(10) What's this feeling?

405 12 0
                                    


(10) What's this feeling?

<Cindy's POV>

"H-Hindi na ba ako magpapalit ng suot, Kevin?.." medyo naiilang kong tanong sa kanya habang naglalakad kami sa garden palabas ng bahay nila Kian. Ngayon lang kasi labag sa loob kong sumama kay Kevin para 'di makita ni Kian pagmumukha ko.

Nginitian niya naman ako at inakbayan. "No need na. You look cute already."

Feeling ko nag-blush na naman ako. Sa tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko palaging nag-iinit pisngi ko. Medyo komportable na nga rin ako sa kanya.. feeling ko ang safe ko tuwing kasama siya.

Napatampal ako sa dalawang pisngi ko. Ano ba 'tong iniisip ko??

"Cindy, are you okay?" medyo natatawa niyang tanong pagkasakay namin ng kotse niya. Nakita niya siguro yung pagtampal ko sa sarili ko! 'di ko kasi mapigilan..

Tumango nalang ako atsaka tumingin sa may bintana ng kotse niya. Nakakahiya..

"What do you want to eat?" nakangiting tanong sakin ni Kevin.

Nandito na pala kami sa isang restaurant at nakaupo na sa may gilid at pinakadulo ng restaurant. Si Kevin pumili ng mapapagpwestuhan namin, ewan ko ba bakit dito pa ang pinili niya.

"Yung pinakamura nalang, Kevin." sabi ko at napapatingin pa rin sa paligid namin. Ang ganda kasi.

"No. Pa'no kung ayaw mo? 'Wag ka ng mahiya sakin." pilit niya na inaabot sakin yung menu.

"Hindi naman ako mapili sa pagkain. Atsaka, idudumi ko rin naman 'yan pagkauwi ko."

Napabuntong-hininga nalang siya at tinawag na niya yung waiter.

"I'll take two orders of this restaurant's special dish." sabi niya at nanlaki naman yung mata ko sa gulat.

"Kevin.." tawag ko sa kanya pagkaalis nung waiter at tumingin naman siya agad sakin. "Sayang naman yung pera mo.. sabi ko yung pinaka—"

"Shhhh! walang sayang sakin kung special din ang kasama ko. Dapat special din ang place, at syempre yung kakainin namin." pagputol niya sa sinabi ko sabay kindat. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil uminit na naman pisngi ko. Aish!

"You're cute when you blush." napatingin ako sa kanya ng masama nung sinabi niya yun. Wala na. Nakita na niyang nagbablush ako! nakakahiya!  "Hahaha, don't give me that face. Lalo akong naiinlove eh."

Dumoble yung kaba at pag-init ng pisngi ko. Ano bang nangyayari sakin!? tsaka..

A-Anong sinabi niya?? i..inlove?..

Nakatahimik nalang ako at nakatungo. 'Di na rin nagsasalita si Kevin, pero ramdam kong tinititigan niya ako. Nakakailang!

Buti nalang dumating na yung pagkain namin at sa pagkain na ang tingin ni Kevin ngayon. Titigan ka kaya ng isang gwapo, anong mararamdaman mo??

Nagsimula na akong kumain at napatingin sa kanya. Ngumunguya siyang nakatingin sakin.. binaling ko nalang ang tingin ko sa pagkain habang kumakain.

"How's your life  naman being with Kian?.. and his family?" pagbasag niya sa katahimikan.

"O-Okay naman yung magulang niya pero.." naalala ko na naman si Kian. Laging bad mood ang mukha 'pag nakikita ako, hays. "P-pero ayos lang naman."

"What?" natatawa siya. A-Anong nakakatawa sa sinabi ko? may mali ba 'kong nasabi?

"Anyway, I'm glad that you came in to my life, Cindy." nakita ko na naman ang gwapo niyang ngiti. Simula pa kasi kanina, nakangiti na siya. Pwede na ngang lutuan ng itlog 'tong mukha ko sa sobrang init eh..

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon