy nya.
“Asawang naturingan pero ni minsan hindi ko naiparamdam yung pagmamahal na para sana sa asawa ko. Masakit mawalan ng kabiyak lalo na kung puro sakit pa yung pinagdaanan nyo/pinaramdam ko sa kanya...” pumiyok ang boses nya at nagbanyang tutulo ang luha pero pilit nya iyong pinigilan.
“Patawarin mo ako asawa ko. Hindi ko man lang nagampanan yung pagiging mag-asawa natin. Sana...sana mapatawad mo ako‚ mahal na mahal kita. Aalagaan ko yung iniwanan mong anghel. Sana maging masaya ka kung nasan ka man‚ sana magkita pa tayo sa kabilang buhay. Ikaw na talaga ang mamahalin ko sa oras na iyon...patawarin mo ako.” lumuluhang ani Gabriz.
Nung matapos iyon ay naiwan kame ni Gabriz rito sa puntod ni Elle.
“Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa pinsan ko” mahinang sabi ni Gabriz.
“Napatawad na kita‚ sana napatawad mo na rin ang sarili mo.” sabi ko at iniwanan sya ron para masabi na nya ang mga gusto nyang sabihin sa pinsan ko.
YOU ARE READING
LOVE WILL NEVER DIE (COMPLETED)
RomanceGABRIZ HUDEIM Start: 08-28-2022 End: 08-29-2022 Status: COMPLETED