Chapter 6

57 5 1
                                    

This chapter is dedicated to ministeriojean for being the first to comment on this story! Nakakakilig din po ang comment niyo, grabe. Hahahaha! -AbiVans

💍💍💍

Tiwala is a Big Word

Kinabukasan...

Bumangon ako ng maaga para magluto ng almusal kasi maagang umalis si Nanay Susan ngayon. Alam niyo na, para umuwi sa kanila ng dalawang araw kasi darating ang anak niya galing abroad.

Kaya ito ako ngayon, gagawa ng bacon and eggs, gagawa sana ako ng bacon pancakes kaso baka ayaw ni Leo.

Ilalagay ko sana ang kawali sa ibabaw ng stove nang makita ko si Leo sa may pintuan, nakasandal, nagulat ako at muntikan ko nang mabitawan ang kawali na tatama sa paa ko.

"Whose shirt are you wearing?" huh? Tumingin ako sa t-shirt ko: kulay puti na may Jake the dog sa gitna. Ano naman–ahh.

"Akin, bakit?"

"Why is it too large then?" tanong niya habang kumukuha ng isang basong tubig.

"Ewan ko. Trip ko lang." sagot ko at binalikan ang aking ginagawa.

"Just tell the truth, Gabriella."

"Seryoso ka ba? Siguro naman nakikita mo ang mga suot kong damit nung mga nakaraang araw, mga ganito: maluluwag na damit." sabi ko habang niluluto ang itlog.

Naramdaman kong magsasalita ulit siya nang may tumawag sa telepono.

Niluluto ko naman ang bacon.

"What?...Why? You're kidding, right?...No! Shut up. Just shut up, will you?...No." narinig kong binaba niya ang telepono saka pumasok ulit sa kusina. Kala ko kukuha ulit siya ng tubig pero 'yun pala, kumuha siya ng dalawang plato, dalawang kutsara't tinidor, at–

"Watch what you're cooking." agad naman akong tumingin sa niluluto ko. Pinatay ko na ang kalan at inilagay na ang mga bacon sa isang plato, kasama ang mga itlog, at dinala ito sa dining table.

Tahimik lang kaming kumakain.

Bukas na ang pasok ko sa kumpanya ng pamilya ko. Boss ako sa isa sa mga departments doon. Hindi ako masyadong strict, pero kapag kailangan ko (which is hindi madalas) magiging strict ako.

Si Carl, na isa sa mga pinagkakatiwalaan ko, ang nagmamanage sa posisyon ko kapag wala ako, which is hindi madalas kasi tutok na tutok ako sa trabaho. Magaabsent lang ako kapag malubha na ang sakit ko dahil sa sobrang pagod.

Alam ko na ang mga magulang ko ang may-ari ng kumpanya at hindi ko kailangang magtrabaho, pero anong gusto mong gawin ko? Iaksaya ang pera sa kung anu-ano lang? Kung 'mag-aaksaya' man ako ng pera, gusto ko sa akin manggagaling ang pambili.

💍💍💍

Habang nagbebake ako ng cookies, si Leo ay nandoon sa office niya. Mamaya konti biglang nagring ang doorbell. Pinunasan ko muna ang aking mga kamay at pumunta kaagad sa pinto.

Pagkabukas ko ng pinto, ang una kong nakita ay ang lalaking nakatingin sa kotse ng lalaking mukhang may kinukuha sa loob ng sasakyan, "Pre, bilisan mo na at isara mo na 'yan!" bumuntong-hininga siya, "Vince, mus-" nagulat ata.

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon