Chapter 9
"Sir bakit nga ho pala kayo umiyak kanina?" Tanong ko kay sir Jax habang kumakain.
Oo kumakain na kami ngayon medyo late na kayo dahil 12:45pm na.
"It just... nothing" aniya.
Napaka ano sir ha ayaw pa sabihin parang hindi ko naman alam sus!.
"Sir punta na po ako sa office ko" paalam ko sa kanya.
"Ok" sabi ni sir kaya naman lumabas na'ko sa office niya.
"Hi sissy ko" Sabi ni candy at ngumiti.
"Ay oo nga pala magkano uutangin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wag na sis may Pera pa pala ako nga pala mamayang gabi bar tayo treat ko" Sabi niya at pumasok din sa office ko.
Buntot ko talaga 'to eh 'no?.
"Totoo?" Tanong ko dahil baka mamaya ay hindi siya sure na libre niya.
"Oo sis ano ka ba naman wala kang trust sa akin, hurt me do'n ha" Sabi niya at hinawakan ang dibdib na kunware ay nasaktan.
OA.
"Ah sige na umalis kana bumalik kana sa office mo dahil may gagawin pa ako, hintayin mo na lang ako mamaya" Sabi ko at tinaboy siya paalis.
Actually wala talaga akong gagawin dahil hindi nag pagawa si sir, ok lang dahil uuwi ng maaga mamaya, mga 6:00pm.
Message
Mama
Ako:
Ma, baka po hindi ako maka uwi, sa condo ko na lang po ako uuwi muna, wag niyo na po ako hintayin ni papa ma, ha? love you, wala na ako load pang text pa last na ito ngayon huhu basta ma, ha? Yung mga bilin ko pag gabi? Ok?
Text ko kay mama dahil alam kong malalasing ako mamaya.
Mag taxi na lang ako mamaya pa puntang condo ko.
Oo may condo ako ginagamit ko naman minsan iyon.
—
6:00pm na ngayon kaya inaayos ko na ang mga gamit ko.
Candy is calling.....
[Dalian mo bumaba kana hinihintay ka na namin]
'yon lang ang sinabi at pinatay na ang call.
Palabas na ako ng office ko at nasa elevator na ako ngayon.
Wala na si sir baka kasama na ang mga iba niyang kaibigan.
"Bagalan mo pa sis" Sabi ni candy at hinatak ako.
Puro kami babae ngayon,Kasama namin si cessa,klea,chayli,maris at cassie, anim kami ngayon.
—
Wow gumanda itong 'High Bar' ah lumuwag.
"Doon tayo sa taas, sa may private" sabi ni Cassie.
Umakyat na kami at pumasok na sa private room.
Sa may tabi nito ay may mga lalaki, yung isa naka upo lang at tahimik, yung mga kasama naman ay nag iingay.
"Kahit anong flavor na lang ng gin" Sabi ko.
Bumaba sila at ako lang ang naiwan mag Isa.
Yung private room ay glasses lang kaya mabilis makita ang mga tao or nakikita din kami nito.
Napansin ko naka titig yung isang lalaki sa akin kaya na feel uncomfortable ako.
Hindi ko siya maaninag dahil nga medyo madilim sa parte namin.
Dumating na sila candy kaya naging ok na.
Alam ko minsan dito pumupunta sila sir pero na saan kaya siya?, Baka mag dadarama.
May mga dumaan na babae sa amin at dumeretso itong mga ito sa room ng mga lalaki.
Naka kandong itong mga ito sakanila.
Naka apat na inom na ako pero medyo hindi ko parin ramdam ang kalasingan.
"Tara sa dance floor" Masaya akong hinila nila Cessa halos lahat kami ay nasa baba sa dance floor.
Sumasabay kami sa beat ng tugtog habang naka taas ang mga kamay na may hawak na baso ng gin.
Nakaramdam ako ng pag ka hilo kaya naman umakyat muna ako para mag pahinga, sumakit ulo ko.
Habang naka upo ay may lumabas sa room ng grupo ng mga lalaki kanina.
Nagulat ako dahil dito sa room namin nag punta.
"Hi miss" Sabi ng lalaki.
Pero tumingin lang ako dito."Hi mi–...... Ashivianna Sofie Mendez? Tama ba?... Ikaw nga" Sabi niya pa.
Nang tinignan ko siya lang maayos ulo hanggang baba ay na mukhaan ko na siya.
Shit? S-si sir Cavin!.
"Sir Cavin?" Sabi ko at naramdaman ko ang lag tabi nito sa akin.
"What are you doing here? ay nga pala kasama namin si Jax kaso lumabas eh kasama yung babaeng kandung niya kanina" Tanong at sabi ni sir Cavin.
"Wala po sir Cavin nandito po ako para mag saya kami ng mga kaibigan ko, tsaka ok na din po na may kasama si sir Jax ngayon na babae para naman malimutan niya na si Cheska" Sabi ko at ngumiti.
"Uuwi kana?" Tanong ni sir dahil tumayo na ako.
"Opo" sabi ko.
"Tara hatid na kita saan ba bahay niyo? " Tanong nito.
"Mag taxi na lang po ako sir Cavin tsaka sa condo naman po ako uuwi" Sabi ko at lumabas na sa room.
*|^*^|*
YOU ARE READING
Jaxion Leonel Monteverde
Roman d'amourSi Jaxion Leonel Monteverde ay CEO at may-ari ng kompanya na pinapasukan ni Ashivianna Sofie Mendez , si Ashivianna ay isang graduate sa college pero nag tatrabaho lamang sa opisina ang kanyang trabaho, Isa siyang secretary ni Jaxion, mataas din na...