(9) Unexpected Invitation

416 13 0
                                    


(9) Unexpected invitation

< Cindy's P.O.V. >

Nagulat ako nang pagkagising ko, buhat buhat na ako ni Kian papasok sa mansion nila. Bigla tuloy bumilis yung kabog ng puso ko.

Napansin ko naman na halos lahat ng madaanan naming katulong ay parang gulat na gulat sa nakikita nila samin. Magtutulog-tulugan nalang muna siguro ako?

Naramdaman kong paakyat na kami sa hagdan atsaka narinig kong may binuksan syang pinto.

"Woah! kuya! why are you carrying her? what happened to sister?!"

Didilat sana ako nang marinig ko yung boses ni Kiara pero salamat at napigilan ko.

"She's drunk."

Hala ano raw!?.. "Huy hindi ah!" di ko napigilang react ko.

"Wow, you're awake!?" gulat nyang tanong sabay bitaw niya sa pagkakabuhat sakin. Napatayo naman ako agad at nabigla din ako sa ginawa ko. "Since when? hinayaan mo kong buhatin ka papunta dito sa room nyo??"

Rinig ko yung pagkainis ng boses ni Kian.. hindi ko alam ang isasagot ko!

"Wow.. Alam mo bang napilitan lang akong buhatin ka papunta dito sa room nyo because I don't want to leave any prints of pulubi in my car?? tapos gising ka pala.. pinahirapan mo pa ko." masungit na pagkakasabi nya.

Hindi ko parin alam ang isasagot ko kaya nanatili nalang akong nakatahimik.

"Kuya! don't be rude to her.." pagtatanggol naman sakin ng kapatid nya at lumabas na rin agad sya ng kwarto. "Sister, sorry about kuya ha." baling sakin ni Kiara.

Napaupo ako may double deck bed. "Okay lang yun. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit nagalit kuya mo eh.."

"Yeah but why you didn't tell kuya na you're awake pala?"

"Uhhh..." Hindi ako makasagot. 'di ko kasi alam kung bakit eh. >_<

"Do you like kuya Kian?"

"Uy hindi ah! wala akong gusto sa kuya mo, promise!" todo tanggi ko naman.

"Aw.. but I want you to like him! I want you to be my brother's girlfriend.." nalulungkot na sabi niya at binalik nya na yung atensyon niya sa nilalaro nila ng kapatid ko na si Isaac. Tahimik lang na nakatitig sakin yung kapatid ko pero di ko nalang yun pinansin at humiga nalang sa may kama para makapagpahinga.

Bakit gusto ni Kiara na maging girlfriend ako ng kuya nya?.. Hmmm.. kahit naman gustuhin ni Kiara, hindi naman mangyayari yun kung di naman gusto ng kuya niya eh. Tsaka ako rin! di ko gustong maging girlfriend ni Kian 'no! Sana si Kiara at si Isaac nalang ang magkatuluyan at alam kong mas posibleng mangyari yun!

~~~~

"Cindy? wake up." Sinusubukan kong idilat ang mga mata ko nang marinig ko yung boses ni Mam Anna. "Kakain na tayo ng lunch and I have a good news for you and Isaac."

Bumangon na ako pero medyo hindi ko pa rin maidilat ng maayos yung mata ko. "Sige po, susunod na po ako.. maghihilamos lang po."

"Alright, nasa baba na kaming lahat. Ikaw nalang hinihintay." sabi ni Mam at lumabas na sya ng kwarto.

Dumiretso muna akong cr atsaka naghilamos, nagsuklay at nagpalit ng damit. Suot-suot ko pa din kasi yung dress na ginamit ko nung party kahapon, di pala ako nakapagpalit.. Bumaba na rin agad ako pagkatapos.

Naabutan kong nilalagay na nung mga maids yung mga putahe sa lamesa at nandun na rin nakaupo ang buong pamilya ni Kian kasama na si Isaac.

Napaupo na ako sa tabi ni Isaac at kaharap ko ngayon si Kian. Mukhang kagigising lang din ni Kian mula sa pagpapahinga.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon