Tetris Battle Love Story

24 0 0
                                    

Naglalaro si Marcello ng Tetris 2P Battle ng hindi inaasahang mapansin ang isang larawan ng babae na makakalaban niya.

"Madelene Mariano?" 

Walang anu-ano, niresearch niya ang panagalan nito. Hindi ito kaputiang babae. Morena na siguro kung tatawagin. Pero iba't-iba itsura niya. Ano ba talaga itsura nito?

"Taga dito din pala siya sa Laguna"

Hindi maintindihan ni Marcello pero nagprintscreen siya ng laban nila. Saka isenend sa babaeng kalaban niya. Nung una natutuwa siya hanggang sa bumilis ang tibok ng puso niya ng magreply bigay ito ng mensahe.

"Question mark?"

Nagreply siya dito pero hindi na ito nagreply pa sa kanya. Kaya pinabayaan niya na lang. Total nabored na siya. Nag-out na siya.

-

iLang araw bago nag-online ng facebook si Marcello. Katulad ng dati, nadagdagan ang mga friend request. Hindi naman sa pagyayabang, hearthrob siya sa school nila. Laking gulat niya ng isa dun si Madelene. Kaagad niya itong iniaccept. At isang mensahe din ang natanggap niya.

unang mensahe: Hey ini-add po kita. Pa-accept

pangalawa: OL ka po ba?

at ngayon: Ui? Laban tayo???

Kaagad siyang nagreply dito.

"Ng Tetris?" tanong niya

"Yup, bilis" sagot nito

Nung una siya ang nanalo pero hindi nagtaggal natalo siya ni Madelene. Mula ng araw na yun parate silang naglalaban ng Tetris. Hanggang isang araw nagpasya silang magkita. Nung una ayaw ni Madelene pero sumang-ayon din ito. Sa isang kondisyon, kakanta ito ng LIVE sa kanya.

Naghihintay si Marcello sa isang upuan habang nakasabit sa kanya ang kanyang gitara. Kinakabahan na excited ang nadarama niya. Hanggang isang babaeng nakaPink na babae ang papalapit sa kanya.

"Ha-hi?" bati ni Madelene

"Madelene?"

Tumango ito bilang sagot.

"See, kaya ayoko makipagkita sayo. Halata na agad sa mukha mo ang pagkagulat."

"Ha? Hindi naman... Nabigla lang ako."

"Don't worry treat kita. Whatever you want."

"Ako nagyaya. Syempre it's my treat."

"Okay..."

-

"Paborito kong kainan to."

"Ibig sabihin masarap dito."

"Kitang kita naman ang ebidensya diba? Taba ko."

"Hehehe"

"Baka iniisip mo, hindi ako yung mga nasa picture ko?"

"Kamukha mo naman. Kaya ikaw nga yun."

"1year later lang. See tumaba ako ng bongga. Hindi ako naniniwala na kapag iniwan ka. Gaganda ka daw. Eh ako pumangit na tumaba pa."

"So? Payat ka dati?"

"Yup. At dahil sa depression. See what I am now. Ang taba ko na. Ang daming nagulat. Ang daming nastress sa pangyayari sa akin. Taga Batangas ako dati."

"Makwento ka pala ano?"

"Ay? Nadadaldalan ka na ba sa akin?"

"Hindi okay lang, nakakatuwa nga eh."

"Weh? Kakantahan mo pa ako ha. Total sinabi mong marunong ka."

Ngumiti lang si Marcello saka pinagpatuloy ang pagkain.

-

Madelene POV

Pagkauwi ko. Hindi kaagad ako nag-online sa facebook. Kasi nagbanyo pa ako. Pero matapos nun kaagad akong nag-online sa facebook ko. Imemessage ko sana siya. Kaso hindi na mag-appear ang pangalan niya at hindi ko na siya masendan pa ng mensahe. Anong ibig sabihin nito? Tinary ko siyang tawagan pero out of coverage area daw.

"Ibig bang sabihin, He blocked me in his facebook right now? HAHAHA nakakatawa siya. Kaya pala parang nagmamadali siya at ni hindi niya na ako kinantahan. Pathetic man. Lintik lang walang ganti!"

the end???

(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon