Chapter 2

67 5 0
                                    

I Really Don't Care

Naunang pumasok si Leo at narinig kong umakyat siya sa itaas. Ako naman ay dumiretso sa kusina para kainin ang isa pang slice ng cake. Masarap kaya.

Nakita ko si Manang Susan na naghuhugas ng mga pinagkainan. Nilapitan ko siya.

"Manang Susan, tulungan ko na po kayo."

"Naku hija, kaya ko na ito."

"Sige na po, wala rin naman po akong gagawin eh."

"O sige na nga. Ikaw na ang magbanlaw ako ang magsasabon."

"Okay po."

💍💍💍

"Kumusta na po ang anak ninyo?" tanong ko habang kumakain kami ni Manang Susan ng chocolate mousse cake.

"Mabuti naman siya, nagtatrabaho sa ibang bansa. Sabi niya sa akin na uuwi raw siya sa susunod na linggo. Gusto ko nga sanang makita siya kaso hindi pa ako nakakapagpaalam sa asawa mo."

"'Wag po kayong mag-alala, Manang Susan, kakausapin ko po si Leo tungkol dyan. Ilang araw po ba?"

"Maraming salamat, hija! Dalawang araw pwede na iyon para sa akin, makita lang ang anak ko. Maraming salamat talaga." sabi niya at niyakap ako.

"Wala pong anuman, Manang Susan."

"Nako! Huwag mo na akong tawaging manang. Pwede na ang nanay." tumawa siya.

"Sige po." nagkuwentuhan pa kami ng mahigit isang oras.

Nagpaalam ako sa kanya na magpapahinga muna ako sa kwarto.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto para humiga sa kama. Ang lambot talaga nito.

Habang nag-uunat ako biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad kong tiningnan 'yun at si Mama ang caller.

"Hello, Ma! How are you?"

[I think our daughter is happy. We're fine, Gabriella. How about you?]

"I'm doing well, Ma. Miss ko na kayo ni Papa."

[We miss you too, princess.] singit ni Papa sa kabilang linya.

"Pa! I miss you!" tumawa ako.

Tumawa rin sila. [Parang isang araw lang ang nakalipas namimiss mo na kaagad kami.]

"Alam niyo naman po, hindi pa ako sanay na mahiwalay sa inyo. Kumusta na pala si Hiro (Hero ang pronunciation)?" si Hiro ay isang shih tzu.

 Kumusta na pala si Hiro (Hero ang pronunciation)?" si Hiro ay isang shih tzu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Heto, namimiss ka na.] narinig ko ang pagtahol niya.

"Mama, pwede po bang umuwi muna dyan?"

[O bakit? Nag-away ba kayo ni Vincent?] sambit ni Papa.

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon