"Simbang Gabi"
"Ano ba yan Shana. Late na tayo sa misa."
"Wait lang nawawala ang cellphone ko."
"Napakaburara mo talaga."
"Aray huh? Ay eto nakita ko na. Tara na."
-
"Peace be with you." Nagulat ako ng bigla na lang magpeace be with you yung lalaking nasa harapan ko. Ang gwapo.
"peace be with you." saad ko sa kanya pati na rin sa iba.
-
"Huwag ka na kasing umiyak."
"Regalo ni Papa yung cellphone na yun sa akin. Dalwang taon na yun sa akin. Tapos mawawala lang. Chelly. Paano na yung phone ko?"
"Ikaw kasi. Sign na siguro yung ayaw na pagpapakita sayo kanina nung phone."
"Dapat kasi di ko na lang dinala."
"Sabihin mo na lang sa magulang mo na nawala ang phone mo."
-
Ako si Shana. Sharina Macam tunay kong pangalan. kaso ang bantot kaya Shana na lang huh? Second year college, pumapasok sa isang pampribadong paaralan. Kumukuha ng kursong Education. Magandang babae. At ang problema ko ngayon sa buhay ay nawawala yung cellphone ko.
-
Tinext ko yung lumang number ko kinabukasan. Nang biglang may nagreply.
"Chelly! Nagreply yung number ko!" sigaw ko
"Eh? Anong sabi?"
"Who me raw? Kapal ng mukha nya."
"Etextmate mo lang dali."
-
"Ano ba yan? Ayaw magpakilala? Saka napulot nya lang daw yung simcard ko."
"Maniwala ka dyan? Tawagan mo gamit yung cellphone ko. Unlicall yun."
Agad kong tinawagan yung numero. Nakailang contact ako bago nito sinagot. Lalaki yung sumagot. Gwapo nung boses ha.
"Ako kasi yung may ari ng simcard na gamit mo. Ako yung kaninang nagtetext."
"Ha? Ganun ba. Napulot ko lang kasi itong sim mo noong nagsimbang gabi ako."
"Ganun ba? Pwede ko ba mabawi yang sim card ko?"
"Oo naman. Pasensya na kanina hindi ako matino magreply."
"Okay lang naman. Saka sana di mo naman ginamit sa kalukuhan yang sim ko."
"Hehehe. Gagawin ko pa lang sana. Anong pangalan mo?"
"Pangalan ko? Ako nga-
Sumingit si Chelly at bumulong. "Huwag kang magpakilala shunga"
"Tawagin mo na lang akong Miss S."
"Ahhh. Okay. Bumabawi ka ha? Ako na lang si Mr. Architect."
"Architect ka?"
"Sa future... Saan ka pumapasok?"
"Sa - tot tot
"Naputol?"
"Sorry sis. Nacut na yung unlicall ko."
-
"Ayoko makipagkita."
"Makipagkita ka na." sulsol ni Chelly
"Baka masamng tao yun."
"Samahan kita."
"Ayoko pa rin."
"Tsusera ka."
"Alis na muna ako. Punta muna ako sa bhouse nina Jessa."
"Ingat ka bruha. Saka bakit todo porma ka?"
"Lagi naman ganito ayus ko ah?"
"Iba ngayon. Siya sige umalis ka na. Pasalubong ha."
-
Habang naglalakad ako papunta sa bhouse nina Jessa. Katext ko Mr. Architect. Nagulat ako kasi nung tinanong niya kung saan ako papunta. At sinabi ko yung lugar. Doon daw siya nagboboard. Tadhana na ba naming magkita?
Paakyat na ako sa 3rd floor. Doon kasi ang mga babae at sa 2nd floor yung mga lalaki. Nang may sumotsot sa likod ko at tinawag akong. "Pssst! Miss.S?"
Dahan dahan akong lumingon. Nakita ko ang isang anghel. Yung crush ko sa boarding house na to. Lagi ko lang siya nakikita na mukhang haggard. Pero ngayon mukha syang masigla. At siya yung nagpeace be with you sa akin noon.
Matapos nun. Niyaya niya ako magpunta sa Mall. Sumama ako kasi mukha naman siyang katiwatiwala. Pinilit niya ako kasi Christmas Vacation na daw niya. Uwi na daw siya bukas sa kanila. He's 3rd year student taking BS-Architecture sa paaralang pareho naming pinapasukan. At isa siya sa mga talentadong taong kilala ko.
Ito na ba yung regalo ni Papa God at ni Santa sa akin?