(5) His jacket< Cindy's P.O.V. >
"Eto lang ba talaga ang bibilhin mo, Cindy?" tanong ni Mam Anna sakin habang papunta na kami ngayon sa cashier para mabayaran na tong lahat, at syempre nakasunod pa din si Kevin samin.
"Opo." sagot ko. Nahihiya na rin kasi akong dagdagan pa yung gagastusin ni Mam.
"Oh, you sure?" nag-aalinlangan pang tanong ni Mam habang tinitingnan yung mga napili ko. "Okay."
Inabot na ni Mam Anna lahat ng damit na napili namin para makapagbayad na.
Bigla naman akong hinatak ni Kevin papalayo kina Mam.
"Uuwi na ba kayo pagkatapos?" tanong niya.
"Uh.. di ko alam.. bakit?" kinakabahan kong sagot kay Kevin.
"I want to hang out with you tonight." Biglang dumoble yung kaba ko sa dibdib sa narinig ko. "Will you go out with me tonight, Cindy?"
H-hanudaw?.. "A..ano.. kasi bawal ako.. next time nalang.." bigla naman akong napatakip sa bibig ko. May next time akong sinabi!?
"Alright, next time. Bibilhan na din kita ng damit para sa date natin next time."
Gusto ko sanang bawiin yung sinabi ko! huhu, 'di ko ma-imagine na makikipagdate ako sa isang Kevin? i mean, gwapo, mayaman, mabango, matangkad, talaga? baka di ko kayanin.
❇▪❇▪❇▪❇▪❇
"Nakita ko na kasama mo tropa ko kanina." biglang usap sakin ni Kian ng nakasakay na kami sa van.
Napatango lang ako habang nakatingin pa din sa unahan. Naaalala ko pa din kasi yung nangyari kanina. Kung paano ako titigan ni Kevin habang tinanong niya ko nun..
"Anong pinag-uusapan niyo nun?"
Napapikit ako at napa-buntong hininga. Pinapaalala niya pa, hays.
"What's with that reaction? anong sinabi niya sayo?"
Bakit niya ba gustong malaman? privacy naman, oh.
"Nilandi ka ba nun ulit?"
Nilandi? baka nga nilalandi lang nga talaga ako ni Kevin pero feeling ko 'di naman. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko? ang puso ba o ang utak?
"Fvck!"
Bigla akong nagulat at napatingin agad kay Kian sa sigaw niya. Pati sina Isaac at Kiara napatigil sa paghaharutan at napatingin din sa kanya.
"Bakit ka nagmura?.. may mga bata.." sabi ko sa kanya.
"Cause you're not answering my questions!" nagulat ako sa biglang pag-sigaw niya.
"Kian! lower your voice!" biglang saway sa kanya ng mama niya. At nakarinig na naman ulit ako ng mura galing sa kanya pero mahina na.
"Pwede bang wag mo ng kausapin kahit sino sa mga tropa ko? wag mo na ding lapitan at kung posible wag ka na din magpakita sa kanila? lalong lalo na kay Kevin. Ayokong makikitang nakikipagkaibigan ka sa mga tropa ko." naiinis na paliwanag niya sabay takip ng jacket niya sa mukha niya at napasandal sa upuan.
Ang init talaga ng dugo niya sakin. Palibhasa rich kid siya at isang hamak na pulubi lang ako. Magbabago pa kaya tingin niya sakin?
❇▪❇▪❇▪❇▪❇
"...hell did you do with my jacket!?"
Bigla akong nagising ng may humawi ng ulo ko sa pagtulog ko.
"Baba na!" sigaw sakin ni Kian at napababa naman ako kaagad ng sasakyan.
Nakatulog pala ako sa biyahe..
"Cindy, help me carry all these shopping bags." rinig ko galing kay Mam Anna.
"Ay, okay po!" agad naman akong tumulong sa pagbibitbit ng mga pinamili namin papasok sa loob.
"Look what you did to my jacket." sabay pakita sakin ni Kian ng jacket niya ng nakapasok na ako sa loob. "May laway mo."
"Huh?".... sandaling nag-loading yung utak ko.
"You're drooling while you were asleep, god." sabi niya habang nandidiri niyang tinitingnan yung jacket niya na may laway ko daw..
"P-paanong-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang sumabat.
"Hinayaan kong sumandal ka sakin, tapos maglalaway ka lang pala habang natutulog?"
"A-ako?.." sabay turo ko sa sarili ko na parang 'di makapaniwalang natulog ako nang nakasandal sa kanya.
"Sino pa bang nakaupo sa likod? tayo lang diba?"
Oo nga! "Hala! sorry, sorry!" sabi ko agad ng medyo gumising na ang diwa ko. "Lalabhan ko nalang..." sabay kuha ko sa kanya nung jacket niya.
Napailing lang siya. "Kailangan ko yan bukas." sabi niya at umalis na siya sa harapan ko at pumasok na sa loob.
Hays.
❇▪❇▪❇▪❇▪❇
"Ate, kaninong jacket 'yang pinapatuyo mo?" tanong ni Isaac habang pinepwesto ko yung jacket na nakasampay sa upuan sa tapat ng electricfan. Tapos ko na kasi siyang labhan.
"Ah, kay kuya Kian mo." sagot ko sa kapatid ko at pinindot ko yung number 3 sa electricfan.
"Bakit mo pinapatuyo diyan?"
"Dapat matuyo 'to agad dahil kailangan niya na to bukas. Nalawayan ko kasi." sagot ko naman ulit at dumiretso na ng kama.
"Nilawayan mo, ate!? bakit?!"
"Shhhh, ang dami pang tanong oh. Kita ko close na kayo ni Kiara ah." pag-iiba ko ng topic.
"Hehe. Goodnight ate."
Pfft. Natahimik bigla? hmmm.
BINABASA MO ANG
The Pulubi Girl Living With The Rich Guy
Ficțiune adolescenți(no description yet, basahin niyo nalang hehe)