(2) Living with the Montenegro's<Cindy's P.O.V. >
"Alright, we're here!" masayang sabi nung babae samin habang dinadrive niya yung kotse papasok sa gate nila at ginagarahe iyon.
Pagkababa namin sa kotse niya, napanganga kaming dalawa ng kapatid ko sa malaking bahay na nakatayo sa harapan namin.. hindi ko na ilalarawan basta ang ganda niya!
Pinagtinginan naman kaming dalawa ng kapatid ko ng dalawang maid na ngayon ay papasok na dun sa bahay.
"Let's go sa loob." nakangiting yaya samin nung babae at dahil nandito na rin kami ni Isaac, edi hindi na kami nagpapilit at pumasok nalang sa loob.
Sumalubong samin yung mga malalaking hagdan sa magkabilaan kung saan kita mula dito sa baba ang second floor nila na may magkakahiwalay na pinto.
"Wow ate, ang laki.." bulong sakin nung kapatid ko at napatango lang ako. "tsaka ang lamig.."
"I think, maligo muna kayo." mahinahong sabi nung babae samin.
"Yaya Maritess, dalhin mo muna 'to sa cr." utos niya bigla sa isang maid nila at ihiniwalay sakin si Isaac. "Bigyan mo sya ng mga napanliitang damit ni Kian."
K-Kian? anak niya ba yun? hindi halatang may anak na siya, hmmm.
"And you, sumama ka sakin. Doon kana sa kabilang room maligo. May Cr dun and I'll give you also a dress to wear." sabi niya sakin kaya napasama nalang ako paakyat sa ikalawang palapag nila kahit sobrang nahihiya na ko.
Pagkapasok ko sa isang room, napanganga ako ng bumungad sakin yung iba't-ibang klase ng damit na naka-hanger at mga sapatos at heels na nakalagay sa isang malaking shelf.
"This is my wardrobe. And there," sabay turo niya sa pinto sa may gilid. "yung cr, so pwede ka ng maligo at ihahanap pa kita ng damit na masusuot."
Napalunok nalang ako at dahan-dahang pumasok sa loob ng cr para maligo. Hindi ko maintindihan at di rin ako makapaniwala sa pinapagawa niya sakin.. Isa lang masasabi ko sa kanya, ang bait niya!
Pagkatapos ko namang maligo ay sumaya ang pakiramdam ko—hindi na ako mabaho! ang linis ko na, yey! hehe. Nakakamiss yung ganitong pakiramdam!
Nakatapis lang akong lumabas ng banyo at nahihiya pang lumapit dun sa babae.
Nang napalingon siya sakin ay binigyan niya ako ng napakalawak na ngiti at pinapunta sa kanya.
"What do you want to wear?" ngiting ngiti na tanong niya sakin.
Napa aeiou nalang ako sa mga pinakita niyang limang damit. Hindi ako makapili dahil ang gaganda nung mga dress!
"S-sa inyo po ba 'to?.." curious kong tanong at napanganga ako ng malamang sa kanya nga 'tong mga damit.
Sa bagay, ang slim niya kaya kasya sakin lahat ng damit niya. *blink blink*
At dahil ang tagal kong magdesisyon kung ano ang susuotin ko, siya na tuloy yung pumili.
At ngayon, pinasuot niya ako ng sleeveless dress na kulay yellow.
"I can't believe this. Hindi ka mukhang—I mean, you look pretty 'pag nakaayos ka." natawa lang ako ng kaunti sa pinuri niya sakin. Pero hindi ako sanay magsuot ng sleeveless..
"N-Nakakahiya po.." nahihiya kong sabi habang tinitingnan ang sarili ko sa malaking salamin. Napapangiti nalang ako.
"Hindi ka lang sanay." nakangiti niyang sabi at niyaya niya na akong bumaba na para kumain.
Pababa palang ako sa hagdan ay nakita ko na ang kapatid kong sinusuklayan ng isang maid. Ang pogi talaga ng kapatid ko, hehe. Napatawa ako ng konti ng mapansing medyo malaki sa kanya ang suot niyang damit.
"Yaya, prepare some food." utos ulit nung babae sa isang maid at dali-dali naman 'tong pumuntang kusina.
Pinaupo niya muna kami sa isang sofa atsaka hinarap kami.
"Nasaan ang magulang niyo?" nagulat kaming dalawa ni Isaac ng biglang tanungin 'yon..
Napalunok ako bago nagsalita. "Wala na po sila.."
"Oh, I'm sorry." sabi niya habang tinitingnan kaming dalawa. "By the way, call me Tita Anna. What's your name?" tanong niya kay Isaac.
"Isaac po."
"Oh, nice. And you?" baling naman niya sakin.
"Cindy po." sagot ko ng nakangiti.
"Cute name." puri niya sa pangalan ko. "Ilang taon na kayong dalawa?"
"Siya po, 13. At 19 na po ako."
"Mam, handa na po yung pagkain." biglang singit ng isang yaya nila.
"Oh, handa na raw yung pagkain. Tara?" at pinapunta na kami ni Mam Anna sa lamesa.
Habang pinapakain kami ni Mam Anna ay kinausap niya kami tungkol sa naging buhay namin ng kapatid ko sa labas at kung anong hirap ang dinanas namin nung nawala ang magulang namin.
17 years old ako noon at 11 years old si Isaac ng nalaman naming naaksidente si tatay sa sinasakyan niyang bus pauwi galing trabaho at isa siya sa hindi maswerteng naligtas.. Simula ng malaman ni mama ang tungkol sa nangyari kay papa ay lagi nalang siyang nakatulala at parati naming naririnig sa kanya na sinasabi niyang wala na si papa. Alam kong masakit sa parte namin yun pero hindi niya talaga tanggap ang nangyari kay papa. Halos hindi na rin siya nakakakain ng maayos hanggang sa natuluyan siya at bigla nalang natulog ng tuluyan ng hindi man lang nagpapaalam samin. Nang mawala si mama ay napaalis kami sa inuupahan naming apartment pero naglakas-loob akong sabihin na magtatrabaho ako para may maipambayad sa upa basta ba'y bigyan lang kami ng isang linggong paninirahan dito. Tinawanan lang ako at pinaalis na sa apartment na 'yon. Kaya wala na kaming magawa ng kapatid ko kundi matulog nalang sa labas at kahit ganun ay tuloy pa din ang buhay.
"Minsan nga po, naiinis ako kay mama.." medyo naluluha kong sinasabi iyon. "Kasi.. hindi man lang kami inalala nung mga panahong 'yon at ang tanging laman ng isip niya ay ang pagkawala ni papa.."
"Pinabayaan nalang kami ni mama. 'Di niya iniisip na kung wala na siya, pano na kami?" naiiyak namang sabi ni Isaac at nagpupunas na ng luha.
Hinagod naman bigla ni Mam Anna yung likod ni Isaac. "I see.. shh, tama na iyak." tahan niya kay Isaac. "At dahil sa tingin ko'y mapagkakatiwalaan naman kayo, i'll let you two stay in this house."
"A-ano po!?" gulat na gulat kong tanong habang napatigil lang sa pag-iiyak si Isaac at nakatingin lang din kay Mam Anna.
"I said, pwede muna kayo dito tumira." nakangiting sabi saamin ni mam.
Nakita ko naman ang biglang paggalaw ng isang daliri ni Isaac sa loob ng tenga niya.
Napatawa si Mam. "I'm serious."
"S-salamat po.." nag-aalangang sabi ko at napalingon ako sa may likod ko ng nakita kong may tinitingnan doon si Mam Anna..
Pagkalingon ko..
"Mom?" nagtatakang nakatingin ang isang binatang lalaki sa aming tatlo.
BINABASA MO ANG
The Pulubi Girl Living With The Rich Guy
Ficção Adolescente(no description yet, basahin niyo nalang hehe)