(11) Not/Wanting to be with him
< Cindy's P.O.V. >
First day na namin ni Isaac ngayong papasok ng school. Sabi ni Mam Anna naenrolled niya na raw kami at papasok nalang kami. Fourth year highschool pa rin ako dahil yun yung last na natigil ako sa pag-aaral. College na rin sana ako kasabayan si Kian na second year college ngayon kung napagpatuloy ko lang ang pag-aaral ko noon, buti nalang. Pero parehas lang kami ng school na papasukan ni Kian.. May mga highschool students kasi yung pinapasukan niya.
Si Kiara ay homeschooled lang pala kaya ganun na din ang ginawa kay Isaac. Gusto lang raw ni Kiara na sa bahay lang mag-aral at pag nagcollege na ay tsaka na raw siya makikisalamuha sa ibang tao. Hmmm.
"Tsk! pati ba naman sa papasukan ko kasama ko siya!?" narinig kong reklamo ni Kian kay Mam Anna habang pababa ako ng hagdan. Ang aga aga hinahigh blood na naman sakin si Kian, huhu.
Pumunta nalang ako sa kanila at bigla akong nilapitan ni Mam Anna pagkakita sakin.
"Wow, Cindy! you look so good in that uniform!" puri sakin ni Mam habang nakahawak sa kamay ko. Napangiti lang ako.
"Kyaaah! sister! You're so pretty!" sabi naman ni Kiara at niyakap ko lang siya nang nakangiti sabay sabing "Salamat."
Napatingin naman ako kay Isaac na nakangiti sakin at si si Kian naman masama ang tingin sakin. Hays. Pwede naman akong mag-commute kung ayaw niya ako makasabay pumasok.
Medyo kinakabahan na naeexcite akong pumasok ngayon. Whew, ano kayang mangyayari sa unang araw ko?
"Sir Kian, si Kevin po nasa labas." sabi nung isang katulong nila.
"What!?" halos nabingi naman ako sa pagkaka-what niya. Napalagay tuloy ng kamay sila Kiara at Isaac sa may tenga nila.
"Oh! papasukin niyo! Talagang sinabihan ko si Kevin na pumunta dito para masabay si Cindy." nakangiti namang sabi ni Mam Anna at biglang kumabog yung dibdib ko habang pinipigilan ang sarili kong 'di mapangiti. S-Seryoso ba si Mam??
"The fvck!?" biglang mura naman ni Kian at 'di siya makapaniwala sa sinabi ni Mam Anna. Kahit ako rin!
"Kian! lower your voice!" saway sa kanya ni Mam.
Ano kayang naisipan ni Mam Anna't gusto niya akong pasabayin kay Kevin? hehe. Napatampal ulit ako sa pisngi ko. Nang-iinit kasi ulit!
"Bye, Cindy. Nandiyan na pala ang sundo mo." paalam ni Mam at kumaway kaway pa samin nang papalapit ako kay Kevin. Ganun din si Isaac pero si Kiara ay nakatingin lang samin.
"Bye po, tita!" paalam ni Kevin sa kanila at biglang hinawakan ang kamay ko..
"You're gorgeous." puri sakin ni Kevin nang marating namin yung school na papasukan namin. Siya rin naman gwapo, hehe.
Hinawakan niya ulit ako sa kamay. "Are you okay with this, Cindy?" tanong niya.
"N-Na alin?.." hindi ko pa siguradong tanong.
"Na ka-holding hands mo 'ko." sabi niya sabay pakita nung killer smile! aaaaaa.
Hindi na ako nakasagot. Alam niya naman sigurong okay lang sakin kasi 'di ko naman inaalis pagkakahawak niya sa kamay ko. Nahihiya lang talaga akong sabihin yung "Oo".
"Patingin ako ng schedule mo." Inabot ko naman agad sa kanya at binalik niya din agad sakin pagkatapos niyang makita. "You're in room 357, I'll pick you up there mamayang break time."
BINABASA MO ANG
The Pulubi Girl Living With The Rich Guy
Подростковая литература(no description yet, basahin niyo nalang hehe)