Third Person's Point of View
Iritableng nagising si Vincent. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya kagabi kundi ang pag-restroom sa bar.
Tiningnan niya ang alarm clock sa tabi ng kama niya. Siya ay nagalit ng lubusan kaya tinabig niya 'yung alarm clock at iba pang mga gamit na nandoon sa lamesa. Lalo pang sumakit ang ulo niya sa oras na nakita niya.
Bumangon kaagad siya kahit medyo nahihilo parin. Naligo at nagbibihis na siya para sa trabaho nang may kumatok sa bedroom door niya.
"What?"
"Dinalhan lang kita ng pagkain." sa pagkain lang nakatingin si Gabriella na nakaabot kay Vincent. Nakalagay sa tray ang sausages, eggs, and coffee. Nagtaka naman si Vincent sa inakto ni Gabriella. "Hindi mo ba nabasa ang note na nilagay ko sa table mo?"
"No. What was it?"
"Tumawag ako sa trabaho mo kaninang umaga na hindi ka papasok ngayon dahil masakit ang ulo mo."
"Ganun ba..."
"Pero kung gusto mo namang pumasok ngayon nasasayo naman 'yun. Oh." tuluyang kinuha ni Vincent ang pagkain niya at si Gabriella na ang nagsara ng pintuan.
Noong nilapag ni Vincent ang tray, tinawagan niya ang kanyang sekretarya. "Mrs. Cuevas, I'm going to-"
"We know, Mr. Torres. Please rest while you can. We can take care of it."
"Oh...thank you."
"You're welcome, Mr. Torres. Take care." binaba niya na ang tawag. Tinanggal niya ang kanyang tie hanggang sa nakasuot nalang siya ng sando. Kinain niya na ang kanyang almusal at nanood nalang ng balita mula sa kanyang kwarto.
Habang siya'y nanonood si Gabriella ay nasa likod ng bahay nagduduyan nang may biglang tumawag sa kanyang cellphone. Unknown number.
"Hello?"
"Is this Mrs. Gabriella Torres?"
"Yes."
"Hello, Mrs. Torres! This is Jessica from Bizness Magazine. We are inviting you to be on Bizness Magazine's cover of next month's issue. We'll call it 'Woman in a Business Suit' and we're going to do a little interview or a short behind the scenes of your work along the way. So, what do you think?" huminto ang paghinga ni Gabriella. Hindi niya alam kung tatanggapin niya ang request o kung tatanggihan na lamang ito.
After a year ngayon lang ulit may nag-inquire sa kanya. Syempre hindi niya ito kayang tanggihan. 'Yun nga lang, papayag ba ang kanyang asawa?
Gabriella's Point of View
"I'll take it." hindi naman siguro magagalit 'yun. Nakalagay naman sa rules na 'mind your own business' eh.
"Great! The photoshoot will begin tomorrow, 10:00am. I'll text you the address of the studio. Bizness Magazine is grateful for having you. Congratulations, by the way, and have a nice day!" nagthank-you rin ako sa kanya at binaba ko na ang tawag. Nagduyan ulit ako. Hindi talaga magagalit 'yun diba?
"Hey. Who was that?" napatalon ako.
"Bizness Magazine."
"You took the opportunity to take a photo shoot for next month's issue, isn't that right?" tumango lang ako. Tumango din siya. Nandoon lang siya sa entrance. "So...where's Manang Susan?" umiwas siya ng tingin.
"May binili lang sa market."
Tumango ulit siya at parang may gusto pa siyang sabihin, "You know, you didn't have to contact my secretary earlier. I could've done it myself."
"Halata namang papasok ka na sa trabaho kanina. Tatawagan mo ba sana siya noon?" natatawa-tawa kong sabi. Namula ng konti ang kanyang tenga.
Naalala ko bigla 'yung sugat niya. Tumayo ako mula sa duyan at lumapit sa kanya, "Kumusta na pala ang sugat mo?" hahawakan ko sana ang kanyang sugat kaso napatigil ako. Tiningnan ko siya at saktong nakatingin din siya sa akin.
"Alam mo, teka lang ha, bibigyan kita ng panlinis dyan sa sugat mo. Nasaan na ba 'yun?" umalis ako sa harapan niya. Kinabahan ako dun ah.
"Wait..." saktong may narinig akong pumasok sa pintuan.
"Nanay Susan, alam niyo ho ba kung nasaan ang med kit? Hindi ko po kasi alam kung...nasaan. Alam niyo ho ba?" Ano ba 'yan, Gabriella. Umayos ka nga.
"Gabriella..."
"Teka lang, Leo. Hahanapin ko pa. Nasaan na ba 'yun?"
"Gabriella."
"Ano?" taranta akong humarap sa kanya. "Ay, nakita mo na pala... Bakit hindi ko nakita 'yan?" tumawa ulit ako. "Sige, linisin mo na. Kaya mo na 'yan."
"Gabriella, ba't hindi mo muna tulungan si Vincent sa kanyang mga sugat? Doon kayo sa labas para makita mo nang maayos." ngumiti si Nanay Susan. Hala, parang nakakahalata na ako dito kay Nanay Susan ah.
"Tulungan ko nalang ho kayo dyan." pupunta sana ako sa kinaroroonan niya para tulungan siya sa mga pinamili niya pero nilakihan niya ako ng mata. "Ito na po..." kinuha ko mula kay Leo ang med kit at pumunta sa likod ng bahay.
Sa bench kami umupo, si Leo at nakaharap sa akin. Nakatingin lang siya sa med kit. Napalunok ako nung tumingin naman siya sa akin. Mabilis na tumingin ako sa med kit at kumuha ng cotton at betadine. Naiilang na nilagay ko 'yun sa sugat niya, dinampi-dampi ko lang 'yung cotton sa balat niya.
"Gabriella..."
"Hmm?"
"Ano...wala."
"Sabihin mo na." kinakabahan ako pero walang reaksyon ang mukha ko.
"Salamat..." tumango ako. "...kagabi." tiningnan ko siya sa mata. "Aray!"
"Hala, sorry!" napadiin ang pagdampi ko. Hinawakan ko ang kanyang mukha gamit 'yung isa kong kamay. Nagkatinginan kami saka unti-unting tumawa.
"Ang cute niyong dalawa." napatingin ako sa pintuan. Nakatayo lamang doon si Nanay Susan.
Tumikhim ang katabi ko. "Okay na siguro 'to, Gabriella. Salamat." hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang ibinaba.
Tumayo na ako, "Sige na. Uh, doon muna ako sa loob..." kinuha ko ang med kit at mabilis na pumasok sa loob. Ano ba ang nangyayari sayo, Gabriella!
BINABASA MO ANG
Their Marriage
RomansaThey're married, yes. But having it arranged, will Vincent and Gabriella's relationship work?