Chapter 14

34 3 0
                                    

Tulalang nakatingin si Gabriella sa palabas na pinapanood niya. Nakasabit sa kanyang bibig ang tinapay habang hawak-hawak ang baso ng orange juice. Magulong magulo ang kanyang buhok at halata sa kanyang mga mata ang pagod. Dalawang araw na siyang walang tulog dahil sa nangyari nung nagdaang dalawang araw. Tuwing naaalala niya 'yung nangyari napapangiti siya pero bigla niya na lang din nasusuntok ang kanyang unan.

Nababaliw na yata ako.

One day ago...

Gabriella's Point of View

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Bakit kasi ako hinalikan ng lalaking 'yun? May topak kaya 'yun?

Bumangon ako sa kama at napag-isipang mag-jogging. 5am pa lang pero gising na ako. Mali, gising pa ako. Ano ba 'yan.

Dahan-dahan akong bumaba. Sinalpak ko muna ang earphones ko sa aking taenga bago lumabas. Habang nag-jajogging hindi ko mapigilang mapansin na parang may humahabol sa akin. Ayoko pa naman ng ganun. Feeling ko may Sadako 'pag tumalikod ako, madilim pa naman. Binilisan ko ng konti ang aking pag-jogging hanggang sa naging takbo na. Ramdam ko pa rin na nakasunod siya sa akin at mukhang tumatakbo na rin. Binilisan ko lalo hanggang sa dumating ako sa pedestrian crossing, merong sasakyan na biglang bumusina at may kamay na humawak sa balikat ko. Dahil sa bilis ng paglingon ko, natanggal earphones ko. Sisipain ko sana 'yung nakasunod sa akin ng makita ko ang kanyang mukha.

"C-Covie?"

"Kung hindi kita napigilan siguro naaksidente ka na."

"Kung hindi ka siguro nakasunod sa akin, hindi mangyayari 'to."

"Kung siguro hininaan mo ang volume ng cellphone mo, maririnig mo ang pagtawag ko." ngumiti si Covie.

Lumaki ang mga mata ko, "Ay, sorry. Kala ko kasi ano..."

"Hayaan mo na, at least ligtas ka. Sasabihin ko sana sayo na sabay na tayong magjogging pero tumakbo ka naman." napayuko ako sa hiya.

"Sorry." tumingin ako sa kanan. Nakita kong may convenient store na malapit sa amin. "Ilibre na lang kita ng inumin, 'wag mo nalang sabihin kay Leo 'yung nangyari." nakangiti pa rin siya.

"Sure, why not." naglakad na kami papunta sa tindahan. "Kumusta na pala kayo ng lokong 'yun? Hindi na ako nakarinig sa kanya simula nung hinatid ko siya sa inyo." tumawa siya.

Naalala ko nanaman 'yung nangyari kahapon. Napangiti ako pero yumuko agad para hindi makita ni Covie. "Hindi na siya masyadong nasimangot."

Napatigil si Covie sa kanyang paglalakad kaya tumigil rin ako, "Ibig mong sabihin 'yung mukha ng lokong 'yun hindi na galit? So ngumingiti na?" nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Oo?"

Naglakad na ulit siya, "Marunong pala 'yun ngumiti kahit hindi lasing." umiiling siya. Ano daw?

Nung nakarating kami sa tindahan agad siyang dumiretso sa mga inumin. Iniisip ko naman 'yung sinabi niya. Hindi nangiti si Leo? Imposible naman ata 'yun para sa isang tao.

Naalala ko nanaman 'yung nangyari kahapon. Medyo naiinis na ako kasi tuwing maaalala ko o mababanggit ang pangalan ni Vincent, 'yung ginawa niya 'yung naaalala ko.

Habang naghahanap ng makakain biglang tumugtog ang chorus ng kantang Lips Of An Angel. Grabe naman ang tindahang 'to.

"It's really good to hear your voice saying my name

It sounds so sweet

Coming from the lips of an angel

Hearing those words - it makes me weak"

"Uy, Gab?" napatingin ako kay Covie, "Okay ka lang? Nakapili na ako ng inumin." pinakita niya 'yung hawak niyang Gatorade saka kami pumunta sa counter. "Wala ka bang bibilhin? Ako na lang ang magbabayd nito." nung nilabas niya ang kanyang wallet nilabas ko kaagad 'yung pambayad.

