Chapter 6
"Ma, nandito na ho ako" sigaw ko ng maka uwi na.
Naka pasok na ako ngayon sa gate dahil ako na mismo ang nag bukas.
Kumatok ako sa pinto dahil naka lock na ito.
Buti na lang at gising pa si mama dahil siya ang nag bukas ng pinto, si papa naman maaga siya natutulog dahil nga sa work niya.
"Oh, anak kumain kana ba 8:30pm na" mahinahon na sabi ni mama habang sinasara ang pinto.
"Hindi pa ho ma, eh... May natira pa ho bang ulam d'yan?" Tanong ko kay mama habang tinatanggal ang black heels na suot ko.
Ang sakit ng paa ko mukhang na pagod na.
"Hala wala na anak eh, unti lang kasi 'yong na luto ko pero anak kung gusto mo lutuan na lang kita" sabi ni mama at pinatay na ang t.v.
"Hindi na ma, kaya ko na po matulog na po kayo" sabi ko kay mama habang naka upo na sa sofa.
Medyo nag pa pahinga ako ngayon dahil masakit ang paa at katawan ko.
"Anak naman pagod ka oh, tignan mo ang tamlay ng mukha mo" sabi ni mama at tumabi sa akin.
Humarap ako kay mama at ngumiti sa kanya.
Naiisip ko lang kasi na sobrang swerte ko kaila mama at papa kahit nag iisa lang akong anak nila
Ang swerte ko kasi meron akong sila, sila lang ang pinaka mahalaga sa buong buhay ko, kaya kung tutuusin hindi ko na kailangan nag jowa o mag asawa dahil alam ko sa sarili ko na sila mama at papa ay sapat na, pero itong si mama gusto niya raw mag ka apo gano'n din naman si papa, pero hindi naman madali ang mag asawa at mag ka anak agad.
"Ma, mukha lang po akong matamlay pero malakas ako, kaya ma, kaya ko na mag luto sige na matulog kana ma, good night mama I love you" sabi ko kay mama at niyakap siya ng mahigpit, sabay halik sa kanyang pisngi.
"Hay ikaw talaga napaka kulit mo sige na nga, good night aming prinsesa Mahal din kita, namin ng papa mo" sabi ni mama at humalik sa pisngi ko.
Umakyak na si mama sa taas kaya naman ako na lang ang naiwan sa baba at naka upo parin sa sofa.
Mamaya ako saglit ka kain dahil wala pa akong nararamdaman na gutom.
Noodles na lang ang uulamin ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at binuksan ito.
Hindi pa ako naka ka pag palit ng damit, baka mamaya na lang dahil nga masakit ang katawan at paa ko.
Habang hawak ang cellphone ay inopen ko ang wifi.
Oo may wifi kami nag pa kabit ako para naman hindi na ako lagi nag pa paload.
Nag online ako sa Facebook at nag scroll saglit.
May nag notif sa akin na pangalan kaya naman nag punta ako sa mga nag add sa akin.
449 na ang nag add sa akin pero hindi ko padin inaaccept dahil ang mga kilala ko lang naman ang iba kong inaaccept.
Hindi naman ako pa famous 'no? sadyang ayaw ko lang tsaka ok na'ko sa 746 friends ko.
Jax Leonel Monteverde sent you friend request.
Ha?! Teka nga si.... Si sir Jaxion ito ah? Paano niya nalaman ang Facebook account ko?.
Ah baka naman dumadaan gano'n?.
Ngayon niya lang ako inaadd.
Bago ko inaaccept ang friend request ni sir Jax ay nag punta muna ako sa timeline nito.
Jax Leonel Monteverde
Followed by 16,452 people
Jaxleonel.m
in a relationship to Cheska Perez
Matapos kong tignan ang ibang info. Kay sir ay nag scroll ako sa mga sp or post niya.
Wala naman siyang sp o post manlang tungkol sakanila ng epal niyang gf.
Dahil na curious ako sa account ng babae ay inistalk ko na din ito.
Cheska Perez (chesy)
Hello babe!
Followed by 1,230 people
_owcheyp
Yun ang bio niya? 'hello babe'?.
Ni hindi ko manlang nakita na naka rs siya kay sir Jax.
Baka naka friends only? Tsk!.
Matapos kong inistalk ang babae ay inaccept ko na ang friend request ni sir Jax.
Ngayon lang kami friend sa fb dahil lagi naman siya sa text nag sa sabi ng mga dapat niyang sabihin.
Matapos mag cellphone ay nag punta na ako sa kusina.
Nag luto ako ng noodles dahil meron kaming stuck no'n dito sa bahay.
Halos kulang na lang din ay maging tindahan na ang kusina namin dahil sa dami ba naman ng stuck!.
Si mama din naman may gusto para daw hindi na lalabas sa bahay para bumili sa tindahan.
Habang nag luluto ng noodles ay kinuha ko na naman ang cp ko.
Nag online ako ulit sa fb.
Wala naman chat ng kahit sino.
*|^*^|*
YOU ARE READING
Jaxion Leonel Monteverde
RomanceSi Jaxion Leonel Monteverde ay CEO at may-ari ng kompanya na pinapasukan ni Ashivianna Sofie Mendez , si Ashivianna ay isang graduate sa college pero nag tatrabaho lamang sa opisina ang kanyang trabaho, Isa siyang secretary ni Jaxion, mataas din na...