Abby: Hey guys, we're back. Sorry for the long wait but here's a short chapter for you guys. Hope you enjoy it :)
~~~~~~~~~~
Gabriella's Point of View
Ano ba nangyayari sa'kin? Para naman akong ewan. Nakasimangot akong pumunta sa banyo at sinuoli ang med kit. Tumingin ako sa salamin at inalala ang nangyari kanina. Unti-unti kong tiningnan sarili kong ngumiti pero agad ko ring binawi.
"Ano ba nangyayari sayo?" pinatay ko ang ilaw ng banyo at umupo sa sala.
Nakita kong pumasok si Leo pero nakatalikod siya sa akin para isarado ang pintuan. Agad akong pumwesto ng pahiga at tinakpan ang ulo ko ng unan.
"Hey, you can't sleep there." sabi niya. Narinig ko ang boses niyang palapit sa akin.
"Sinong nagsabi bawal?"
"Ako." hindi pa rin ako kumilos. "Bubuhatin kita dyan kapag hindi ka kumilos." tinanggal ko ang unan sa mukha ko at lumaki ang mata ko nung nakita ko ang mukha ni Leo sa tapat ng mukha ko.
"Maniwala?"
Tumawa siya. Pumikit ako ng mariin. Bakit ba nagtanong pa ako?
Ang susunod na nangyari ay binuhat niya nga talaga ako at humakbang na siyang paakyat. Tumawa din ako.
"Huy, hindi ko naman sinabing iaakyat mo 'ko. Baba mo na ako."
Nag-pout siya, "Ayoko nga."
Sa hindi sinasadya pinisil ko ang pisngi niya. Kagigil 'to. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako.
"What was that for?" sumasalubong ang kilay niya.
"Ang kulit mo ka-"
Hinalikan niya ako.
"Makulit ka rin." napatunganga ako.
Pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad hanggang sa naramdaman kong binaba niya na ako sa aking kwarto.
"Dito ka dapat natutulog- sa kwarto mo." tumango lang ako. "Huy." sinundot niya balikat ko.
"Sige na, lumabas ka na." inikot ko siya at hinatid sa labas ng kwarto. Tumawa nanaman siya. Ba't ang hilig nitong tumawa ngayon? May topak? "Salamat." sabi ko at sinara na ang pinto.
Tumakbo ako sa kama, nagtago sa ilalim ng kumot, at nilunod ang mukha ko sa unan ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Their Marriage
RomanceThey're married, yes. But having it arranged, will Vincent and Gabriella's relationship work?