Abala ako sa pakikipagchat kay Minerva ng may isang "Friend Request" ang dumating sa akin. Hindi ko kaagad ini-accept kasi titingnan ko muna ang profile. Mutual Friend siya ni Minerva kaya ini-accept ko na.
Maya maya bigla na lang ito nagchat sa akin. Kilala niya daw ako sa mukha kasi lagi niya raw ako nakikita sa school. Syempre natakot ako pero nawala yun ng biglang ini-inform ni Minerva na kaklase niya ito noon.
Sinabi pa nito na dun niya ako unang nakita ng nagmamadali raw ako sa paglalakad at nakahara sila ng barkada niya sa hallway narinig niya daw ang bulong ko.
"Padaan naman. Ang dami niyong bara."
At dahil doon naalala ko yung araw na yun kaso hindi ko naman mga tanda pagmumukha ng mga yun at wala ring profile picture itong si Matthew. Matthew pangalan niya, ang pangalang noon ko pa ninanais magkaroon ng kakilala na dahil sa kanya natupad.
-
Hindi ko kinuha ang number niya total hindi naman niya kinuha ang number ko. Pero tuwing chinachat niya ako na nakikita niya raw ako. Natutuwa ako, kasi hindi ko siya kilala. Sinabi ko rin sa kanyang huwag niya akong tatawagin kapag nakita niya ako. Hayaan niya akong makakilala sa kanya.
Isang araw habang pauwi ako mag-isa. Lahat kasi ng barkada ko nagboboarding house. Kaya mag-isa ako. Sumakay na ako ng jeep. Habang nakasalpak sa tenga ko yung headset ko. Napatingin ako sa lalaking katapat ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam kong nakatingin siya. Hanggang sa...
'
Ngumiti siya sa akin. Napangiti na lang rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pamilyar siya kahit di ko siya kilala.
"Hi Rhiana..." bati niya sa akin
Inalis ko yung isang headset sa tenga ko na may gulat factor. "Matthew?"
Nagulat ako kasi hindi siya yung tipo ng taong magugustuhan ko. Pero siya yung tipong magugustuhan ng lahat ng babae dahilan para maging ayoko.
-THE END