Lahat ng babae nagkakagulo habang kumakanta yung lalaking si Marcello Naguid na feel na feel naman. Feeling niya sobrang hot na sobrang gwapo na sobrang cute niya.
"SHIT! Sino yun?"
Nagulat ako sa katabi kong si Natasha. "Hoy Avon! Wag mong sabihing crush mo yung kumakanta?"
"Danelane, alam ko man hater ka. Pero kailangan kong malaman pangalan niya."
"Marcello Naguid, taking Civil Engineering third year college section CE-3202 and well nakatira siya sa isang subdivision kung saan malapit lang sa amin bagong bahay."
"Umamin ka? Stalker ka niya?"
"Nakalista lang naman siya sa blacklist ko."
"MAY NAKARAAN KAYO!?!"
Nagulat naman yung mga kaklase naming katabi namin sa pagsigaw nitong si Natasha aka Avon.
"Sigaw pa. Well second year high school ako nun nung makilala ko siya then wala namang relasyong nabuo dun kaso he hurt my feelings at hindi ko mapapalampas yun."
"Well maswerte ka pa din, look ang gwapo oh.""Well di naman siya gwapo mula pa noon. Mukha siyang tingting noon."
"Wait sabihin mo muna kasi sa akin yung kwento para pumanget siya ng konti sa paningin ko."
"Nagsimula ang lahat sa Tetris Battle. Diba kapag 2P may nakakalaban kang FB User. Ewan ko at iminessage niya sa akin yung printscreen ng laban namin. Out of my mind ini-add ko siya. Then ayun lagi kaming naglalaban ng Tetris then isang araw nag-meet kami at kakantahan niya daw ako ng live hindi yung sa phone lang. Then ayun halata sa mukha niya pagkadismaya niya. Isang matabang babae ba naman bubulaga sa kanya. Eh sa cute kong yun! Hindi lang yun, binalock niya ako sa FB at ang isa pa biglang nag-out of coverage number niya."
"Ehh? Bwisit siya! Feelingero!"
"See? Diba nakakasuklam siya? Okay lang if bigla niya akong binalewala. Pero yung ginawa niya? Hindi makatao." Yung mga mata ni Natasha halatang lalamunin niya ng buhay si Marcello.
"Bwisit siya. Bakit ngayon mo lang nakwento!"
"Eh ngayon mo lang siya nakita eh. Ngayon ko lang na-open sayo."
-
The day past pareho ng Building at Floor sina Marcello at Danelane. Kaya hindi maiwasang titigan ni Danelane si Marcello sa tuwing dadaan ito sa harapan niya kaya hindi rin maiwasan magkatinginan sila. Ngumingiti ito sa kanya pero nakatingin lang siya dito walang reaksyon saka iiwas ng tingin na mukhang walang nakita.
iLang araw pa ang lumipas. Isang fried request ang nagbigay ng malaking ngiti kay Danelane. Kaagad niyang ini-accept si Marcello. Naging followers niya ito at higit sa lahat likers. Hindi naman siya minemessage nito, yun lang hinihintay niya. Hanggang isang araw nagtext na ito sa number niya. Matagal na siyang may number ni Marcello.
Pero ang ikanatuwa niya. Nagpakilala agad ito sa unang text. "Hi Ms. Mariano, I know u know me, Im Marcello Naguid." Simula nang araw na yun palage na silang nagkakatext minsan tinatawagan siya nito.
Lagi niya itong tinatarayan. Ini-irapan pa niya ito tuwing magkikita sila. Pero mukhang tuwang-tuwa pa ito sa ginagawa niya. Minsan bigla na lang siya nitong bibigyan ng pagkain. Kaya maraming tsumitsika sa kanya. Ano daw niya si Marcello. "PINSAN KO." lagi niyang sagot
"Umamin ka crush mo na? Mahal mo?"
"Ha?"
"Alam mo, the more you hate the more you love."
"Sira ka! Yae na siya!"
"Nililigawan ka ba?"
"Hindi. Ewan ko nga ba. Baka gusto ako mafall sa kanya asa naman siya."
"Baka gusto ka? Tapos nahihiya lang umamin."
"Sa tingin mo?"
"Uyyyyyyy? Mahal mo?"
"Ang sira mo! Asikasuhin mo yang Avon Business mo. Hindi yung business ko."
"Malandi ka, baka mamaya ikaw na naman masaktan. Aba girl wag tanga."
"ASA KA!"
Galit nararamdaman niya dito pero mula nung magkasabay sila palage sa pag-uwi sakay ng sasakyan nito bakit parang lahat yun unti-unting naglalaho.
"Bakit first year ka lang ngayon?"
"Ha?"
"Diba dapat second year ka na?"
"Bakit mo alam? Ahh dahil sa age ko?"
"Nope. I know you since we met."
"Ha?"
"Madelene? Right? Ma. Danelane A. Mariano?"
"Bakit mo... Paano mo nalaman?"
"I don't know. Basta ko na lang nalaman."
Hindi na umimik si Danelane. "Bakit ka tumahimik?"
"Wala naman dapat sabihin."
"Sorry."
"For what?"
"Sorry noon kaya nga bumabawi ako ngayon di mo ba ramdam?"
"I see..."
"Hihingi sana ako ng tawad sayo, kasi yung mga tingin mo sa akin mukhang may galit ka talaga. Pati nga mga trupa ko noon nagtataka sa tingin mo. Ano daw ginawa ko sayo. Then ayun lagi kang nakatatak sa isip ko. Pinagtanong kita tapos eto na nga tayo nakakausap na kita. Ang totoo niyan hiyang hiya ako sayo."
Biglang naluha si Danelane. "Magaan pala sa pakiramdam kapag nagsorry sayo yung kinagagalitan mong tao."
"So, mapapatawad mo ba ako sa ginawa ko noon? Oo inaamin ko, inaamin ko yung katangahan ko noon."
"Binalock mo nga ako noon?"
"Ewan nga ba? Di ko din alam. Pero after naman nun inalis kita sa blocklist ko. Then ayun nga di na kita masearch. Tapos kinontak ko yung numero mo. Out of coverage na."
"Nakakahiyang aminin dahil maaga akong lumandi tumaba ako dahil sa isang lalaki pero pumayat din naman ako dahil sa isang lalaki. Thank you na rin kasi ginalit mo ako noon dahilan para tumigil ako at magpapayat."
"Really?"
"Only child ako. Okay lang bang maging kuya kita?"
"So okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?"
"Kunti na lang?" tapos isang masayahing ngiti ang nangibabaw sa labi ni Danelane
Walang nagbago kay Danelane. Tintarayan pa rin ni Danelane si Marcello. Naging mas kuya naman ang kilos ni Marcello kay Danelane. Minsan nagiging mabait na at sweet si Danelane in public. Isang araw dinalhan siya ni Marcello ng isang buong Pizza Pie at isang Mango shake.
"Nandyan na manliligaw mo." saad ni Natasha
Agad tumingin si Danelane sa itinuturo ng nguso ni Natasha.
"Woooh? Akin to? Lahat?"
"Ubusin mo yan ha, payatot."
"Ang taba ko na nga, lagi mo na akong pinakain."
"Asan ang akin? Naku dapat pati kaibigan nililigawan ha." singit ni Natasha
"Sa susunod, di kasi kita naiisip si Madelene lang lagi ko naiisip."
Tumayo na si Danelane at pinatalikod si Marcello. "Okay na sige na alis na." At pasimpleng tinutulak palabas ng room nila. "Thank you kuya, love you." sabay sara ng pintuan
-
Hanggang sa naging isa sila sa sikat na Campus Couples.