(7) Maid with love< Cindy's P.O.V. >
Sandaling tumingin ako sa asawa ni Mam Anna at ngumiti dito. Halos 'di ako makasubo sa pagkain lalo na't ramdam kong nakatingin sakin si Sir.
"Oh well Cindy, this is my husband, Jameson." pakilala ni Mam sakin dun sa asawa niya. "And honey, siya yung babaeng nagbalik sakin ng wallet kong may laman ng pera at miscellaneous cards. Kung hindi siya ang nakapulot, I'm sure nanakawin na yun ng iba at 'di na ibabalik sakin." natutuwa namang pagpapakilala ni Mam Anna sakin sa asawa niya.
Tiningnan ko ulit ang reaksyon nung asawa niya. Seryosong tumatango-tango lang ito.
"Pansin ko ding wala silang bahay na matitirhan, kaawa naman. So I brought them here para naman makaligo sila and napagdesisyon kong dito nalang muna sila mag-stay."
"Them? you mean marami sila?"
"No, hon, dalawa lang silang magkapatid. Alam ko namang mapagkakatiwalaan sila dito. Right, Cindy?" sabi ni Mam at niyakap niya ako sa balikat. Ngiti at tango lang ang naging sagot ko. Di ako makapagsalita dahil kinakabahan pa din kasi ako e.
Napatikhim si Sir Jameson bago nagsalita. "What do you want to do here, Cindy?" seryoso siyang nakatingin sakin.
Natigilan ako sandali.
"Ah.. nahihiya po ako sa inyo kung titira lang kami dito ng kapatid ko at walang gagawin.." napatingin ako isa isa sa kanilang tatlo. "Pwede naman po akong magtrabaho dito as a maid or kahit ano pong ipagawa niyo sakin! gagawin ko..."
Nilakasan ko na ang loob kong sabihin yun dahil kung aalis kami ng kapatid ko dito sa bahay ay mahihirapan lang siya sa labas. Sanay naman na ako pero ayokong maranasan ulit ng kapatid kong manirahan sa labas kung saan puro panglilimos lang ang ginagawa niya roon habang nagtatrabaho ako sa karinderya ni Aling Mimi. Mas mabuti nang ganito ang kalagayan namin dito ngayon.
"Deal." nagulat ako sa sinabi ng asawa ni Mam at tumayo na siya. "Magpapahinga na ako. Kayo nang bahala diyan." tapos umalis na siya.
"You don't need to do that Cindy." Sumunod naman agad si Mam Anna sa asawa niya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Hmmm.
"Pakiligpit nalang nito." biglang utos sakin ni Kian at umalis narin siya.
Napatingin ako sa plato niya at ang dami pang natirang pagkain.
"W-wait!" pigil ko sa kanya.
"What?"
"Di mo pa ubos yung kinakain mo ah, sayang naman kung itatapon." nanghihinayang kong sabi.
"Edi kainin mo, bigay mo sa aso, o bigay mo nalang sa mga pulubing katulad mo diyan sa labas." sabi niya at umalis na agad siya sa harap ko.
Ouch, ang sakit niya magsalita ah. Bakit ang highblood niya?
Kinain ko nalang yung maraming tira-tira niyang pagkain at muntik na akong atakihin sa puso nang makarinig ako ng malutong na mura.
"Seriously? kadiri ka!" si Kian, nakita niya ako. "I didn't expect na gusto mo ring ma-taste ang laway ko! kadiri."
Muntik ko nang maibuga yung pagkain na nasa bibig ko. May pa-OA react pa siyang parang nasusuka.
"Sa bagay, kayong mga pulubi ay mga pagpag lang kinakain niyo sa labas and now that you're living here in this big house, parang wala lang sayong kainin yung tira-tira ko. Dinala mo pa talaga dito ang kababuyan mo." hindi niya makapaniwalang tugon habang umiling-iling at parang naiinis siya sa pagtawa niya.
BINABASA MO ANG
The Pulubi Girl Living With The Rich Guy
Novela Juvenil(no description yet, basahin niyo nalang hehe)