(6) Meeting Jameson Montenegro

438 15 0
                                    


(6) Meeting Jameson Montenegro

< Cindy's P.O.V. >

"Good morning po... tita." bati ko kay Mam Anna pagkasalubong ko sa kanya ng lumabas ako ng kwarto.

"Good morning Cindy."

Sinabayan ko si Mam Anna na bumaba ng hagdan..

"Aalis po ako.." bigla kong sabi.

Napatigil si Mam sa pagbaba ng hagdan at napalingon sakin. "Bakit ka aalis? saan ka pupunta?"

"May trabaho po kasi ako sa karinderya ni Aling Mimi.."

"Wag ka ng magtrabaho dun. Sa lunes ay ieenroll kita sa school ng anak ko." sabi niya at sinabayan ko na siya ulit sa pagbaba ng hagdan.

"P-pag-aaralin niyo po ako?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes. Sa monday ay mae-enroll kita." nakangiting sagot ni Mam sakin. "Ganun din ang kapatid mo."

"T-talaga po?? salamat po!..." hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya ngayon at maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko. "Pero po Mam gusto ko po sanang magpaalam muna sa pinagtatrabauhan kong karinderya bago ko po iyon itigil."

"Okay, sure. Eat your breakfast first. Gusto mo bang ipahatid na kita sa driver?" alok niya.

"Ay hindi na po, hehe. Salamat nalang po." sagot ko. "Alis na po ako, tita. Hindi naman po ako magtatagal."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na agad ako ng mansion.

At dahil nanirahan ako ng ilang taon sa kalsada, kabisado ko na ang daan ng buong lugar dito. Kaya 'di ako mahihirapang hanapin kung saan ang karinderya ni Aling Mimi.

*Beep*Beep*

Mas lalo pa akong gumilid sa daan ng bigla akong nakarinig ng busina.

*Beeeeep*Beep*

Aish.. ang ingay naman.. ang sakit sa tenga. Napatakip tuloy ako sa tenga.

"Cindy!"

Napalingon agad ako sa likod. "K-Kevin?" lumabas sa bibig ko ng makita ko siyang nakadungaw sa may bintana ng kotse niya. Bumaba naman agad siya ng kotse at nilapitan ako.

"Saan ka pupunta Cindy? ang aga pa ah." tanong niya agad.

"Ah.." hindi ako makapagsalita lalo na't bigla kong naalala ang sinabi ni Kian sakin na 'wag makipagkaibigan sa mga tropa niya. "Alis na ko." nagmmadali kong sabi at tumakbo na papalayo.

"Cindy! wait! hatid na kita!" rinig kong sigaw niya pero binilisan ko ang pagtakbo ko.

Ilang minuto lang ay may narinig na naman akong bumusina. Sighs.

"Cindy, hatid na kita." rinig ko pero hindi pa din ako tumigil sa pagtakbo.

"Cindy bakit mo ba ako tinatakbuhan?" rinig ko na naman habang nahahabol niya ako ng kotse niya. Pagod na akong tumakbo, whew. Wala din namang saysay kung magtatakbo padin ako dahil mahahabol pa din naman niya ako dahil may kotse siyang gamit, hays.

Pinagpatuloy ko nalang ang lakad ko ng hindi pa din lumilingon sa likod.

Maya-maya'y bigla nalang may humawak sa bewang ko at hinila ako paatras.. "Hala! Kevin?? bitawan mo ko!.."

"Bakit di mo 'ko pinapansin, Cindy?" pabulong niyang sabi habang hinihila niya ako papuntang kotse niya at ipinasok agad ako sa loob... oh, no..

Bababa na sana ako para tumakas pero napigilan niya agad ako sa braso ng nakapasok na siya sa driver's seat. Wala akong kawala.

"Cindy!" Bigla akong nagulat sa sigaw niya kaya halos di ko matuloy ang gagawin ko. "Will you please talk to me? now, look at me." dagdag niya pa.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.. Mukha akong ewan sa ginagawa kong 'to! kainis!

"Now, answer my question. Why did you do that?" kalmadong tanong niya at naghihintay ng sagot mula sakin.

"A-ayoko lang makaabala.." nasabi ko nalang.

"You're not a bother to me Cindy. Now, saan tayo pupunta?"

Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Sa karinderya lang ni Aling Mimi.."

Pinaandar na niya ang kotse niya at nanatili lang kaming tahimik sa loob.

Tinuro ko kung saan yung daan papunta dun sa karinderya hanggang sa narating na namin.

"Salamat" sabi ko sa kanya.

"You're always welcome, baby."

Pagkababa ko ng kotse niya ay bumaba din siya at sumunod sakin, hay.

"Tara kain tayo, libre ko." Kevin.

"Nakakain na ako." tipid kong sagot sa kanya at pumasok na sa loob. Nakita ko agad si Aling Mimi at nilapitan ko rin agad siya.

"A---"

"Oh, Cindy late ka ngayong araw ah. Ano pang tinatayo mo diyan? kilos na aba." sabi ni Aling Mimi at busyng-busy sa ginagawang pagpunas ng lamesa.

"Aling Mimi.. 'di ko na po ipagpapatuloy ang trabaho ko dito.. aalis na po ako." paalam ko.

"Ha? edi sige umalis ka." walang pakeng sabi niya sakin. Ganito talaga si aling Mimi, masungit at walang pakialam samin kaya sanay na rin ako sa kanya.

Wala na akong inaksayang oras at lumabas na agad ako sa maliit na karinderya ni Aling Mimi. Napatigil nalang ako sa paglalakad ng makita ko si Kevin na nakasandal sa kotse niya at parang may hinihintay... ako yata yung hinihintay, hay. Buti nalang at busy siya sa paggamit ng cellphone kaya nagawa ko pa siyang takasan.

❇▪❇▪❇▪❇▪❇

"Nandito na po ako tita---" hindi ko natuloy na sabi pagkapasok ko sa may pinto ng makitang may lalaking nakaupo sa sofa nila. "G-Good morning po.." bati ko sa kanya. Tinitigan lang ako ng lalaki ng nagtataka.

"Oh, Cindy, nandito kana pala. Nandun yung almusal mo sa dining room." biglang sulpot ni Mam Anna. Ngumiti muna ako sa lalaking nakaupo bago dumiretso ng sala.

Nadatnan ko namang kumakain din ng almusal si Kian sa lamesang mag-isa. Tinabihan ko siya at nagsimula na akong kumain.

Hindi pa ako nakakasubo ng pagkain ng bigla siyang nagtanong.

"Nakita ka niya?" walang mood na tanong niya.

"sino?"

"Dad."

Bigla akong kinabahan. Tatay niya pala yung nakaupo dun?..

"Ah, oo.." sabi ko at sumubo na ng pagkain.

"Anong sabe?"

"Wala naman." Hmmm, baka paalisin kami ni Isaac ng daddy niya. Tingin palang kanina nakakatakot na.

Bigla namang dumating si Mam Anna at yung asawa niya dito sa dining room. Kinabahan na tuloy ako ng todo.

"Hello Cindy, goodmorning 'nak." bati samin ni Mam Anna. "Makikisalo lang kami ng daddy sa inyong kumain ng almusal ha."

Umupo sa tabi ko si Mam Anna at umupo naman yung asawa niya sa tabi ni Kian. Napatungo lang ako, nahihiya na akong ipagpatuloy yung pagkain ko. . .

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon