(25) Why?< Cindy's POV >
Nagising ako ng alas-kwatro ng madaling araw at naligo agad at nagbihis ng uniporme.
Pagkababa ko sa kusina, nadatnan ko palang yung mga katulong na naghahanda ng mga ingredients para sa mga lulutuin nila.
Nadatnan ko rin naman si Mam Anna na umiinom ng kape habang nakatuon ang pansin sa hawak niyang tablet. Hmm..
"Magandang umaga po." bati ko sa kanya at gulat siyang napatingin sakin.
"Morning!" masigla niyang bati pabalik sakin. "Ang aga pa, Cindy. Did you sleep well?" Hindi.
"Opo." pagsisinungaling ko. Tumango nalang ako at sinamahan siya sa lamesa. "May gagawin po kasi ako kaya maaga akong papasok.."
Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Mam Anna na nale-late ako sa klase kaya inaagahan ko na ngayon.
"Okay. Do you want some coffee? milk? hot choco? ipagpapatimpla kita kay yaya Fely." alok niya.
"Uhm, ako na po gagawa." nahihiya kong tanggi dahil kaya ko naman.
"Nooo. Just sit there and rest yourself. Ipapatimpla nalang kita ng hot chocolate." pigil niya sakin at tinawag na agad yung isang yaya para pagtimplahan ako non.
Hays. Ang swerte nila Kian at Kiara sa magulang at buhay pa sila..
At nung saktong pag-abot sakin nung isang yaya nila ng isang tasa ng hot chocolate ay ang pagdating ni Kian dito.
Nakaligo na siya at nagpupunas ng basang buhok sa hawak niyang towel. Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya pagkakita sakin, hays.
"Kian, ang aga pa bakit ganyan mukha mo?" pansin ni Mam Anna sa kanya.
Ayan! sinita tuloy siya ng mommy niya.
"Tss, napaisip lang ako saglit kung bakit ang aga ni Cindy magising." napalitan naman ng ngisi yung mukha niyang nakakunot ang noo kanina.
Sinabi ko nga pala sa kanya na na-late ako sa first subject namin kahapon.. Wag niyang sabihing may balak siyang sabihin kay Mam Anna na na-late ako sa klase!
" Oh, yes. She said na may gagawin daw siya sa school kaya maaga siyang papasok." sabi ni Mam Anna. Ehem.
"Heh, really?" di makapaniwalang tugon niya na may nakakalokong ngiti.
"Sa totoo nga po eh baka ma-late din po ako ng uwi." singit ko nalang sa kanila baka kung ano pang sabihin ni Kian sakin.
"Tsss." Kian.
"Why?.. but that's good dahil nagpaalam ka. Just be safe and contact me or Philip or just Kian to drive you home, okay?"
Tumango naman ako. "Sige po. May DOCUMENTATION po kasi kaming gagawin." may diin sa pagkakasabi ko sa documentation. Parinig ko lang kay Kian dahil totoo naman ang sinasabi ko. Nakita ko ulit ang pagdilim ng mukha ni Kian psh pumanget sana siya.
"A'ight, good luck with that. Kumain kana para makapasok ka na sa school. May sandwich and spread diyan sa ref." sabi ni mam kaya kinuha ko nalang agad yung sinasabi niya sa ref para makapagsimula nang kumain.
Si Kian naman ay umalis dito sa may hapag-kainan at sa tingin ko ay bumalik sa may second floor sa may kwarto niya.
At pagkatapos ko namang kumain ay nagpaalam na rin agad ako kay Mam Anna umalis.
BINABASA MO ANG
The Pulubi Girl Living With The Rich Guy
Teen Fiction(no description yet, basahin niyo nalang hehe)