"lalaking alog na kulang sa pansin" MARK&CREZZA

45 0 0
                                    

"NAKAKAINIS KA!" Tumatakbo ako palayo sa kanya na may galit sa aking mga mata.

isang nakaraan laging tumatakbo sa aking isipan palage. isang Mark Jhade na lubos kong kinasusuklaman. magmula noon ni isang beses di na kami nag-usap, wala na kaming kumonikasyon sa isa't isa.

"OH CREZZA? tulaley ka na naman diyan?"

"Nag-iisip lang ng plano para sa event next month."

"Alam mo ba ang balita?"

"Ang pagpasok ni Mark Jhemonyo sa kompanyang to? Ubyus no? Alam ko."

"Jhemonyo talaga? Ang hard nun huh.  So, anong plano mo?"

"Hindi ko siya kilala by the way."

"HAHAHAHA dami kong tawa sayo. So, basta andito lang me, i am always here."

Ayun yun e, kaya ako natutulaley. kaya ko siya naalala. buweset na Jhemonyo yun dami daming kompanya dito pa sa kompanya na pinapasukan ko. nang dahil sa kanya naging mataray, supladita, maarte, pulaera, pero mabait pa rin ako ha.

Sa pag-ikot ng mundo at pagtakbo ng oras na halos hindi ko na nahabol dahil bawat araw ko na lumipas ay sira sa tuwing kinakausap niya ako. kapal talaga feeling close ang Jhemonyo. as in feeling to the max sya.

"Sorry sir, if hindi naman po about sa trabaho. Please sir Magtibay dont talk to me?"

"Ahh, ganun ba. Im sorry Crezza."

Inirapan ko siya then nagwalk-out na ako sa canteen. sinundan naman ako ni Lovely ang kaibigan ko.

"Taray mo talaga, girl!"

"IKR. Hrrrrr nakakainis talaga kakapang-init ng ulo. Napakalandi pa sa mga girls nakakairita."

"Aherm, nagseselos ka?"

"ASA KA!"

"Mahal mo pa rin siya confirmed! Ang tanga mo! Mahal mo pa rin siya!"

"aray? tanga talaga? ikaw kaya! Mahal ka diyan, tseh!"

Pero lumipas ang oras, araw, linggo at buwan. Sa sobrang kulit niya para makipag-ayos sa akin. Iba na siya matured na mag-isip. Nagulat ang lahat ng binati niya ako ay binati ko din siya. Hanggang naging close ulit kami ni Jhade, Oh Yuh, hindi na Jhemonyo. Friends na nga diba. Kinalimutan ko na yung ginawa niya sa akin noon. Nung niligawan niya ako noong high school at nung araw na sasagutin ko siya, it's my birthday. What a surprise may girlfriend na daw siya? Nakakahiya ganito ba yung nangyari.

"Mark, naniniwala ka namang mahal kita diba?"

"Eh? Mahal mo ako?"

"Hindi mo ba halata yun? Nakakainis ka. Kaya wag ka na manligaw kasi sige payag na akong maging tayo."

"Huh? Crezza talaga?"

"Oo nga, kaya para sa akin napakasaya ng bir-

"Pero kami na ni Michelle. Kahapon lang."

wala ng tumakbo sa isip ko bigla na lang ako na Stock in the Moment. hanggang sa galit ang naramdaman ko.

"NAKAKAINIS KA" tumatakbo ako palayo sa kanya na may galit sa aking mga mata.

Hanggang sa niligawan niya ako. At sa sobrang inis ko deep inside kinikilig. Hindi ko siya sinagot. Nadala na ako hinding hindi ko siya sasagutin as in HINDING HINDI NIYA AKO MAGIGING GIRLFRIEND. Pero pursigido siya.

"Ikaw ang bahala. Basta hinding hindi magiging tayo ha."

"Pero mahal mo ako?"

"Hindi ah, kapal mo."

"Hindi nga? mahal mo ga ako?"

"Oo."

"Ede tayo na nga?"

"Porket ba mahal kita tayo na? Relationship agad?"

"Eh bakit hindi pa rin tayo?"

"Basta mahal mo ko at mahal kita. Pero walang tayo.  Yun na yun!"

"Ang gulo mo naman Crezza. Okay basta akin ka lang ha?"

Ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Bigla siyang nag-ARAY.

"BAKIT?"

"Killer smile ka kasi nakakamatay."

"Tseh, baduy mo! Pero if maging tayo, tatagal ba tayo?"

"walang kwentang tanong. Alam mo kahit nga hindi tayo sure akong hanggang kamatayan tayo ang magkasama."

"So until the end tayo nga?"

"Depende."

"Depende ka dyan?"

"Depende kong ako lang titingnan mo, tititigan mo, ngingitian mo. At kung di ka mananawa sa akin."

"Basta ba freinds forever."

"Friends?"

"Kaibigan. Ano pa bang gusto mo?"

"Ewan ko sayo." wala niyang ganang sagot

"Galit ka?"

"Hindi."

tinawanan ko siya. "Feeling ka kasi, di ka na nahiya." ayun nagwalk-out siya iniwan niya ako sa Canteen. Hindi ko na siya sinundan natatawa lang ako sa kanya.

Ilang linggo niya na akong di kinakausap. Lahat nagtataka, nagtatanong. Pero para sa akin wala lang. Hindi naman sa takot akong mawala siya. Gusto ko lang malaman kung anong balak sa akin ng destiny. Saka bahala na siya, siya ang magdedesisyon hindi ako.

-breaktime

"Crezza."

Tiningnan ko si Mark Jhade habang kumakain ako. Nagtatanong na mukha ang sinalubong ko sa kanya.

"Girlfriend ko."

"Si Lovely? Ah kaya pala kayo ang laging magkasama. Okay lang sanay na ako" sabay ngiti

"Kaya sana tigilan mo na ako."

"Tigilan? saan?"

tumigil ang mundo.

"Yung pagtakbo mo sa isip ko!" nagtawanan ang lahat pati si Lovely na kasabwat sa kalukuhan.

"What ever Mark. So get out on my sight."

"What ever!"

"So gay! Umalis ka na nga."

"Care mo?"

"Sinasayang mo oras ko, sinasayang mo breaktime ko Mr. Mark Jhade Magtibay. Kaya mag-ipon ka." 

 "Matagal na akong nag-iipon."

"Good, kaya dont waste my time. Get out."

"Nakakainis ka talaga."

"Huwag ka ngang gumawa ng eksena dito, nakakahiya ka." tumayo ako para umalis na at pabalik na sa office. Lumingon ako sa kanya at na nakatingin siya sakin.

"Basta ba after 2 years, pakasalan mo ako. Bayad mo na yun sa pagsayang mo sa breaktime ko."

-the end?

(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon