01

1.9K 74 110
                                    





"HOY Y/N, GUMISING KA JAN PUNTA TAYO SA BAR HEHE!" Pag aaya ni Emma sayo.


Nakatulog ka na pala sa study table mo. Pagtingin mo ay hindi naman gusot yung plates mo kung nagkataon baka hindi ka sumama sa kanila.


"Grabe, akala ko tapos ka na sa plates mo." Sabi ni Senju na kakarating lang at may kinakain pang betamax. She went towards Hina na nagrereview kasi raw may quiz kinabukasan pero magba bar.


"Ay teh bakit ka pa nagrereview? Wag na magreview, babagsak din naman tayo." Sabi ni Yuzuha.


Magkakasama kayo sa iisang bahay. Oo, bahay. Nag ambagan lang naman sila para makabili ng bahay para raw malayo ka sa toxic family mo. Pare-parehas kayong nakapasok sa UST pero mas pinili ni Yuzuha ang Ateneo. Taksil.


Hina is taking Psychology kaya hindi kayo makakatakas sa kanya. Isang observation niya lang alam niya agad na may mali sa inyo. Si Emma at Senju naman ay kasama mo sa Architecture. Wala, ayaw lang nila mahiwalay sayo. Si Yuzuha naman nag Political Science.


"Gago, dami ko pang tasks pero pakealam ko. Gusto ko mag inom!" Sabi ni Emma.


"Alam ba ng mga kapatid mo na iinom ka?" Tanong ni Yuzuha habang nag aayos.


"Actually, hindi pero makikita naman natin 'yon sa bar." She replied.


Ang alam mo lang may tatlong kapatid si Emma tas puro lalaki pero wala ka namang pakealam. Ang kailangan mo maging top student at successful. Hindi mo kailangan ng lalaki to graduate with flying colors.


You stood up and went to your room dala ang mga gamit mo. You quietly put your things sa lagayan mo, of course. This week is hella tiring. Gusto mo na lang makipag meet up kay San Pedro. Pagod ka na nga sa academics. Mas mapapagod ka pa sa family mo.


Pag umuuwi ka, academic agad ang tatanungin. Hindi ka man lang tinatanong kung okay ka pa ba? Kung kaya mo pa ba? The only thing that matters to them is your grade. Dahil kung hindi mataas ang grades mo, baliwala ka.


Huminga ka na lang ng malalim at naghanap ng damit na susuotin. You went straight to the comfort room and took a quick shower. Dinama mo na lang ang malamig na tubig na nanggagaling sa shower.


Habang nasa cr ka ay narinig mo na may dumating. You quickly dry youself using your towel at nagbihis agad. "Y/N, tapos ka na ba? Nandito na kasi si Sei." Sabi ni Yuzuha.


Oh, si Sei pala yung dumating. Seishu Inui is one of your friends from La Salle. "Wait lang, nagbibihis na." You answered.


Nagblack dress ka lang at pinatungan mo ng cropped black leather jacket. You curled the end of your hair at nagmake up, light lang. You went out of the room dala ang phone at wallet.


Nagtinginan agad sila sayo. "Uy gago sexy mo naman! Pwede ka bang ligawan miss?" Tanong ni Senju.


"Bawal. Ayoko ma-in love. Sumpa lang yan." You answered. You remember your ex way back 2nd year the guy who traumatized you. Hindi mo naman siya totally ex but still. Imagine, he courted you for years tapos biglang magbabago yung pakikitungo sayo. He even said na he's busy in academics but when you stalked his account wala ka na sa following niya at may kacouple pa siya na icon.


Pwede niya namang sabihin na ayaw niya na pagod na siya. Matatanggap mo 'yon pero yung ikaw pa makadiscover? Hell fucking no. That shit really hurts and traumatized the hell out of you kaya after nun you stopped entertaining people. Pag may nagconfess sayo, nirereject mo.


Bawat Piyesa | S. ManjiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon