"SANA AKO NA LANG"
"Ahahaha, bakla ka. Weak"
"Agad ng bakla? Ikaw talaga."
Narito kami ngayon ng boyfriend ko sa isang mall. Naglalaro sa isang computer shop. Anong nilalaro namin? DOTA. At talo ko na naman siya.
Matapos namin maglaro nagpasya naman kaming mamasyal. Sa pamamasyal namin. Nakasalubong namin yung bestfriend ni Marco si Vinez de Guzman. Talagang crush ko yan, simula pa nung una naming pagkikita. Crush ko siya, noon. Noong hindi pa kami ni Marco.
"Pare?"
"Naman, lagalag ang dalawa."
"Eh, ikaw mag-isa ka lang?"
"Ubyus naman diba?"
"Wala ka pa ring girlfriend?"
"Aanhin ko naman yun?"
"Sus naman, kamusta ba ang trabaho, Lagi ka ng busy!"
"Syempre magaling na arkitekto. Di tulad mo kunti lang ang kliyente. Hehehe."
"Tinatanggihan ko lang para mapunta sayo."
"Siya sige mauna na ako sa inyo at bibili pa ako ng mga gagamitin ko. Bye Trisha"
"Sige. Ingat ka."
Sa pag-alis niya nagpatuloy na ulit kami ni Marco sa pamamasyal.
***
"Ha? Ano?"
"Naaksidente si Marco, pumunta ka na dito sa site na pinagdalhan niya sayo noon."
"Anong naaksidente? Anong nagyari sa kanya? Oh sige na, sige na. Pupunta na ako!"
Sobrang nataranta ako sa balita ni Vinez, agad muna akong nag-out sa work ko. Bakit di pa nila dinala sa hospital si Marco? Paano kung malala yung nangyari sa kanya. Oh, Diyos ko. Tulungan niyo po si Marco. Huwag niyo po muna siyang kukunin sa akin. Please.
Saulo ko pa naman ang daan papunta doon, kaya hindi ako naligaw. Agad akong nagdoorbell sa gate. Saka ko lang napagtanto na tapos na pala yung bahay na pinagagawa ni Marco. At yung nakalagay sa gate na tarpaulin.
"WELCOME!!! MS. TRISHA PAGLICAUAN PROPERTY"
Mga sumunod na pangyayari? Ayun shock na shock lang ako. Nandoon yung mga kabarkada ni Marco. Yung dream house namin buo na. At sa di inaasahang pangyayari.
"Will you marry me, Trisha?"
Sabi ko sa sarili ko di ako iiyak. Kaso naiyak na ako. Ako pa naman yung tipo ng tao na mahirap patahanin. Kaya nataranta na si Marco. "Huwag mo naman ako iyakan." Niyakap niya na ako.
"Sorry, may after shocked pa pala yung surpresa mo."
"Alam mo namang, gusto kita parating nasusurprise." tapos kinss niya ko sa cheeks, lahat naman nagkagulo na sa pagcheer.
San pa nga ba patungo ang lahat ng ito? Syempre sa kasalan.
***
This is it. This is really is it! Araw na ng kasal namin ni Marco. Excited na ako. Hanggang sa dumating na yung best friend ko galing Manila. Actually, cousin ko rin siya.
"Akalain mo, naging busy lang ako? Ikakasal ka na agad?"
"Ikaw eh, kinalimutan mo na halos ako. Porket Manila girl ka na."
"Hindi ahh... Ganda mo bhest, kaya marame na-inlove sayo eh."
"Iniba mo usapan."
"Teka lang bhest, hindi mo man lang ba sinagot noon si Vinez?"
"Ha, bakit ko naman sasagutin si Vinez?"
"Eh kasi ang alam ko, may gusto yun sayo. Kaya nagulat na lang ako noon na naging kayo ni Marco. Lagi ka kasing tinatanong nun, kesa ano daw paborito mong kulay, pagkain, lugar, subject etc. Patay na patay pa nga ata sayo yun. Diba bestfriend sila ni Marco? Di man lang niya nasabi sayo? Sabagay baka matukso ka kay Vinez."
Pakiramdam ko tumigil ang oras ko sa sinabi ni Zaida. Kung ganun pala, hindi ako nag-assume noon. Kasi totoo nga yung nararamdaman ko tungkol sa kanya. At mahirap mang tanggapin first love ko siya.
***
#VINEZ POV
Bestman man ako sa kasal nila, masaya na akong makitang nagsusumpuan sila sa harap ng pari at ng Diyos. Kung pigilan ko man itong kasal nila, wala na naman akong magagawa. Kasi nagmamahalan na talaga sila. First year college pa lang kami ng makilala ko si Trisha. Umiiyak sa jeep. Doon ko siya unang nakita. Hindi man kami naging close. Parate ko naman siyang nakikita. Hanggang sa itinuro ko siya kay Marco.
"Oh bakit di mo ligawan? Mukha namang mabait."
"Nahihiya ako, pare."
"Aysus. Mukha namang single. Ligawan mo na. Gusto mo lapitan mo na ngayon."
Tinutulak ako palapit ni Marco kay... Hindi ko pa alam pangalan niya ng mga panahon na yun. Hindi ko rin alam course niya. Nang malapit na kami, nakatingin siya sa akin, kaya sa sobrang kaba ko, nagwalk-out ako. Naiwan si Marco. Doon na nagsimula ang lahat. Naging close sila ni Marco ako naman medyo iwas.
Nagsisisi man ako, na nag-give up ako kay Trisha dahil kay Marco. Wala na talaga akong magagawa heto na resulta. Maging plinano kung dream house ko binigay ko na sa kanila magandang regalo na yun hindi ba? Pero...
"SANA AKO NA LANG!" sigaw ng isip ko
T h E E n D