"Got to Believe"

16 0 0
                                    

 

Narito ako ngayon sa Mall. Namamasyal, magwiwindow shopping and then mag-iipon at bibilhin ko yung nagustuhan ko. Hindi ako rich eh.

 

Ang totoo niyan hindi ako pinayagan ng Nanay ko umalis ng bahay. Kaso pasaway ako umalis padin ako ng bahay.

 

Hanggang isang kaguluhan ang nagyari. Lahat ay nagtakbuhan tumakbo na rin ako dahil sa takot hanggang nakarating ako sa simbahan. May isang matandang lalaki. Bawal daw pumasok sa loob pero pinapasok ako.

 

Pagpasok ko kasama ang isang babae. Isang liwanag ang lumabas. Talagang nakakasilaw. Isang lalaking malabrown ang buhok na nasa kisame ng simbahan ang nagsalita.

 

"Kayong mga taong makasalanan. Kailan pa kayo magbabago? Kapag huli na ang lahat? Hindi na kayo mga nagbago!" may galit nitong saad

 

Sa sobrang takot ko tumakbo ako. Si God ba yun? Bakit galit siya? Hindi nagagalit ang Diyos. Hanggang isang aksidente ang naganap sa akin. Isang sasakyan at bumangga sa akin. Dahilan para mawalan ng buhay.

 

Isang maulap na himpapawid ang sumalubong sa akin. Habang ako'y lumilipad paakyat ng langit. Nang sumagi sa aking isipan. "Salamat, makikita ko na ang Diyos."

 

 

 

 

 

 

Hanggang ako'y dahandahang ibinalik pababa sa lupa. At isang himalang ako'y muling nabuhay. Nung una natawa ako, kasi sinabi ko lang na makikita ko ang Diyos kaagad akong pinabalik pababa at binuhay. Pinilit ko ulit lumipad kaso hindi na ako makalipad pa. At hanggang bumalik na ako sa aking ulirat.

 

-GotToBelieve

(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon