(40) What's the reason?

13 2 0
                                    


< Cindy's P.O.V. >

At dahil ayoko namang nakatunganga lang at kung anu-anong pumapasok sa isip ko habang nakahiga dito sa bed, napagpasyahan ko nalang na tumayo at tumulong sa gawaing bahay.
Hindi tulad kina Ma'am Anna, wala kaming katulong dito sa bahay ni tita Emy.

"Kamusta?" bati naman sakin ni tita nang nilapitan ko siya habang naghuhugas siya ng plato. "Masakit pa ba ulo mo?"

"Okay na po ako, tita. Tulungan ko nalang po kayo diyan." Pagkasabi ko nito ay biglang nag-ring yung cellphone ko.

"Ako na dito, sagutin mo nalang yung tumatawag sayo," nakangiting sabi niya at tumango nalang ako at dumiretso sa sala para sagutin yung tawag ng unknown number.

"Hello? sino po sila?"

[Listen to me, I know you're stupid so I'm just reminding you not to give your all to Kevin.] bungad ng nasa kabilang linya.

"Teka, sino 'to? Kian ikaw ba 'to?"

[Ofcourse, stupid. Hindi ba naka-save number ko sa cellphone mo!?] medyo tumaas bigla yung boses niya. Naalala kong dinelete ko pala noon yng number niya dito sa contacts ko.

"Oo, buti nga hindi ko binlock eh.." mahina kong sagot.

[What!?]

"Wala, sabi ko po isesave ko na." Sinave ko naman agad number niya.

[Good. Naiintindihan mo naman yung sinabi ko kanina, diba?]

"Yung alin?"

[Ugh, you're not a good listener. Bahala ka na nga sa buhay mo.] at pinatay niya na agad yung tawag.

Ano bang problema niya!? Bahala talaga ako sa buhay ko!

Babalik ko palang yung phone ko sa bulsa ko nang biglang may tumawag ulit.

"Akala ko ba bahala na ako sa buhay ko ha!?" bungad ko agad sa call pagkasagot ko. Kainis naman 'tong Kian na 'to.

[Cindy? sinong kaaway mo? si Trisha 'to.] Natauhan ako bigla nang boses babae ang narinig ko.

"Hala, sorry! ikaw pala yan, Trisha. Wala naman akong kaaway, hehe. Napatawag ka?"

[Akala ko nag-away agad kayo ng boyfriend mo eh. Balita ko kasi may boyfriend kana. Pakilala mo naman siya sakin! dalhin mo dito sa shop.]

"Sige, yayayain ko siya mamayang hapon!" excited na sabi ko sa kanya.

[Yeyy hihi. See you later!] ..at namatay na yung tawag.

< Kian's P.O.V. >

"Excuse me, class. I have to go to the bathroom. Please get a paper and answer the questions on the board. I'll be back." - Miss Leigh.

"Dude, can I have one piece of paper?" baling ko kay Mark sa likod ko.

"Ang yaman yaman mo, wala kang papel?" natatawa niya namang sabi sabay abot sakin ng isang pirasong yellow paper. Nakita ko naman si Kevin na tumawa din, what the..

"Dude, kelan mo ba ako nakitang nagdala ng bag? I only have a pen on my pocket. That's it." sagot ko naman.

Papasulat palang ako ng pangalan ko nang biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko..

"Ininvite ka ni Cindy sa pinagtatrabahuan niyang Ramen Shop!?" -Mark

"Woaaah, sama kami! Libre ba?" biglang singit naman ni Lloyd.

Fvck, di tuloy ako makafocus.

"Next time nalang kayo sumama. Ipapakilala niya raw ako sa kaworkmates niya eh, baka mainggit mga single diyan." natatawa namang sabi ni Kevin. Tsss, yabang. Magbebreak din sila.

"Okay lang, may karamay naman ako si Kian." natatawa namang sabi ni Lloyd sabay tapik niya sa balikat ko.

"Can you please shut the fvck up?" I tried to remain calm as much as I can, pero deep inside gusto ko na sila itulak palabas ng room. I don't want to hear a fvcking love story especially Kevin's.

