Chapter 10

65 3 0
                                    

What's the Magic Word?

Tumunog ang cellphone ko pagkatapos kong kumain ng almusal.

Caller ID: Mama

"Hello, Ma, kumusta?"

[Hello, anak. Ito, we're fine. Your Tita Lucy called, magdinner daw kami dyan mamaya.]

Hindi ko ata alam 'yun, "Oo nga noh, Ma, tamang tama kasi nagusap tayo tungkol sa sabay-sabay nating pagkain dito sa bahay... namin."

[Hindi mo ba alam?]

"Nakalimutan lang po siguro. Kumusta po kayo dyan ni Papa?" pag-iiba ko ng topic.

[Ayos lang din. How's Hiro? Is he still sick?]

Naglakad ako papuntang garden at umupo sa swing. Hindi ko namalayang sinundan ako ni Hiro. "Okay na siya, Ma. Nakapagtataka naman itong asong 'to."

[Baka Gabriella sick lang siya.] tawa ni Mama sa kabilang linya. [Anyway, hindi ka  pa ba papasok?]

Tumingin ako sa orasan, halos isang oras na akong late. "Hindi, Ma. Maglilinis pa ako ng bahay."

[Wifely duties, huh?] tumawa kami. [I got to go na, anak. Dumating na ang aming mga kliyente. See you later. Love you so much, Gab.]

"Love you, too, Ma. Please send my regards to Papa."

[Copy that. Bye.]

"Bye, Ma."

Call Ended

Pagkababa ni Mama ng tawag, binuksan ko ang mail sa cellphone para mamessage si Carl.

———

To: Carl

Hi, Carl, kumusta kayo dyan? Please take charge in my absence. Alam kong kayang-kaya mo 'yan. Pasensya na kung hindi nanaman ako makakapasok. Busy kasi. Maybe next week na ako makakapasok.

Thanks for your help, Carl, I really appreciate it.

Gabriella G.

———

Agad nagnotify ang message sa cellphone ko.

———

From: Carl

No, problem, Ms. Gracia. I got it all covered. Take care.

———

Ngumiti ako saka pumasok ulit sa loob. Nakita ko si Nanay Susan sa sala, nagpapagpag ng alikabok. Kumuha ako ng basahan sa isang tabi at nagpunas-punas.

"Nanay Susan, anong lulutuin natin para mamaya?"

"Mag-isda tayo. Gusto mo ba ng bangus?"

"Syempre naman, Nay! At mag-nilaga tayo para may sabaw."

"Gusto ko iyan, hija." nag-apir kami ni Nanay Susan.

💍💍💍

"Mukhang hindi na uulan ah. Suggest ni Madam Lucy na kapag maganda na ang panahon, sa garden tayo kakain." naluto na namin ni Nanay Susan ang mga ihahanda kaya ngayon naman ay aayusin namin ang table sa garden. "Teka, hija, kukuha lang ako ng pangsapin sa lamesa." tumango lang ako habang kumukuha siya sa closet ng pangsapin.

Pagkalabas namin tinanggal ko sa pagkakastack ang seven out of eight na upuan at inilagay 'yun isa-isa sa malaking round table.

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon