Sweet as a Berry
Tumigil ako sa harap ng isang donut shop para bumili ng tatlong dosenang donuts. Nung nakabili na ako, agad akong sumakay sa kotse at pumunta na sa trabaho.
🍩🍩🍩
"Good morning, Ms. Gracia!" bati ng aking mga empleyado.
"Good morning din." lumapit ako kay Carl at ibinababa ang tatlong dosenang donuts sa isang table. "Kumusta, Carl? Salamat sa pagasikaso dito noong wala ako." niyakap ko siya at binitawan ko rin kaagad.
"A-ano po, Ms. Gracia, ayos naman po. Hindi naman masyadong magulo, nagawa ang mga dapat gawin at tapusin."
"Good job, Carl. Maybe I'll promote you one of these days."
"Talaga po? Salamat po, Ms. Gracia!" nginitian ko siya at humarap sa mga tao. "Everyone, there's boxes of donuts here. You can eat them before you start working. Remember, you can't eat while working, and only a donut for everyone in this room. Is that clear?"
"Yes, Ms. Gracia." sabay-sabay nilang sagot. Tumango nalang ako at pumunta na sa opisina ko.
Let's get back to business.
💍💍💍
I was in the middle of reading something important when someone knocked on my door.
"Come in." dahan-dahang nagbukas ang pinto. "May I help you, Maddy?"
"Pasensya na po sa istorbo pero may itatanong lang po sana kami..."
"Okay lang. Ano ba ang tatanungin mo?" tinabi ko muna ang mga binabasa ko saka tumingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakabreak sila.
"Totoo po bang ikinasal na kayo?" bigla akong napatingin sa singsing ko.
"Oo?" kinabahan ako bigla.
"At si Mr. Torres ang asawa niyo?"
Lumunok muna ako bago sumagot ng, "Saan mo nalaman ang mga ito?"
"Ahh, inannounce po kasi ni Mr. and Mrs. Gracia noong isang araw na ikinasal na kayo."
"Ganun ba..."
"Kaya pala, Ms. Gracia- Mrs. Torres, nagleave po kayo ng isang linggo."
"Ms. Gracia nalang ang itawag niyo sa akin. Hindi kasi ako sanay."
"O sige po, Ms. Gracia. Congratulations nga po pala at sana nagenjoy po kayo sa inyong honeymoon." lalabas sana siya nang may sinabi pa siya. "Ay, Ms. Gracia, 'wag po kayong mag-alala, naasikaso po ni Carl ang lahat ng dapat asikasuhin noong wala kayo."
Tumawa ako ng mahina, "Salamat, Maddy."
Pagkalabas niya ay nag-unat ako. Tumingin ako sa aking orasan, 3:06. Makapasyal nga muna. Tinapos ko lang ang binabasa ko saka itinabi ulit iyon. Nilock ko muna ang aking pintuan at dumiretso sa elevator.
Ding!
"Pa!" halos tumakbo ako papunta kay Papa noong nakita ko siya.
"Anak!" tinanggap niya kaagad ang yakap ko. "Kumusta ang bakasyon ninyo ni Vincent?"
Kumalas ako sa yakap, "Ayos naman, Pa. Grabe, ang ganda doon. Sana nandoon din kayo. Ay, oo nga pala, may pasalubong ako, kami pala, sa inyo! Siguradong magugustuhan niyo 'yun." babalik sana ako sa aking opisina nang maalala kong hindi ko pala nadala ang mga pasalubong ko. "Nakalimutan ko sa bahay..."
Tumawa si Papa, "Okay lang iyon, Gabriella. Pupunta naman kami sa inyo for dinner, right?"
"Oo nga pala. Ibibigay ko rin sa mga magulang ni Leo ang mga pasalubong ko sa kanila. Galing mo dun, Pa, ah!" tumawa ako.
BINABASA MO ANG
Their Marriage
RomanceThey're married, yes. But having it arranged, will Vincent and Gabriella's relationship work?