(4) Meeting Kevin

503 17 5
                                    


(4) Meeting Kevin

<Cindy's POV>

"I like your name, Cindy. I'm Kevin." pakilala niya sakin na may kasamang kindat habang ginagamot niya yung sugat ko dito sa may lababo.

"K-kaya ko na po 'to.. bumalik kana sa mga kaibigan mo." pamimilit ko sa kanya. Dahil sa totoo lang, napakaliit lang naman ng sugat ko at sanay na rin naman akong masugatan lalo na't ilang taon na rin akong pakalat kalat noon sa labas.

"Excuse me po, Mam & Sir." paalam naman ng isang yaya samin pagkatapos niyang maligpit ang mga bubog sa sahig.

"Thank you, yaya." sabi ni Kevin at binaling ulit ang atensyon sa sugat ko. "Hindi ako makapaniwalang pulubi ka? haha, anong nangyare?" biglang tanong niya sakin habang tinatakpan na ng band aid yung sugat ko. Hindi nalang ako sumagot.

"Well anyway.." nagulat ako ng bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko dahilan ng pagsandal ko sa lababo. Nakita kong nilibot niya ang mga mata niya sa buong mukha ko at tumigil ang tingin sa labi ko.. "You're perfect. Let's be friends.." ramdam ko ang hiningang lumabas sa bibig niya at naamoy ko din yung bango ng hininga niya.. hindi ako makagalaw.. anong gagawin niya? kinakabahan ako!

Dahan-dahan nalang akong napatango at nakita kong pinikit na niya ang mata niya... hala! wag naman sanang umabot sa..

"Dude!"

Biglang napalayo sakin si Kevin ng narinig naming tinawag siya ni Kian.

Wheeeeew, muntik na yun!

"Heyy dude! panira ka naman ng moment!" reklamo ni Kevin.

"Kaya pala ang tagal mo makabalik, may ginagawa na kayong kababalaghan diyan. Kadiri." masungit na saad ni Kian.

"Dude, anong kadiri? she's fuckin' perfect!" pagtatanggol sakin ni Kevin.. "See you later, baby" baling niya sakin nang nakakindat at sumama na siya agad kay Kian.

Bigla namang may kumalabog sa dibdib ko.

Akala ko siya na yung magiging first kiss ko..

Tama ba yung mga narinig ko kay Kevin?.. baby tawag niya sakin, tapos perfect daw ako?

Napatampal ako sa dalawang pisngi ko. Hehe, kasi naman, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas mapuri ng gwapo! haysssss.

Okay, uto-uto na ba 'ko?

"Why are you smiling there like an idiot?"

Napakurap nalang ako bigla ng nasa harapan ko na si Kian... hala hanudaw?..

"Excuse me." hinawi niya ako at dumiretso siya sa may ref sa tabi ko at kumuha ng tubig.

"N-nakauwi na siya?" bigla namang buka ng bibig ko. Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. Okay. Babalik nalang ako sa kwarto.

"Yeah, do you like him?" bigla kong rinig kay Kian. "He's a badass, just letting you know." tapos nauna na siyang lumabas ng kusina.

Badass daw si Kevin? ang bait niya nga sakin eh, ang gentleman pa. Siya nga yata yung badass diyan eh. Wag niya ngang ipasa kay Kevin yung ugali niya!

DUMAAN na ang gabi at kasalukuyan kaming nakaupo sama-sama sa isang lamesa para kumain ng hapunan. Kasama namin ni Isaac si Mam Anna, si Kian at pati na yung bunsong anak ni mam na si Kiara. Balita ko nga close na agad sila ng kapatid ko eh.

"Mom, kailan uuwi si dad?" biglang tanong ni Kian sa mama niya habang hinahanda ng mga maids yung mga pagkain na kakainin namin.

Grabe, for the first time kami ni Isaac makakain ng ganitong karami at masasarap na pagkain!

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon