FRIENDS FOREVER (SANSAN & CEDRIC)

26 0 0
                                    

Lumabas ako ng bakeshop. Kasi tumawag si Syharvey ang makulit na kinuha akong model. May surprise daw siya sa akin.

"Oh sige bhe. Sige ingat ka diyan. Thank You." inilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko.

"Tourism ka diba?"

"HA?" nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nakanganga pa ata ako dahil sa shock.

"Kamusta ka na Sansan? Tanda mo pa ba ako?" ngumiti siya at dahil dun may after shock pa pala.

"I-ikaw? Ikaw nga? Si Ced-cedric?"

"Wow so naaalala mo pa nga ako. Good to know. After 2years kilala at natatandaan mo pa din ako."

"Pa-paano? Paano mo ko nasundan dito? Paano mo nalaman? Paano nga?"

"May kilala ka bang Syharvey Manansala? His my cousin, at dahil sa kanya nalaman kong magkakilala kayo."

"So, destiny? Nakakatuwa naman.  Hindi ko alam na kilala mo pala ang baklang yun. Ito pala surprise niya? Kailan mo lang nalaman?"

"Sa totoo niyan, kahapon lang. Kahapon ko na sana gustong pumunta dito. Kaso may something na nangyari kaya heto ngayon ako nagpunta."

"Ha? Wala ka pa ring girl friend?"

"Ha?"

"I mean, bakit kailangan mo pa ako makita? Baka magalit GF mo?"

"May isa kasi akong matagal ng hinahanap. Kaso hindi ko alam paano ko mahahanap. Tunay niyang pangalan hindi ko alam."

"Ah ganun."

"Ikaw yun Sandra."

"Ha? Eh alam mo nga pangalan ko eh. Sandra."

"Syempre kahapon ko nga lang nalaman diba? So hindi mo ba ako papasukin sa bakeshop mo? Hindi mo man lang ba ako patitikimin ng specialties mo?"

"Ay sige pasok ka."

Lahat na ata ng nasa shop ko, tinikman niya. Nagkakwentuhan kami, nagtawanan. At bago siya umalis. May iiwan siyang isang malaking kahon. As in malaki talaga. Washing machine ata ang laman nito. Eh ang gaan gaan naman. Siguro tama ang hinala kong bomba to.

"Sigurado ka ha? Hindi to bomba?"

"Promise, bomba nga yan. Pero kakaibang bomba."

"Itatapon ko to."

"Hoy wag. Ang tagal ko na niyan gusto ibigay sayo. Saka sa bahay mo na buksan."

"Talagang gusto mo ako lang mamatay?"

"Luka ka talaga. Sige alis na ako."

"Hoy mag-iingat ka ha."

"I will."

-

"HAHAHAHAHAHAHAHA" seseryoso biglang tatawa "HAHAHAAHAH" baliw na ata ako. Tapos ngayon naiiyak ako. Oo umiiyak naman ako. Bakit ganito ang laman?

"Hoy! PLANO MO BA ITO HA? ANG SWEET MO! SIGURADO KA BANG SIYA NA? BAKA IWAN NIYA RIN AKO HA!" tapos yun binato ko ng unan ang picture niya sa pader. Limang taon na lumipas simula ng iniwan niya ako, sa kanya lang ako humihingi ng sign pagdating sa lalaki. Siya si Francis, ang boyfriend kong napakabait kaya isinama na ni God sa paradise.

Hawak ko ngayon ang laman ng malaking kahon na kung saan pinahirapan pa ako sa pagbubukas, paliit ng paliit ang kahon. At ang laman ay isang box na may lamang singsing, isang xerox ng birth certificate, NBI, SSS, PhilHealth, Police Clearance, resume, bio-data at application form na kung saan ang mga nilalaman ay nakakakilig. Nag-aapply siyang boyfriend ko, soon to be husband. At ayun pa sa mga date na nakalagay. Dalawang taon na ang nakalipas...

-thE End


(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon