Chapter 5

57 4 1
                                    

Times of Our Lives

Next day...

Pinatulog ako ni Leo sa kama kagabi pero syempre may unan na nakaharang sa gitna.

Kumain ulit kami sa labas ng breakfast at lunch saka pumasyal.

Noong mga bandang four o'clock na, niyaya ko ulit siya sa beach. Hindi naman siya umangal.

Nagapply ako ng sunscreen sa aking balat at ganun din si Leo. Nakasuot ako ngayon ng short-sleeved rash guard at board shorts, si Leo naman ay nakasuot ng red sando at board shorts pero ibang kulay naman ngayon.

Naghintay muna ako ng ten minutes saka tumayo.

"Halika na." aya ko kay Leo.

"I'm not going swimming."

"Hindi ka ba lumalangoy?"

"I do. Hindi lang sa dagat." ayaw mo ha...

Lumayo ako sa kanya at naghanap ng...ayun!

"Excuse me, pwede bang hiramin ang bucket mo ng saglit?"

"Okay lang po, Ate." sabi ng bata.

"Salamat! Saglit lang ito." pumunta ako sa dagat at sumandok ng maraming tubig. Humanda ka ngayon. Tatawan-tawanan mo ako kahapon.

Lumapit ulit ako kay Leo at automatic na lumaki ang mga mata niya.

"Don't you even dare..."

Pero bago niya matapos ang kanyang sasabihin, nabuhusan ko na siya ng tubig. Nagulat ako sa ginawa ko at kinakabahan na ako sa gagawin ni Leo dahil sa itsura niya ngayon.

Isa lang ang kailangan kong gawin.

"Huwag kang tatakbo, Gabriella!" mabilis siyang tumayo pero nauna na akong tumakbo. Sa bilis ng takbo ko, hindi ko naibalik ng maayos ang bucket na inihiram ko sa bata, gayunpaman, nakapag-'thank you' naman ako.

Nagulat at sumigaw ako nung nahuli ako ni Leo sa bewang.

"Lagot ka sa akin ngayon." binuhat niya ako patungo sa dagat.

"Loko-loko ka! Ibaba mo 'ko!"

"I'm not crazy! You're the one who's crazy!" ibinaba niya na nga ako.

Ibinababa ko ang aking ulo sa tubig para mabasa ang aking buhok at pagkaahon ko, binasa ko nang mabuti si Leo.

Kaya ang kinalabasan, nagbasaan kami. Nagmumukha kaming bata pero naririnig kong sinasabi ng iba na 'sweet' daw at 'cute', at kung ano pang nakakakilig na ewan na maiisip mo.

"Tama na!/Stop it!"

Tumigil kaagad kami, nagkatinginan, saka nagtawanan.

I sighed after laughing then closed my eyes and floated.

"Leo."

"What?"

"This is called relaxation, try it sometime or right now." hindi ko siya tiningnan pero feeling ko nagfloat din siya.

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon