---| Cheena & Ezteven |---
Dalawang taon nang nasa relasyon sina Cheena at Ezteven. Halos nagsasama sila ng may tiwala, pag-uunawaan, pagmamahalan at respeto sa isa't-isa.
Subalit isang dahilan ang naghiwalay sa kanila. Paghihiwalay ng lugar kung saan pupunta ng Australia si Ezteven. Sapagkat naroon ang isa pang pagmamay-ari ng kanyang ama na kompanya at siya ang naatasan na maging tagapamahala doon.
"Huwag na huwag mo akong kakalimutang ichat ha."
"Opo, ikaw ha. Wag na wag kang manlalalaki habang ako'y wala."
"Sus naman. Ikaw lang naman at si Tatay ang lalaki ko."
"So, ano? Aalis na ako. Pasok ka na sa loob."
"Kung pwede lang sana ako sumama sayo. Kaso... Basta mag-iingat ka dun. Keep in touch baka mamaya may iba ka na pala doon."
"Parang ipagpapalit ko siya. Pasok ka na sa loob. Mamimiss kita ng sobra."
Unti-unting nagkakalayo ang mga kamay nina Cheena at Ezteven na kanina pang magkahawak. At hanggang sa pag-alis nito na unti-unti na ring nawala sa paningin ni Cheena.
***
(2 years later)
"Oh ano Sis Cheena, may balita ka na ba kay Ezteven?"
"Bakit ba Mojica sa araw-araw na nagdaan. Si Ezteven ang lagi mong tanong. May gusto ka ba sa gung-gong na yun?"
"Syempre naman kapated. Concern lang si bunso sayo."
"Inyo na lang relasyon ni Norman asikasuhin mo. Huwag akin. Pwede?"
"Si Ate talaga oh... BITTER!"
"Ikaw ba namang halos dalawang taong hindi maalala ng boyfriend mo. Hindi mo alam kung kayo pa o hindi na. Ni hi ni ho WALA!"
"Malay mo naman ano. Nag-asawa lang naman pala doon may pamilya na."
"Tigilan mo nga ako. Umalis ka na nga!" naiirita nitong saad
( A Days Later )
"ATE! ATE!!!"
"Ano ba Mojica at palahaw ka na diyan. Ano bang nangyaya-Ezteven?"
"Pogi ng bisita mo. Sige ate. It's your time to shine. Iwan ko na muna kayo."
"Kailan ka pa dumating?"
"Kahapon lang."
"Buti at alam mo pa rin ang amin. Matapos ng-"
"Im Sorry."
"Sorry?" may tono ng pagkagalit
"Im Sorry talaga Cheena..."
"Don't tell me? Oh don't tell me makikipaghiwalay ka? Naibabalita mong may asawa't anak ka na?"
"No, mali ka. Im Sorry kasi hindi ko natupad yung pangako kong ichachat ka parate. Sorry kasi naging busy talaga ako. At kahit may time ako di talaga kita chinachat."