21: Bothered

26 2 0
                                    

Chapter 21

Akira's POV

"Pansin ko lang, Phen, parang di mapakali si Zyan." bulong ko kay Stephen habang nakatingin kay Zyan na nauunang maglakad samin.

Simula nung bumalik sya at ibigay kay Zeon yung suit at long sleeves, hindi na sya makausap ng ayos. Daldal ako ng daldal pero di naman sya nakibo at nakatingin lang sa malayo. Kaya si Stephen na lang tuloy kinausap ko.

Baka kasi magalit si Zeon sakin kapag sinabi ko sa kanyang nababaliw na ang gf nya na bestfriend ko. Ano kayang bumabagabag kay Zyan?

"Oo nga eh. Ano kayang nangyari kay 'insan? Kanina pa sya lutang." sang-ayon ni Stephen. Tama. Kagaya ngayon, palabas na kami ng mall pero sya sa entrance yata balak umexit.

To the rescue naman si Zeon at inalalayan sya papuntang exit. What the hell is happening?

"Ano kayang nangyari bago sya pumunta satin? Hindi kaya may nagbigay ng death threat sa kanya? O binalak syang rapein?" walang kwentang sabi ni Stephen. Binatukan ko nga.

"Adik ka ba?! Rapein?? Edi sana nakita ng mga saleslady yun!! Andami kayang sumusunod na saleslady satin na akala mo may balak tayong magnakaw!" bulyaw ko sa kanya. Napaisip ako. "Death threat? Eh bakit ang kanina nya pa sinasabi 'good luck'? Ano yun? Sinasabi nya sa sarili nyang 'good luck', o dun sa nagthreat sa kanya?"

Kanina pa nya kasi sinasabing good luck tapos biglang iiling. Oh my goodness!!

"Hindi kaya na-drugged sya?! Tingin mo??" tanong ko kay Stephen habang naglalakad kami papuntang kotse nya. Wala na sina Zyan. Nauna na ata.

Ako naman ang binatukan nya. "Aba!! Hoy! Bakit mo ko binatukan?!" sigaw ko sa kanya habang sya nakapoker face.

"Masyado ka nang OA. Dinaig mo pa yung boyfriend ah! Si Zeon nga chill lang, dapat ikaw din." sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Nag-aalala lang ako para sa BESTFRIEND ko!!" sabi ko at in-emphasize ang bestfriend. "Hindi mo kasi masyadong kilala si Zyan, na dapat ikaw ang mas nakakakilala dahil magkadugo kayo! Hindi ako sanay na ganyan sya. Alam kong may problema. Ayaw nya lang sabihin." sabi ko at pumasok sa loob.

Nagkibit balikat ako pagkapasok nya't naupo sa driver's seat. "Sorry na, Aki. Di ko sinasadya." sabi nya at yumuko. I sighed. Matitiis ko ba to?

Hinwakan ko yung kamay nya at marahang pinisil. "It's okay. I understand. Sige na, para maabutan pa natin si Zyan." He smiled at me and gave me a peck on the lips.

"Still, sorry." I just smiled at him at inistart na nya ang kotse.

Ano bang problema, Zyan?

********

Stephen Drew's POV

"Bro, kalma! Tsaka tumigil ka nga kakapabalik balik! Nakakahilo ka na ah!" sabi ko kay Zeon. Sinamaan nya lang ako ng tingin at nagpabalik balik na naman sa pwesto nya.

Nandito na kami sa condo nina Aki. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina kay Aki na chill lang ang boyfriend ni 'insan. Ayaw nya lang palang may makakita na nag-aalala na sya. Lalo lang daw na di magsasabi si Andrea tungkol sa bumabagabag sa kanya.

Si Aki, nasa kwarto na nya at naliligo. 8:06 na rin kaya malapit na yung magazine signing namin mamaya sa LMC.

Si Andrea, nasa kwarto pa rin at ayaw magpapasok nang kahit na sino.

Ayaw daw nyang kausapin muna kami. Nag-aanalyze pa daw sya. Hanudaw? Wala naman kaming assignment ah?

Kakausapin daw nya kami kapag ready na sya. Isa lang daw tatawagin nya para kausapin.

Kissing Monsters UniversityWhere stories live. Discover now