(31) Ramen incident
< Kian's P.O.V. >
Tsss. She's with her phone again, smiling.
"Kuya Kian! I wonder why I notice you everytime that you're always mad looking to ate Cindy?" biglang usap nitong kapatid kong si Kiara.
"I just get easily annoyed by her actions." simpleng sagot ko sa kanya and then Cindy looked at me emotionless like she don't give a fvck to what I just said about her.
"Bakit ayaw na ayaw mo sa ate ko?" singit nitong little brother ni Cindy. "Wala naman siyang ginagawang masama."
Heh, you know nothing, little guy.
"Well, the more you hate the more you love!" Kiara.
Tss, at saan naman natutunan ng kapatid ko ang mga ganyan?
"Be nice to Cindy, Kian. Aalis na sila dito sa thursday." sabi ni Mom. Heh, She don't have an idea that I'm trying to be good to Cindy pero pakipot lang kasi siyang babae. "And also her birthday." Natigilan ako sandali.
What!?
"Birthday din ni Cindy sa thursday so before they left we're going to celebrate her birthday–surely on wednesday." she added.
"M-Mam Anna!" biglang react ni Cindy. "S-Salamat po.." nakatungo niya pang sabi na parang nahihiya. Heh, nakaramdam pa siya ng hiya niyan? sobra sobra na nga binibigay sa kanya ni mom since day one.
"Oh, advance happy birthday nalang, Cindy. But I can't attend to your celebration. Alam mo namang may class ako that day." cool kong sabi as I'm waiting for her reaction.
Napatingin naman ako bigla kay mom nang bigla siyang sumabat. "Pwede ka namang umabsent, Kian."
"No." I insists.
"Bakit ayaw mo?" pagmimilit ni mom, tsk.
"We have a quiz that day. I'm available on thursday though."
< Cindy's P.O.V >
Nakatingin lang ako sa sagutan nilang mag-ina. Hays. Wag nalang sana pilitin ang anak niya kung ayaw. Edi wag niya.
"Fine, then I'll just invite Kevin." sabi ni Mam Anna sa kanya. Napatingin naman agad ako kay Kian.
"What!? he's my classmate and he won't be available that time too." rinig ko na ang inis sa boses ni Kian. Yung totoo, may tinatagong inis ba siya kay Kevin?
"You're not him to answer my invitation, Kian." sabay baling ni Mam Anna sakin nang nakangiti at sumubo ng pagkain niya.
Napatungo ako sa hiya. Mukhang nahalata yata ni Mam Anna na may gusto ako kay Kevin noon.. kaso nga lang wala na akong gusto doon ngayon.
"Tsss, whatever. Have fun and enjoy then." bad mood na naman si Kian. Hays.
Pinagpatuloy na namin ang pag kain ng almusal at maya maya naman pagkatapos ay kasabay kong umakyat si Isaac sa second floor papunta ng mga kwarto namin.
"Ate, bakit ganun si kuya Kian?" bigla niyang tanong bago ko siya lagpasan papuntang kwarto.
"Paanong ganun?" paninigurado ko.
"Ate kasi parang lagi nalang siyang bad mood kapag nandiyan ka. Bakit ganun? may ginawa ka bang masama sa kanya?" pagtataka niya.
"Ahh.. ganun lang talaga yun." natatawang sagot ko. Ganun lang talaga yun na masama ang ugali, parang iyon ang gusto kong sabihin.
"Hindi, ate. Kapag wala ka naman dito at madalas na nandito si kuya Kian, hindi naman siya ganun.. Kapag lang talaga nandiyan ka, pansin ko talaga na parang galit siya sayo?"
BINABASA MO ANG
The Pulubi Girl Living With The Rich Guy
Novela Juvenil(no description yet, basahin niyo nalang hehe)