"Guys, shut up na daw. Gawin niyo nalang pinapagawa ni Miss Leigh, tapos pakopya ako ah?" sabi ni Lloyd at tumahimik naman agad sila. Good.

.
.
.
.
.

< Cindy's P.O.V. >

Nagtext sakin si Kevin, uwian na daw pala nila at pupunta nalang daw siya dito sa bahay para sunduin ako.

Nag-prepare na ako ng sarili at pagkatapos ay hinintay ko si Kevin dito sa may terrace namin.

4:30pm ang usapan namin pero 4:50 na wala pa siya.. wala ding text or update kung ano na nangyari sa kanya.

Bigla naman tumunog yung cellphone ko. Si Trisha tumatawag.

[Cindy, pupunta pa ba kayo? dumadami na ang tao.] sabi ni Trisha sa kabilang linya.

"Hindi pa kasi siya dumadating, eh. Hinihintay ko pa hanggang ngayon." sagot ko.

[Ganun ba? etong pinareserve kong seat sa inyo, pinamigay muna ni kuya Edwin sa ibang customer.]

"Sige lang. Paunahin nyo munang paupuin yung ibang customer." sabi ko at narinig ko nalang na tinawag na siya ni Boss para iassist yung ibang customer kaya ako na mismo pumatay ng tawag.

Tinry ko din kontakin si Kevin pero nakapatay yata ang cellphone niya.

Time check 5:37pm..

"Cindy, sorry.." bungad ni Kevin palapit sakin. "Bigla kasing dumating si mom galing states.. kaya na-late ako."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.

"Yung mama mo umuwi na ng Pilipinas?" pag-uulit ko.

"Oo, tara na?" yaya niya pero pinigilan ko siya.

"Sorry, Kevin, hindi ko alam na umuwi na pala mama mo.. pwede naman bukas nalang kita ipakilala sa mga katra-"

"No. Ngayon na." pagputol niya sa sinabi ko.

"Pero.. yung mama mo, samahan mo muna siya sa bahay niyo. Okay lang talaga sakin." nakangiti ko nalang sabi sa kanya para di niya isipin na magtatampo ako sa kanya.

"Talaga?.. sige." sabi niya at umalis na agad siya.

Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng sama ng kutob..

Ako nalang mag-isang pumunta sa Ramen Shop. Ayoko namang bumalik sa loob ng bahay at baka kung ano pang isipin ni tita Emy sa di namin natuloy na date ni Kevin.

Dumating ako sa shop na sobra ngang dami ng tao sa loob na kumakain. Busyng-busy din sina Tristan at Aris sa pagbibigay ng mga orders sa bawat table.

"Cindy!" bati sakin ni Trisha. "Ikaw lang mag-isa?"

"Oo, bigla daw kasing umuwi yung mommy niya galing states." sagot ko.

"Ohh.. hindi ka man lang niya sinama para ipakilala sa mommy niya?"

"Hindi.. hindi naman ako ininvite ni Kevin, nakakahiya." sabi ko nalang pero oo nga noh.. wala ba siyang balak ipakilala ako sa mama niya?

"Oy, Cindy! andito ka pala. Tamang-tama at tumulong ka muna dito samin." biglang singit ni Pedro samin nang nakita ako. "Ipaskil mo 'to sa harap ng pinto ng shop, kailangan ulit natin ng bagong tao na ihahire."

Kinuha ko naman yung printed na papel at pumunta na agad ng pinto para idikit 'to. At pagkatapos, tumulong na din ako sa pagseserve ng pagkain sa bawat table.

< Kian's P.O.V. >

Akala ko ba ipapakilala niya si Kevin sa mga kaworkmates niya? Bakit mag-isa lang siya at bakit siya nagtatrabaho?

I slammed my car's door at lumapit ako agad sa may pinto ng shop pagkapasok ni Cindy sa loob after I saw her na may dinikit doon.

Hiring waiter/waitresses. Apply now!
Walk in or Call +639246810123

Hmm..

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon