FRIEND'S IN JUST ONE DAY(SANSAN&HIM)

53 0 0
                                    

Ako si Sandra. Pero SANSAN ang tawag nila sa akin. Aangal pa ba ako?

Karamihan naman sa ating mga babae, mahilig mamasyal sa Mall. Maniningin sa iba't ibang stall. Magsusukat ng mga damit, sapatos, sandals etc. Tapos maniningin din ng mga bag, accesories, etc.

Basta gawain ko yan. Mas masaya kapag mag-isa ako.

By the way, may boyfriend ako. Kaso kapag lumalabas ako mag-isa para mamasyal. Di ko cnaxabi. Total kasasabi ko lang. Mas gusto ko mag-isa.

Heto nga ako ngayon. Mag-aadventure mag-isa. Gusto ko naman sa ibang lugar mag-mall. Sakay ngayon ako sa Bus.

Siguradong magtatanong tanong na naman ako ng direksyon.

-

Nagpupuno ng pasahero ang nasakyan kong jeep. Alam niyo bang yun yung nakakaasar sa mga driver? Eto nagpupuno kahit sikip na.

"Kuya? Magkano pamasahe kapag pa Mall?" tanong ko sa katabi ko.

"ha? Ano miss. Otso lang."

"ahh, salamat."

kumuha na ko sa bag ko ng otso. Tapos ayun iniabot ko. Kaso naiinip na ko dito. Anong oras na ba?

"Kuya? Malayo pa ba yung Mall dito?"

"Ha? Oo,kapag nilakad mo malayo pa."

"Ah. Nakakainip kasi."

"Taga saan ka?"

"Ano taga Batangas ako."

"Bakit nandito ka sa Calamba?"

"Namamasyal lang."

"Mag-isa?"

"hindi. May kasama ako."

"nasan?"

"yung anino ko."

natawa sya sa pagbibiro ko. Hanggang sa biyahe nag-uusap kame ni Kuya. Nang makarating ako sa tapat ng Mall. Bumaba din sya.

"Saan ka pupunta kuya?"

"Sasamahan ka."

"Eh? Hala. Huwag na."

"Malay mo maligaw ka, samahan na kita."

"Geh bahala ka."

Agad kong tinanong sa kanya yung pwesto ng paborito kong kainan.

"bata ka?"

"bakit?"

"Wala. Anong gusto mo?"

"Lilibre mo ko?"

"Ano bang gusto mo?"

"Wag na. Ako na."

"hindi, humanap ka ng pwesto natin. Ako na bahala sa kakainin mo."

"Wag na. Ako na nga."

"Maupo ka na nga. Dali na." hinila niya ako papunta sa isang bakanteng mesa. Saka nya ko pinaupo.

"Diyan ka lang. Ako na bahala sa kakainin mo."

-

"Nga pala, Cedric."

"Sansan."

"Bakit mag-isa ka?"

"Dalawa nga ako. Kulet?"

"Hehehe. Nasan boyfriend mo?"

"nasa kanila."

"baka magalit yun."

"bk8 nmn mggalit?"

"nga naman, wala naman akong gnagawa sau."

"hehehe."

"kung ako jowa mo,d kta papayagan mag-isa."

"buti na lang d ikaw boyfriend ko. Saka hnd naman nya alam."

"eh? Eh mga magulang mo alam?"

"syempre hndi din."

"luka ka pala ano. Kapag napahamak ka."

"hindi din. Kaya nga di ako nagpapagabi."

"kung sa bagay maganda ka. Bka mpgtripan ka pa sa gabi. Sayang."

-

"bagay sayo to."

"ala, panget naman niyan."

"eh,eto?"

hinanggit q ung damit sa kanya. Kasi maganda nga.

"magkano?" at ng tingnan ko 850

"balikan ko na lang someday. Hehehe."

"naman. Bilhin mo na."

"magkukulang pera ko. May bibilhn pa kc aq."

"ahh..."

-

tapos na kong mamili ng mga nagustuhan ko. Nand2 naman kame ngayon sa isang bench syempre nakaupo. Kumakaen ng ice cream. Libre nya na naman.

"ilan taon ka na Sansan?"

"22,ikaw?"

"24. Taga san ka sa Batangas?"

"Sta. Rita."

"Ahhh. Graduate ka ng anong course?"

"Tourism. Eh ikaw?"

"Hmmm,Civil."

"engineer ka? Wow!"

"hehehe."

"punta lang akong cr."

"okay. Ingat."

-

pagkarating ko sa bench na pinag iwanan ko kay Cedric wala na siya. Iniwan na nya ako. Medyo hinanap ko siya. Kaso di ko makita.

Total alas-tres na. Kailangan ko ng umuwe. Pababa na ko ng escalator ng may kumulbit sa akn.

"hoy,san ka galing?" tanong ko

"may binili lang."

"akala ko umuwe ka na. Nga pala, uwi na ko."

"cge,bka gabihn ka pa."

-

nang makarating kame sa sakayan. Magkaiba na kame ng sasakyan.

"oh."

"ano yan?"

"gift para sa kaibigan."

"wag na."

"tanggapin na kasi." nilagay nya ang paper bag sa kamay ko. Sinilip ko yung laman.

"hala, wag na. Bigay mo na lang sa gf mo."

"wala aqng gf."

"sa kapatid mo na lang?"

"nag-iisang anak lang ako."

"kaibigan, pinsan, katrabaho?"

"para sau nga kc yan."

"pero? Nakakahiya kasi."

"sige, una na ako. Ingat."

Tumalikod na sya sken.

"SALAMAT CEDRIC. INGAT KA. SALAMAT ULIT." tinaas nya lang kanang kamay nya saka lumingon at ngumiti. Saka ko narealize na Gwapo pala yun muktol na yun.

-

buti na lang hndi aq gnabi sa pag-uwi. Nand2 aq ngaun sa kwarto ko. Medyo d pa din makapaniwala sa nangyari. Kanina ko pa hinanger yung damit na binigay nya at agad kong tinago. Akalain nyong may ganung tao pala? Inilibre ka ng pagkain, sinamahan magshopping, inilibre ng ice cream at binigyan ng damit na nagkakahalagang 850.

Pero d ko parin pagpapalit ang boyfriend ko. Kahit tatlong taon ko na syang hindi nakakasama -_-)


-the end?


(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon