Chapter 11

62 4 0
                                    

Chicken

Unti-unting nagising si Gabriella sa mahimbing niyang tulog.

"Aaahh!" malakas na tinulak niya gamit ang kamay at paa si Leo. Biglang nagising si Leo at muntikan pa siyang mahulog sa kama. Binalanse niya ang sarili para hindi mahulog pero natuluyan na.

Narinig ng mag-asawa at ni Susan ang ingay galing sa ikalawang palapag. Agad namang kumilos ang mag-asawa at pumunta sa kwarto nina Leo.

Binuksan ni Lucy ang pinto. "Anong nangyari sa inyo?" lumingon ang mag-asawa, si Gabriella nakanganga at malaki ang mga mata habang si Leo naman ay nasasaktan parin sa kanyang pagbagsak.

"Nag...naglaro kasi kami ng batu-bato pik! Kung sino ang matalo, uusod hanggang sa mahulog siya sa kama."

"But why...?" tanong ni Edgar.

"Para...para mas magising ang tao. Diba, Leo?"

"Oo." bumangon na siya, hinihimas ang kanyang likod.

Napa-ohh ang mag-asawa. "Halika't kumain na tayo sa baba."

"Susunod po kami." tumango lang sila at lumabas na ng kwarto.

Gabriella's Point of View

Nasa dulo parin ako ng kama, si Leo nakatayo parin habang minamasahe ang likod niya.

Tumingin siya sa akin at galit na bumulong, "What did you do that for?"

"Nakayakap ka kasi sa'kin."

"You were hugging me, too!"

"Hindi ko naman alam!"

"Kung hindi mo alam, hindi ko rin alam!" nagtitigan lang kami ng saglit saka tumayo na ako para ayusin ang kama at mag-restroom.

Lumabas ako ng restroom at nakitang nakapagpalit na si Leo ng pambaba. "Halika na."

💍💍💍

"Ingat po kayo bukas!" paalam ko sa mag-asawa.

"Don't worry, we will." niyakap ako ni Tita.

"Take care, Mom."

"Paulit-ulit, Vincent Leo?"

"Just for assurance." kibit-balikat niya.

"Oo, anak." nagulat si Leo nung halikan siya sa kanyang pisngi. Tumawa ako.

"Hon, let's go!" tawag ni Tito na nasa kotse na.

"O, sige na, mauna na kami. Bye, Susan!"

"Mag-ingat kayo, Madam."

Sumakay na si Tita Lucy sa sasakyan at umalis na. Papasok na sana ako nang makita ko ang itsura ni Leo.

"Oh, ba't nakasimangot ka?"

"They left all the work to me."

"Hindi naman lahat, mga 75% lang." binigyan ko siya ng two thumbs up at pumunta sa kusina. Naramdaman ko siyang nakasunod.

"Ga–!" sigaw ni Nanay Susan.

Malakas na tumawa si Leo. "Let me lend you a hand." tinulungan niya akong tumayo.

"Sakit." ng pwet ko. Malay ko ba na madulas dito.

"Okay ka lang?" nakangiting tanong ni Leo.

Saglit na tinitigan ko siya, "Oo."

Biglang may tumikhim, si Nanay Susan, "Pasensya na kayo, sasabihin ko sana sa inyo na basa diyan kaso ito na ang nangyari."

Their MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon