Chapter 8

58 3 1
                                    

Hiro the Dog

Kanina pang nagriring ang cellphone ni Gabriella. Naliligo pa siya at naiwan niya ang kanyang cellphone dito sa sala. Bwisit na ingay 'yan. Tumingin ako sa itaas saka kinuha ang cellphone. Since nakalock siya tiningnan ko ang mga text messages mula sa lock screen.

 Since nakalock siya tiningnan ko ang mga text messages mula sa lock screen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sino bang Hiro 'yun? 'Wag niyang sabihin na–

"Akin na 'yan!" hinablot kaagad ni Gabriella ang cellphone niya sa aking kamay. Nakita kong binasa niya ang mga text ng mama niya. Lumaki ang mga mata niya. "I-I have to go." kinuha niya ang susi ng kanyang kotse sa loob ng drawer at pumunta na sa pintuan papuntang garage.

"Wait!" lumingon siya sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

"Who's Hiro?"

"Wala 'yun. Y-You don't need to worry about him." at agad siyang lumabas.

What the ef! That's it? Lalaki 'yun na kilala ng mama niya. Baka may tinatago sila sa akin at sa papa niya?

Kumunot ang noo ko. Maghintay siya mamaya.

Gabriella's Point of View

"Ma!" sinalubong ko siya, nasa labas siya ng veterinary clinic.

Tinawagan ko si Carl kanina nung nakababa na ako ng sasakyan na malelate ako ng kaunti.

"Gabriella! Bakit hindi mo sinasagot ang aking mga text?"

"Naliligo po ako noon. Puntahan na natin si Hiro." tumango siya at sabay kaming naglakad.

Nakita namin si Hiro na malungkot na nakahiga. Inaasikaso siya ng veterinarian namin na si Dr. Relles kaya hindi ko siya mahawakan.

"Ano po ang sakit niya?" tanong ko, nakatingin parin kay Hiro.

"Acute vomiting, Mrs. Torres." nagsalita pa si duktora tungkol sa dietary changes at binigyan niya kami ng mga medications para makontrol ang kanyang pagsusuka. Nagpasalamat kami kay Dr. Relles at lumabas na kami ng clinic, bitbit ko si Hiro. Pinainom siya ni doc ng gamot kaya pansamantalang tumigil ang kanyang pagsusuka.

"Ma, ako na muna ang uuwi kay Hiro. Maasikaso ang paglilinis ng kanyang suka. Kaya ko naman siyang alagaan." wala nang katulong sina mama since hindi na ako nakatira doon. Mayroon naman silang katulong pero tagaluto at tagalinis lang atsaka umuuwi sila araw-araw.

"Sure ka, anak? Baka mahirapan ka..."

"Don't worry, Ma, I can handle him."

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon