"Jelo!"
"Shaira? Bakit?"
"Aysus nandito ka lang pala sa canteen, kanina pa kita hinahanap."
"Oh, bakit mo ako hinahanap?"
Naupo ako sa tabi ni Jelo. Bestfriend kami ni Jelo. Nagsimula yun ng maging friend ko siya sa facebook. Nagulat na lang ako kasi nagkabiruan lang kami nung isang araw tapos inadd niya ako sa FB tapos nagkachat kami then hayun dun na nagsimula ang lahat.
"Bakit ka narito?"
"Sama ng ugali nito. Bakit ka na lang bigla umalis sa tabi ko."
"Alangan namang makinig ako sa usapan niyo ni Rumar?"
"Ahhhhh. Nga no, maririnig mo kami? Ahahaha."
"Sinagot mo na?"
"Hindi, ayoko nga dun. Saka okay na kung ikaw kasama ko araw-araw."
"Aysus, kaya pala tawa ka ng tawa habang nag-uusap kayo."
"Wag na magselos best."
"Hindi ako nagseselos."
"Tara na sa room?"
"Tinatamad pa ako."
"Tara na!" Kaya hayan hinila ko na siya papuntang room. Sasama rin pala nagpahila pa.
Nang makarating kami ng room. Hayun as usual magulo, maingay, kantyawan, sigawan, etc. Nagtabi kami sa dalawang bakanteng upuan. Nag-usap-usap lang tungkol sa nakaraan. Hanggang sa
"Weh???"
"Oo nga, kulit."
"Hindi nga Jelo? Crush mo ako?"
"Oo nga..."
"Edi dapat niligawan mo na lang ako kesa sa pasabi sabi ka pa diyang pwede ba kita maging bestfriend."
"Maalam ka pa?"
"Pero hindi nga? Crush mo nga ako?"
"Kanina oo, ngayon hindi na."
"Ay?" -____-)
"Oh, bakit naging tambakol pagmumukha mo?"
"Sabi na nga at pinagtritripan mo lang ako."
"Bakit mo alam?"
Tumayo na ako, paalis na sana ako ng bigla na lang ako hinila paupo. Aray ko po, masakit kaya yun!
"Eto naman. Walk-out pang nalalaman."
Hindi ako umimik. Diretso lang tingin ko sa blackboard. Nakakasura siya. Nakakainis siya. Kasi naman, tuwang tuwa na nga ako ng sabihin niyang crush niya ako. Kasi first day of school napukaw na niya atensyon ko. Tapos heto siya tinitrip ako. Haist >.<
(/-.)(*.*) gets mo?
"Kanina crush kita. Pero ngayon MAHAL na KITA."
Pakiramdam ko. Stuck in the moment ako ng mga oras na yun. Hanggang sa nasuntok ko siya sa bisig niya.
"Bakit mo ko hinalkan sa pisnge! Kadiri ka, ikaw pa lang nakakagawa niyan!"
Ngumiti lang siya sa akin. Habang suntok lang ako ng suntok sa bisig niya.
"I Love You Too!!!"
T h E E n D