"Okay lang ako, sorry. Ako na ang magbabayad."

"Sure ka?"

"Okay lang ako, Leo!" tumaas ang kanyang mga kilay sa sinabi ko. Nagulat din ako kaya nang malagay ko ang bayad sa counter kumaripas ako ng tumakbo pagkatapos kong magsorry ulit.

"Salamat sa inumin! Mag-ingat ka!" rinig kong pahabol ni Covie.

Nang makauwi na ako tinanggal ko kaagad ang sapatos ko at umakyat sa taas para magpahinga at maligo.

Third Person's Point of View

Pagsapit ng gabi sabay kumain ang mag-asawa. Hindi mapigilang maramdaman ni Gabriella ang kaasiwaan ng kapaligiran. Hindi niya alam kung ganoon din ang nararamdaman ni Vincent. Nang tingnan niya ang asawa, mahinahon lamang siyang kumakain hanggang sa naramdaman ni Vincent na nakatingin si Gabriella sa kanya.

"Is there a problem?"

"W-wala..."

Kumain ulit si Vincent pero ngayon ay nakangiti. Naalala ni Gabriella ang sinabi ni Covie sa kanya kaninang umaga. Napalunok siya at napainom ng wala sa oras.

"Is it because of what happened yesterday?" muntikang lumabas sa kanyang ilong ang tubig na iniinom niya kaya imbis na lumabas sa kanyang ilong ang tubig, naibuga niya iyon sa harap ni Vincent.

Nagulat silang parehas. Ramdam ni Gabriella ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Hiyang-hiya na siya kaya bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa kanyang kwarto.

Present

Hindi namalayan ni Gabriella na nahulog ang sandwich na kagat-kagat niya. Gusto niya nang matulog ngunit tinatanggihan ito ng kanyang utak dahil sa pag-iisip kay Vincent.

Hindi niya rin namalayan na gising na si Vincent na nagtataka nakatingin sa kanya. Siya rin ay hindi nakatulog ng maayos pero hindi niya ito ipapahalata. Dahan-dahan siyang lumapit kay Gabriella, nakatitig lamang ito sa screen ng tv, tapos na ang pinapanood.

"Huy, bakit ganyan ang itsura mo? Dito ka ba natulog?" nagulat si Gabriella kung kaya't napatawa si Vincent.

Dahan-dahan siyang tiningnan ni Gabriella. Nakita ni Vincent na mapungay ang kanyang mga mata at maitim ang ilalim ng mga ito. Tumawa siya.

"You have panda eyes. Looks like you haven't slept for days." pagtawa ni Vincent.

Lalong nainis si Gabriella. Hindi ito mangyayari kundi dahil sayo!, sabi niya sa isip-isip niya.

"Was it because of that kiss?" hindi na napigilan ni Gabriella ang kanyang inis kaya ng walang pag-iisip, sinuntok niya si Vincent sa tiyan.

"Gusto ko lang matulog pero dahil sayo ilang araw na akong walang tulog! Narinig mo 'yun?! Dahil sayo wala akong tulog! Nakakabaliw kang lalaki ka! Lumayo ka nga sa'kin!" padabog na tumayo si Gabriella, hawak ang kumot at tumakbong paakyat sa kanyang kwarto.

Hawak pa rin ni Vincent ang kanyang tiyan at tumingin sa taas kung saan malakas na sinara ni Gabriella ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Vincent? Anong nangyari kay Gabriella?" lumabas si Susan mula sa kanyang kwarto matapos marinig ang sigaw ni Gabriella. "At bakit ka nakahawak sa tiyan mo?"

"I...don't know." wala sa sariling sagot ni Vincent, nakatingin parin sa pintuan ng kwarto ni Gabriella.

~~~~~~~~~~

Vans/Celes: Sorry for the late update. Been busy. Expect more updates on the upcoming weeks! And please don't forget to vote and share our stories. Also, please follow and read my stories on my new account. See AbiVans' bio and click on @celestia0130. Thank you and enjoy!

Abby: We're really sorry for the late update but thanks for keeping in touch. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon