Vanya: Hi! It's us again xD Vanya and Abigail. The oh so Best Friends Forever hahaha.
We created a new story about newly weds. Para maiba naman. Sana kiligin kayo at ma-excite. :)
Read, read, read. And vote, vote, vote! Also read The Pop Stars Love!
Enjoy!!
Abby: What she said. Enjoy! :)
~~~~~~~~~~
Visitors
Kinabukasan...
House
Gabriella's Point of View
Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa malaking bintana sa kaliwang bahagi ng aking kama. Umupo muna ako at tiningnan ang bagong kwarto ko. Kulay puti na may halong black. Maganda, simple lang.
Pag-uwi namin ni Leo kagabi dito sa bagong bahay namin na binili ng aming mga magulang, let's say it was a 'wedding present' for the both of us, hindi kami nagkibuan at nagsidiretso sa sarili naming mga kwarto.
May kumatok, "Gabriella, gumising ka na at kumain." tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Good morning po, Manang Susan. Maliligo lang po ako saka bababa."
"O sige, hija. Hinihintay ka ni Mr. Torres sa dining room."
"Okay po. Salamat po." dahan-dahang bumaba si Manang Susan sa hagdanan. Sinarado ko na ang pinto at tumingin sa orasan; 6:30, saka dumiretso sa restroom.
I'm Gabriella Gracia-Torres, 23 years old. I was forced to marry Leo because of some business matters. My parents agreed to this marriage since they were very close friends with Leo's parents. Did I agree? Of course not. Who would want to marry a man who doesn't love you or the other way around? Kaso, wala na rin akong magagawa, nangyari na eh.
💍💍💍
Dining Area
Tahimik lang kaming kumakain ng breakfast. Hindi nagtitinginan. Tumingin nalang ako kay Manang Susan na ngayo'y binubuksan ang mga bintana. Nakilala ko siya sa kasal noong tumulong siya sa pag-ayos ng gown ko. Isa raw siyang katulong ng mga Torres at ngayon dito naman siya sa bahay na ito nagaasikaso.
"Manang Susan, kumain na po ba kayo?"
"Nako, hija, mamaya na ako kakain pagkatapos ninyo."
Umalis na siya papuntang living room. Si Manang Susan naman, kami nalang tuloy ang natira dito.
"Mom and Dad are coming." biglang salita ni Leo.
"Okay. Anong oras?" tanong ko habang nakatingin sa pagkain ko.
"Before lunch." tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. "We also have to talk about our rules and regulations."
"Sure."
💍💍💍
Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa office niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair habang ako'y nakaupo sa upuan sa harap niya. Nakatingin lang siya sa papel na hawak niya habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri."Here." inabot niya sakin 'yung papel.
—-
Rules and Regulations
1. Pretend to be a loving, married couple in front of our parents.
2. As long as you mind your own business, I will mind mine also.

BINABASA MO ANG
Their Marriage
RomanceThey're married, yes. But having it arranged, will Vincent and Gabriella's relationship work?