Chapter 19
"Hm anak kamusta ang tulog mo?" Tanong ni mama sa akin.
"Medyo maayos naman po 'ma" aniko naman.
"Eh kamusta ang baby sa t'yan?" Ani Lola.
Sinabi na siguro sa kanila ni mama at papa.
"Maayos naman po 'la wala na po dapat ipag alala" sabi ko naamn at ngumiti.
Tapos na kaming kumain kaya naman ako na ang nag suggest na mag hugas.
Habang nag huhugas ay may biglang pumasok sa isip ko or may naalala ako.
Shems! 'yong pregnancy test!.
Naiwan ko sa may damitan namin ni Jax!, Paano kung Makita niya iyon? Ok lang basta hindi niya malaman ngayon kung nasaan kami ng anak ko.
Lalaki ang anak ko, ewan ko pero baka mamaya ay kamukha nito si Jax, wag naman sana o kaya ako na lang sana ang kamukha pwede naman 'yon.
•••
"Oh anak saan ka pupunta?" tanong ni mama nang makita ako na palabas.
"Po 'ma? Bibili lang po" aniko naman.
"Anong bibilihin mo? Baka pwede ay samahan na kita anak" mahinahon na tanong ni mama.
"Mangga lang 'ma nagutom kasi ako ulit eh" aniko naman.
"Hay nako ako na ang bibili't pumerme ka na dito sa bahay" sabi naman ni mama.
"Sige po 'ma"
***
5months na ang t'yan ko ngayon kaya naman ang ginagawa ko na lang dito sa bahay ay humiga, kumain, matulog, mag exercise para kay baby, pero minsan naman ay tumutulong ako sa gawaing bahay.
Si Jax naman ay tumatawag parin, araw araw ay kinakamusta ako, nalaman niya din na buntis ako pero nung tinanong niya ulit kung nasaan ako at ang dinadala ko ay hindi ko padin sinabi.
Tumawag sa akin si gabo at sinabi niya na nasa New York na daw si Jax, pero pinapahanap niya padin kami ng anak niya.
Sakanila ni cheska ay wala akong Balita.
Nung inistalk ko siya ay nakita ko na nag set siya ng status niya na married sa akin, pero hindi ko pa na pepending.
Kasal pala kami, pero hindi ko alam! gusto ko malaman kung kailan pa!.
"Anak" boses ni mama sa labas ng kwarto ko.
"Po 'ma?" Sigaw ko naman.
"Nandito si Justin dalawin ka daw" sabi niya pa.
Justin Hermoso siya ang madalas na bumibisita sa akin, mabait naman siya gwapo rin pero iba parin talaga kapag kay jaxion.
"Sige 'ma bababa na" sigaw ko.
Nag ayos na ako upang mapuntahan na si Justin sa baba dahil baka kanina pa niya ako hinihintay.
"Oh Justin napa dalaw ka?" Tanong ko dito.
"Vianna hindi kapa ba sanay syempre nandito ako para dalawin ang magandang dilag at poging baby niya" aniya na natatawa pa.
"Hay nako ewan ko sayo kainis ka" aniko naman.
"Oh wag kana magalit, oh ito may dala akong singkamas alam ko naman na gusto mo 'yan at syempre hindi mawawala ang sopas" sabi niya at ngumiti sabay nilabas ang mga dala niya.
"Sino nag luto ng sopas?" Tanong ko dito.
"Syempre ako, wala kasi si nanay kaya ako na ang nag luto" aniya.
"Nako baka hindi masarap 'yan ha malason pa kami ng baby ko" aniko naman.
"Sus hindi 'yan inaalagaan ko kaya kayo ng baby natin" naka ngiting sabi niya.
"Justin baby ko nga lang hm" aniko naman nawari ay nag tatampo.
"Oh sige po Mahal na prinsesa" aniya at nilagay ang sopas sa mangkok na hawak niya.
"Ubusin mo lahat 'yan" aniya.
•••
"Bye wag kana babalik" natatawang sabi ko.
"Babalik ako kung kailan ko gusto, bye pahinga kana" sabi niya at umalis na.
Bike lang ang dala niya dahil nasira ang motor niya.
Pagabi na naman.
Ako lang mag Isa dito sa bahay dahil sila mama't papa at lola't Lolo ay nag simba.
Hindi na ako sumama dahil mabilis lang ako mapagod.
Marami nag sasabi sa akin na ang blooming ko raw, kaya lagi nilang sinasabi na baka daw babae ang anak ko, pero sinasabi ko naman na lalaki.
Nag ring ang cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang tumatawag.
"Tss, bakit na naman ito tumatawag".
"Hello?"
[Hi babe how are you, I fvcking miss you] sabi niya sa kabilang linya.
"Bakit ka na naman tumawag Jax ha? Akala ko ba hindi kana tatawag tsaka ok na kayo ni cheska tigilan mo na ako"
[Babe please forgive me, whatever you think is not true].
"Wala akong paki basta tantanan mo na ako"
[I know you are pregnant, how is our child doing?].
"Natural nasa t'yan lumalaki, tsaka hindi mo ito anak, may ibang ama ito, at Isa pa wag kana mag update sa akin kung may meeting ka o wala dahil Hindi naman ako interesado at Isa pa hindi mo na ako secretary ok!"
[I know, and until now for me you are still my beautiful secretary who is still my wife].
"Tss stupid" sabi ko sabay baba sa call.
:)
YOU ARE READING
Jaxion Leonel Monteverde
RomantizmSi Jaxion Leonel Monteverde ay CEO at may-ari ng kompanya na pinapasukan ni Ashivianna Sofie Mendez , si Ashivianna ay isang graduate sa college pero nag tatrabaho lamang sa opisina ang kanyang trabaho, Isa siyang secretary ni Jaxion, mataas din na...